Here we go again mga bibilabs.
As I said, i'll update again. Sana magustuhan niyo.And please do support me again on my next story series. It's Probinsiyano's. My first series is posted na po and have some chapters na. Somebody to Love (Luther) ang title. Hope you'll gonna support me.
Salamat and see you again, bukas.Enjoy reading mga biblabs😘😘😘😘
Pamela
Paulit ulit kong tinitignan ang phone ko. Wala na ata akong naririnig sa kabilang linya. Pero gumagalaw pa naman ang timer.
"Kamahalan..." tawag ko pero wala pa ring sumasagot. "Kamahalan!" Nilakasan ko ang boses ko baka hindi niya lang ako naririnig.
Narinig kong napamura ito.
"Fuck! Babasagin mo ba ang eardrum ko, Disaster?"
"Hindi, ah. Kanina pa kasi kita tinatawag tapos walang umiimik kaya nilakasan ko. Ay--- hindi pala---sinigawan pala kita. Sorry for that." Malay ko ba naman kasi kung nahihinaan lang siya sa boses ko. Tapos ngayon nagagalit siya at nagmumura.
"It's okay. Nabigla lang ako kaya napamura ako. Sorry, hindi ko sinasadya." Napataas ang kilay ko.
"Kamahalan is that you?" Tumawa ako at hindi makapaniwalang nakamata sa kawalan. It's his first time na magsorry agad agad nang walang halong pagsusungit at pagdedepensa.
"Bakit? May iba ka pa bang kausap, Disaster?"
Napahagikgik ako, "wala naman. Ikaw lang, kamahalan. Siyempre dapat 'yong boyfriend ko lang kausap ko."
Natahumik na naman ito sa kabilang linya.
"Hey, praktice lang, ah. Wag kang mafafall." Biro ko. "Pero---pwede din namang totohaning mafall ka sa akin, kamahalan." I murmured and bit my lower lip.
Tumikhin ito sa kabilang linya bago muling nagsalita. "Well---I should go there later. Ill just fix myself. I will remember about the condition. At maniningil ako in time."
Hindi ko muna iisipin ang bagay na 'yon. Hindi naman siguro siya maniningil agad agad. All I want right now is matapos ang pangbubully nila sa akin. Akala nila ah, hmmmp!
"Shoot! I'll be waiting. See you later, my kamahalan." Nagflying kiss pa ako sa ere at hindi na hinintay pang sumagot ito. Basta narinig ko na lang ang mahina nitong pagtawa sa kabilang linya.
Hindi ko alam kung bakit may oras na nahihiya ako sa kanya pero mas maraming oras na komportable ako sa presensiya nito.
Nang maibulsa ko ang aking phone ay napabuga muna ako nang hangin bago ngumiti.
"Let's start the show. Galingan mong umarte kamahalan. Goodluck self." Nakangiting bulong ko habang nakatingin sa gawi ng aking pamilya. Tignan ko lang kung hindi mapanganga ang mga kapatid ko sa kaguwapuhan ng aking kamahalan. Hmmp! Who you talaga silang tatlo sa akin mamaya.
Masaya akong naglalakad palapit sa gawi nila. I am really happy to be with them. Hindi pwedeng hindi kami nagkikita kita tuwing Saturday. Ang araw na 'yan ay family bonding namin. Kahit gaano man kabusy ang isa't isa ay nakalaan talaga ang araw na 'yan para sa pamilya. I am lucky to have them as my family.
I know---kung nasaan man si Tatang at Inang ngayon---masaya sila para sa amin.
Habang papalapit ako sa kanila ay napangiti ulit ako. They are so sweet. Kung magkakaroon man ako ng lalakeng mamahalin. I want it to be just like the three of them. I can see how much they love my sisters. Sana makahanap din ako in time.
"Kahit si kamahalan nalang---sapat na." Kinilig ako sa aking naiisip. Hindi naman siguro masamang mangarap, di ba? "His eyes...." bulong ko. Mata palang nakakahumaling na. Paano pa kaya kung naging akin na siya? Para akong nakasavage sa ml kpaag nagkataon. Natatawa ako sa naiisip ko. Nang maalala ko ang nangyari sa akin nung naglaro ako ng ML ay napailing na lang ako. It won't happen again.
BINABASA MO ANG
My Destined Love [FOUR SISTERS SERIES II]
RomansFour Sisters Series #4 Pamela Macabagbag A well trained nurse from a private hospital. Dedicated siya sa trabaho niya. Mapagmahal na anak at kapatid. Paano kung dumating ang lalaking magpapatibok ng puso niya? Kaya niya bang isakripisyo ang lahat pa...