Fearless 31

1 2 0
                                    

A/N: Typographical, wrong spelling and grammar may contains on this chapter.....

-FearLess 31: Michael vs Kaizer-

CeeJay POV

"Ang cute naman ni baby"....usal ni Jessa

Pinagkakaguluhan kami ngayon ng mga kaklase ko.Pinalibutan kami ni baby Kenzo sa upuan ko,babae't lalaki ay na roon ngunit si Michael lang ang Hindi.

"Ang ganda ng mga mata niya, ansarap silayan ang bawat ngiti niya"..sabi ng kaklase kong si Joan

"Christellian anak mo ba ang gwapong batang yan??"..tanong ng kaklase kong si Drue,tango lang ang naisagot ko sa kanya..

Maya-maya lang ay biglang umiyak si baby Kenzo,Ang lakas ng iyak niya,parang may nangyaring di ka nais nais.

Maraming umatras sa mga kaklase ko ng pumutok ang mabahong bulkan ni baby Kenzo,umutot si baby Kenzo ng napakalakas at hindi pa rin Ito tumigil sa pag-iyak..

"Anong nangyayari jan??"...tanong ni Kaizer na kakarating lang..

"Ayaw tumahan eh"..ang tanging sagot ko.. tiningnan ko naman  ang diaper niya .."Naku!!nag-popo siya"...

"Ang ingay ingay naman!! Bakit kasi nanghuhusga ng iba na siya lang pala ang gumawa.Tsk!!Dinala pa talaga anak niya rito,ang tibay ah"...rinig kong asik ni Michael na nagbabasa ng libro.

Nasaktan ako sa sinabi niya, sino bang mag-aakalang masasabi yon ni Michael na kaibigan ko, kahit nagsisimula na akong umiiyak ngunit mas pinili kong alisin ang diaper ni baby Kenzo.

Ilalagay ko na sana ang diaper ni baby sa arm chair ni Dwayne, ngunit sa di inaasahang pagkakataon ay pinulot ni Kaizer ang diaper ni baby Kenzo at nag-lakad Ito papunta sa gawi ni Michael.

Malakas na tilian at sigawan ang nangyare ng biglang hinampas ni Kaizer ang diaper ni baby Kenzo sa librong binabasa ni Michael.Maraming popo ni baby Kenzo ang napunta sa librong yon.

"Ano bang problema mo!!".. galit na asik ni Michael na sinugod si Kaizer ng suntok

"H-hoy!!"..sigaw ko ngunit hindi man lang sila nagpa-awat...

Ang isang suntok ay umabot sa maraming suntok,nagsuntukan ang dalawa at walang ni isa ang nagpa-awat.Pinabantayan ko si baby Kenzo kay Jessa para awatin ang dalawa.

Kahit malakas na ang sigaw ko hindi pa rin sila tumigil,nagsuntukan sila kahit nasa sahig na,nakapatong si Michael kay Kaizer ngunit nakakalaban pa rin ito at parang wala lang sa kanya ang bawat suntok ni Michael.

"Ano ba!!tama na nga yan please!!".. sigaw ko habang hinihila ang braso ni Michael patayo,sa di inaasahang pagkakataon ay malakas niyang hinawi ang kamay kong humihila sa kanya,kaya naman tumilapon ako sa sahig.

Nag-init ang ulo ko,kumukulo na ang buong sistema ko. Tumayo ako at tumakbo pabalik sa kanila, buong pwersa kong tinulak si Michael at pina-gitnaan sila habang ako ay nakaupo sa sahig.

Sakto namang dumating sina Cian, Jacob, Dwayne, Louisse at Ayato.Kanya-kanyang takbuhan Ang naganap sa bagong dating.Tumakbo sina Louisse at Jacob Kay Kaizer habang si Ayato at Cian ay inalalayan akong tumayo,at si Dwayne naman ang tumakbo papuntang gawi ni Michael.

"Okay ka lang??"rinig kong tanong ni Dwayne kay Michael

"Shut up!!"..sagot ni Michael sa tanong ni Dwayne

"Mike!!"..usal ni Dwayne sa kaibigan

"Don't you dare call me that way,again!!"..mariing sabi ni Michael saka tumakbo paalis sinundan naman siya agad ni Dwayne.

THE FEARLESS WOMAN W/SIX VAIN BOY'S[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon