Hello mga bhebhe Loves ko out there. Sorry for taking it too long for an update. Sobrang di talaga kinakaya ng powers ko. I wanted to write always pero pagod ang kalaban ko. Yung mag uumpisa ka palang magsulat dahil ang daming ideas sa utak mo pero mas nauunang pumikit mga mata mo sa pagod. Nahihiya na nga ako kasi sobdang natagalan na ang UD ko. But I know na matiyava pa din kayong naghihintay and I am happy for that.
Just 6 months to go, uuwi na ako and writing will be my second priority dahil first ang mga anak ko and my asawa of course. I will assure you na marami akong ibibigay na story sa inyo as soon na makauwi ako.
For now, pagpasensiyahan niyo muna ako ha.
Merry Christmas to all of you and enjoy reafing mga bhebhe loves😘😘😘Pamela
NAPATINGIN ako sa lalakeng nagtatanong sa aking kasamahan. Hinahanap niya ako. Tinignan ko ito at alam ko sa sarili kong ni minsan ay hindi ko ito nakasalamuha. He'a face is unfamiliar.
"Is Ms. Pamela here?" Pag uulit na tanong nito.
Sinuri ko ang kabuuan niya. Yes, he's handsome. Wavy hair na nagpadepina sa hugis ng kanyang mukha. Mahabang pilikmata at matangos na ilong. Alam kong nagpupuso na ang mga mata ni Daniela habang tinitignan ang lalakeng nasa harapan nito. He's like a greek God na bumaba mula sa langit. Pero siyempre, walang tatalo sa Kamahalan ko.
Nakasuot din ito ng kulay asul na v-neck shirt at nakamaong pants. Mukha naman itong kagalang galang sa kanyang hitsura. He's more like from a known family sa ayos ng hitsura nito.
Hindi pa rin ako umimik kahit alam kong ako ang hinahanap nito. Mas minabuti kong hintayin pa ang susunod na sasabihin ng lalake. Pero, napanguso ako ng agad akong itinuro ng bruhitang Daniela na ito. Mamaya ka lang talaga sa akin.
"HInahanap ka ni kuyang gwapo, Pampam." Todo ang ngiti nito sa akin bago bumalik ang tingin nito sa lalakeng kaharap niya.
"Yes? How may I help you?" Ngumiti ako dito at tumayo sa kinauupuan ko para lumapit sa kanila. What's the use of hiding kung itinuro ka na mismo ng kasamahan mo.
"So, you are the one." Napakunot ang aking noo sa sinabi niya. I'm the one daw? Ang lakas nang trip ng lalakeng ito, eh, hindi ko naman siya kilala.
"Excuse me?" Just want to clarify what he said.
Nakangiti itong nakatingin sa gawi ko.
"I'm Stephen." Pagpapakilala nito kasabay ng paglahad nito ng kanyang kamay.
At dahil ako si Pamela na allergic sa lalake. Tinignan ko lang ang kanyang kamay. I maybe rude to some people kasi sa ginagawa ko pero, it's just that I don't do shake hands lalo na kung hindi ko naman kilala ang lalake.
"So, how may I help you? I heard na hinahanap mo daw ako?" Tila napahiya ito at ibinaba ang kanyang kamay. "I don't want to be rude. Hindi ako sanay na may naghahanap sa aking lalake. Maliban na lang kung pamilya kita at alam ko namang madalang na may maghanap sa akin."
He's still smiling. How can he do that? Samantalang tinitigan ko lang ang kamay nito.
"Aiden sent me---" hindi ko na siya pinatapos na magsalita noong marinig ko ang pangalan ni Kamahalan.
" Wait---what? Aiden sent you? Kaano-ano mo siya?" Sunod-sunod na tanong ko dito. Ako naman ngayon ang tila napahiya. Paano kung kamag anak pala ni kamahalan ito? Eh di, minus points ako. Haisst! Bakit ba kasi allergy ako sa mga lalake. Pero siyempre, exempted ang kamahalan ko.
"Do you want me to continue, Ms Pamela?" Ang tamis pa din ng ngiti nito kahit na pinahiya ko siya kanina.
Tumango na lang ako dahil hindi ko mahanap ang sarili kong dila para sagutin ang tanong nito.
BINABASA MO ANG
My Destined Love [FOUR SISTERS SERIES II]
RomanceFour Sisters Series #4 Pamela Macabagbag A well trained nurse from a private hospital. Dedicated siya sa trabaho niya. Mapagmahal na anak at kapatid. Paano kung dumating ang lalaking magpapatibok ng puso niya? Kaya niya bang isakripisyo ang lahat pa...