Hi mga kabibilabs😘
Sorry kung sobrang natagalan ang Sexy Otor niyo. Nagahol ang oras ko sa trabaho kaya ngayon lang ulit. Pinagpuyatan ko po ito para lang may mai uodate ako. Namimiss ko na kasi kayo. So, kahit na dapat ay tulog na ako. Mas oiniki kong magpuyat kahit pagod.Hope you enjoy it.
Happy reading mga bhebhe loves😘😘😘
Pamela
NANGINGITI akong nakahawak sa chart na ilalagay ko for every patients for check ups ng aming mga doctors.
Mayroon 'yong napapakagat labi ako dahil naalala ko ang nangyari kahapon. Parang hindi pa din kasi ako makapaniwala na in a relationship na talaga ako sa lalakebg gusto ko. And it's for real na this time wala ng pagpapanggap. Yun bang parang excited ako laging bumangon kasi alam ko sa sarili kong magkikita ulit kami kinabukasan.
It's the best feeling! Paano ko kaya mailalagay sa baol ang ganitong pakiramdam para hindi ko makalimutan? I want to treasure it forever.
Sobrang kilig na kilig ako habang ini-imagine na hawak niya ang kamay ko habang naglalakad kami. Grabe. Parang sinisilaban ang katawan ko sa kilig.
Ang sobrang kilig ko ay napalitan ng pagngiwi nang maalala ko ang pag iinarte ko noong mga nakaraang araw. Tapos malalaman laman ko na kapatid niya lang pala. Jusko po! Nakakahiya. Alam kaya ng kapatid niya?
May paiyak iyak pa akong nalalaman tapos may paiwas iwas pa. Tapos may palasing lasing pa akong nalalaman. Tapos, nagsesenti lang pala ako sa wala. Nasayang pa tuloy ang kalahating balde ng luha ko.
Atleast, now I know. And I have learned my lesson. Na dapat huwag muna akong mag assume kung hindi ako sigurado. Ngayon pa ba na boyfriend ko na siya?
"Mararamdaman nya kung gaano kasarap magmahal ang isang Macabagbag." Tumatango tango ko pang sambit habang naglalakad na nagingiti.
I already gave him my trust, kaya hindi ko na kailangan pang mag alinlangan beacuse he promised me na hindi siya titingin sa iba kung hindi sa akin lang. That's all that matters now.
"Hindi ko alam na ganito pala kaganda ang feeling nang in love. Eh di, sana noon pa ako naghanap ng mamahalin ko." That's for real. Kung sana noon ko pa naramdaman ito, hay naku. Baka may mas isasaya pa ako.
Nang marating ko na ang ward ay nawala na sa aking isip ang lalakeng nagpapatibok ng aking puso. Naging busy na ako the whole time.
Nang sumapit ang tanghalian ay parang hindi ko naramdaman ang pagod ko. Parang nag uumpisa pa nga lang ako sa trabaho ko, eh. Ganyan ako ka-inspire magtrabaho ngayon.
Mayroon 'yong napapatigil ako sa aking ginagawa at napapatulala habang iniisip ko siya. Kung kumain na ba siya? O baka nalilioasan na siya ng gutom? Kung wala lang siguro akong duty ngayon---malamang pinagluto ko na siya at binaunan ng pagkain kahit nasaan man siyang sulok sa mundo.
Bigla kong naitapon ang hawak kong ballpen at napahawak sa aking dibdib ng biglang sumulpot si baklang Asher sa aking harapan. Papatayin ata niya ako sa nerbiyos. Hinayupak na baklang 'to. Kapag nadeads ako, baka iiyak ang kamahalan ko. Mumuktuhin ko talaga itong baklang' to.
Inirapan ko siya. Panira ng good moments, eh.
"Kahapon todo kabitteran ka tapos ngayon abot hanggang talampakan ang ngiti mo. Aba! May magandang resulta ata ang pagtakas ko sa 'yo kahapon?" Nakataas ang kilay na tanong nito sabay upo sa kaharap kong silya.
Breath in breath out muna Pamela. Alalahanin mo kaibigan mo' yan. Sinamaan ko siya nang tingin bago ito tinanong.
"May balak ka bang patayin ako, Baklang Asher?"
BINABASA MO ANG
My Destined Love [FOUR SISTERS SERIES II]
RomanceFour Sisters Series #4 Pamela Macabagbag A well trained nurse from a private hospital. Dedicated siya sa trabaho niya. Mapagmahal na anak at kapatid. Paano kung dumating ang lalaking magpapatibok ng puso niya? Kaya niya bang isakripisyo ang lahat pa...