FearLess 40

1 0 0
                                    


-Wedding-

CeeJay

"Tita Cassy,pwede naman pong sa guest room na lang ako eh".. sambit ko habang inaayos niya ang kama ng kwartong tutulugan ko

"CeeJay anak,nakalaan talaga ang kwartong toh para sa isang taong mahalaga din samin,at ikaw yon".. nakangiting sambit ni tita Cassy..nakakataba Naman ng puso..

Ang bait nilang pamilya,hindi na ako iba sa kanila.Dumaan ang mga araw na maayos akong nakikituloy kina Cian.

Hindi nila ako pinapabayaan at si baby Kenzo naman masayang inalagaan ni manang Tes.Habang pumapasok sa skwela sumasabay ako kina dean Craige,pagkatapos naman ng klase sinusundo ako ni Angelo para ihatid sa shop ng mom niya.

Hindi ko pa rin maiwasang isiping labis na nag-aalala sakin si dean Craige,lahat ng desisyon ko na gusto kong sang-ayonan ni tatay,si dean Craige ang mag-papasya.Na we-werdohan lang talaga ako sa'twing maiisip ko ang bagay na yon.

Gusto kong malaman kong bakit,concern si dean Craige sa buhay ko.Gusto kong malaman kung anong pakay niya sa katauhan ko.Kung tutuusin kase, mukhang siya pa ang tunay kong ama kesa kay tatay.

Si tita Cassy naman,palagi niya akong inaasikaso,mapasuot o sa pagkain ba yan lagi niya akong nire-remind kung ano ang dapat gawin.Kung aalisin ko sa isip kong nakikituloy lang ako sa bahay na toh,mukha kaming isang buong pamilya na dati'y pangarap lang ni Cian.

The Wedding Ceremony

"Tama na po yan!!".. angal ko sa babaeng kanina pa kinakalikot mukha ko...

Kung ano-ano kase pinaggagawa niya sa mukha ko,Kung ano-anong bagay ang nilagay.Kailangan ba talagang makapal ang koloreteng ilalagay sa mukha kapag may ganitong event?!..

"Malapit na po".. sambit niya

"Aray!!"..angal ko sa bakla,na kung ano-anong gamit ang iniipit sa buhok ko..

"Hmmp!!Nagsusuklay ka bang bata ka??antigas ng buhok mo eh,parang nilagyan ng pampatigas Ang hirap suklayin...".. natatawang sabi niya..

"Nagsusuklay ako noh!!".. pabalang kong sagot..

Anong akala niya sakin,nabubuhay ng hindi inaayusan ang sarili??

"Ayan!! Perfect!!"..sigaw ng bakla matapos nila akong iritahin...

"May igaganda ka pala eh, kailangan ka lang ayusan."..dagdag niya...

Wala akong masabi sa sarili ko ng makita ang kabuuan ko sa malaking salamin.Hindi ko kilala ang CeeJay na Ito,bakit nag-iba ang mukha ko??

"Hoy ikaw babae ka!!"..sigaw ko sa naglagay ng kolorete sa mukha ko

"Ba-bakit po??"..tanong Niya

"Anong ginawa mo sakin?!.. Pinatulog n'yo ko noh,para maipa-plastic surgery mukha ko?!"..taas kilay kong sabi..

"Hahaha, ansarap mong ihagis sa labas bata ka!!Maka-plastic surgery ka akala mo naman kong sinong maganda na siya ngayon.Kung tutuusin,inayusan ka lang kaya ka nagmukhang tao"...singit ng bakla

"At bakit?!Hindi ba ako tao noon??"..naka pa mewang kong tanong...

"Well,tao ka rin naman tingnan noon,but slight lang"..pang-aasar Niya..

Bw*sit kang bakla ka!!!

"Haluh!!Ang ganda mo ateh CeeJay!!"..papuri ni Cian

"Naks!! suplada ikaw ba yan??"..si Ayato

"Hi babe,can I kiss you??"... malanding sambit ni Jacob kaya naman malakas na batok ang natanggap niya mula kay Cian..

Ouch!!masaket yon ah!!

THE FEARLESS WOMAN W/SIX VAIN BOY'S[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon