FearLess 48 (Chasing Villain)

1 1 0
                                    

-Operation With New Partner-

Kaizer Ace POV

Nakakapanibago, ibang-iba na s'ya.Mas lalo s'yang tumapang.Bakas sa kanya ang awra ng walang takot,kesa saming tatlo na clueless sa lahat.

All this time,kaya pala palagi silang magkasama at maaga s'yang sinusundo ni kuya dahil pala sa misyong toh.Nakakagulat lang na ganito ang kinahihinatnan ng pagbuo namin ng gang.Isang totoong laban ang pupuntahan namin,na,nananatiling kalmado Sina kuya at CeeJay.

Ito palang ang unang beses na gagamit kami ng isang baril sa isang laban.Nakaramdam ako ng kunting kaba.Kailangan naming protektahan ang isa't isa para makalabas kaming lahat ng buhay.

"Hello?!"..sagot ni CeeJay nang may tumawag

"Angelo, isasama mo rin ba sina Cian at Jacob??".. mahinang anas n'ya kay kuya,tumango naman si kuya bilang pagsang-ayon..

"Sige, maghintay lang kayo jan ah.Cian,wag na wag kayong papasok sa loob,magtago nalang muna kayo at hintayin n'yo kami".. nag-aalalang sambit ni CeeJay sa kanyang kapatid..


Pagkarating namin sa isang malaking factory ng pala-isdaan,agad naman kaming bumaba sa kotse ni kuya.Napatingin ako sa kabuuan ni CeeJay,ang cool ng dating n'ya.Nagmumukha s'yang isang totoong detective na walang paki-alaman sa mga mangyayari.

"Tawagan n'yo nga si Cian,pati na rin si Jacob.Punyemas!! Cannot be reached!!"...naasar n'yang sabi..

Agad naman kaming sumunod,tulad ng sabi n'ya cannot be reached din samin.Nasan na sila??

"Mabuti pa, pasukin na natin".. seryosong saad ni CeeJay..

Sa likod kami dumaan para hindi kami mapunterya ng kalaban.Nang tuluyan ng makapasok,dinala kami ni CeeJay sa isang parte ng factory na maraming isda sa ice box.

"Lahat ng mga toh ay may lamang mga baril at ipinagbabawal na gamot"..anas ni CeeJay,habang si kuya Angelo chineck kong meron nga ba.

"Wala naman ah"..angal ko nang walang makitang droga o baril man lang,halos naglalakihang isda lang kasi nakikita ko.

"Nasa loob ng tyan ng isda nilagay ang droga at nasa ilalim naman ng mga isda ang mga baril, pathetic!!"..inis na sabi ni CeeJay..

May narinig kaming paparating kaya mabilis kaming nagtago..

"Put all of this in the tramp!!"..sigaw ng di katandaang lalaki

"Yes,boss!!"..sagot ng mga armadong lalaki..

"They started the transaction".. mahinang anas ni kuya Angelo

Nakita naming may kausap ang lalaking nag-utos kanina.Masinsinang pag-uusapan na dahan-dahan namang pinuntahan ni CeeJay.Pipigilan ko sana s'ya ngunit pinigilan din ako ni kuya sa plano ko.


Nang matapos ang usapan bumalik naman nang nagmamadali si CeeJay na galit na galit.

"Anong nagyare??"..tanong ni kuya

"May dalawang lalaki raw na nakita nila kanina,kutob ko sina Cian at Jacob yon.Angelo kailangan nating  maghiwalay".. nag-aalalang sambit ni CeeJay

"Ouch!! Tapusin muna natin tong misyon bago  mo'ko hiwalayan"..saad ni kuya Angelo na animo'y masasaktan sa sinabi ni CeeJay..

"Ano ba!!Angelo naman eh!?"..

"Ayusin mo kase,dahil sa sinabi mo may matutuwa jan kapag nagkataon"... natatawang sabi ni kuya....


"Si Kaizer at Ayato ang sasama sayo,si Louisse nalang sakin".. sambit ni CeeJay..

THE FEARLESS WOMAN W/SIX VAIN BOY'S[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon