PAMELA
Pagkatapos ng nangyari ay hindi ko muna siya kinausap. Ang sabi ni Caine ay kahit maiwan muna ako pero hindi ako pumayag. Sumama ako sa kanila sa pag uwi. Hindi ako makakapag isip kapag alam kong nasa isang lugar ako kasama siya.
"May photoshoot ka pang natitira and that will be the last pero parang matatagalan lang ng konti. May aberya daw," pag iimporma ni Caine sa akin habang nasa isang resturant kami for photoshoot ng isang brand ng damit.
Isang linggo na rin ang lumipas simula nang makabalik ako. Nagpakabusy ako sa trabaho at tinanggap ko lahat ng offer ni Caine fo a week. Wala akong tinanggihan kahit isa.
Trabaho sa gabi---photoshoot sa umaga. That's tiring but it's okay. Gusto kong mapagod ng husto ang aking sarili para hindi ko na muna siya maisip. Naiinis lang ako mas lalo dahil ni hindi niya ako sinundan pauwi.
Dapat nga masaya na ako kasi ako na ang legal wife pero bakit pakiramdam ko wala akong kalayaang magdesisyon. He decide for us without even consulting me. Oo, given ng dahil sa pagseselos niya at sa pagmamahal niya sa akin. But---that was wrong. Super wrong. Pwede niya naman akong kausapin. Mas pinipili lang nitong maging makasarili.
Papayag naman akong magpakasal sa kanya. Sobrang mahal ko siya para tanggihan ang alok niyang kasal. Nakapaghintay nga ako ng matagal para sa amin tapos nagdesiayin lang siya mag isa niya. That's absurd.
"Hi," napabalik ako sa aking huwisyo ng may nagsalita sa aking tabi. Napatingin ako dito at napangiti. He's my co-model sa damit na inaadvertise namin.
"Hello, nalate ka ata?" Nakangiting tanong ko.
"Natraffic kasi ako, sorry for waiting. Dapat lalake ang naghihintay hindi ang babae." he said.
Nginitian ko itong muli, "it's okay, hindi pa naman nag iistart, eh."
"So, what's your plan after this?" Tanong nito at uminom sa kape na ibinigay ng staff.
"Maybe, a weekend vacation?" I answered before shrugging.
"That's nice then. How about dinner tonight?" Napatingin ako sa kanya and think. "It's just a dinner thank you, Pamela. No honkey monkey business." Tumatawang sabi nito at itinaas pa ang kanyang mga kamay. Nakasama ko na siya ng ilang beses so, I know him.
"Okay," nakangiting pagpayag ko. It's just a dinner anyway. Wala namang masama.
"It's settled then?" Tumango ako. "I'll pick you up at seven."
"Okay, I'll wait."
Sakto namang tinawag na kami dahil mag uumpisa na daw. Masarap siyang kasama dahil kapag tapos ang isang take---binibiro niya ako. Mas marami pa nga kaming naitawa kaysa sa natapos in an hour.
Kunot na kunot na nga ang noo ni Caine sa amin. I seldom joke around lalo na itong mga nakalipas na araw. Pero ngayon---ang sYa ko at nakikipagbiruan.
"Do it seriously, guys! Ayaw niyo bang matapos ang shoot?" Sigaw nito sa megaphone na ikinairap ko.
"Relax, Manager! Puso mo! Matatapos din tayo in time. Akala ko ba love your work? We're enjoying." Sigaw ko pabalik na mas ikinakunot nito ng kanyang noo. Hay naku! If I know pinapabantayan lang ako ng mga kapatid ko sa kanya. My super duper protective sisters.
Magsasalita pa sana ito kaso napatingin siya sa harapan niya. And when he get his phone and answered it. Mas kumunot ang kanyang noo.
Maybe one of our clients kaya tinalikuran ko na siya at nag umpisa na namang magpose. Jiro is funny. May sense of humor siya at hindi mahirap pakibagayan. He's sweet too. But his age is younger than mine. Parang nakababata ko na nga lang itong kapatid. And he knows that I like him as a friend. No more, no less. And he agreed.
BINABASA MO ANG
My Destined Love [FOUR SISTERS SERIES II]
RomanceFour Sisters Series #4 Pamela Macabagbag A well trained nurse from a private hospital. Dedicated siya sa trabaho niya. Mapagmahal na anak at kapatid. Paano kung dumating ang lalaking magpapatibok ng puso niya? Kaya niya bang isakripisyo ang lahat pa...