Fearless 36

1 2 0
                                    

-Fearless 36:Meets the Family-

CeeJay POV

Pagkarating ko sa bukana ng pinto kong nakabukas,halakhak at kung ano-ano pa ang narinig ko.Unti-unti ko itong sinilip,nakita ko sina Louisse,Ayato, Jacob, Dwayne at Cian na walang pantaas na suot habang naglalaro ng mga pinamili ni Cian na laruan.

Bumalik ako sa labas at nagtungong dining area,kumain muna ako saglit hanggang sa matapos ay bumalik kaagad sa kwarto.Akala ko wala na sila roon o di kaya'y natutulog na sila,pero akala ko lang pala

Pumasok ako sa loob nakita ang limang hambog na nakipaglaro sa bata.Gusto kong matuwa dahil sa pagbabantay nila kay baby Kenzo,pero ang Hindi pagtulog ni baby Kenzo ng maaga dahil sa limang ugok na tong nakipaglaro pa,hindi ko yon ikatutuwa.

Lumapit ako sa kuna ng dahan-dahan at bago pa man ako makalapit ay nagulat ako sa kalat na ginawa nila,may laruan sa kama ko,sa sahig at sa buong kwarto.

Isa-isa ko silang peningot sa tenga.Agad naman silang tumingin sakin ng masama hanggang sa diko na malayang tumatakbo na pala ako,dahil hinabol ako ng mga ugok.Nadaan pa namin si mamay Netha na may hawak ng gatas para kay baby Kenzo,napailing nalang Ito sa ginawa namin.

Hanggang sa mapagod napagpasyahan kong umupo sa sofa at ganon din sila.

"Grabe ang lakas mong tumakbo CeeJay"...habol hiningang sabi ni Louisse

"Kase naman eh,nagkakalat kayo!!"..inis kong sabi

"Naglalaro lang naman kami para ngumiti at masanay si baby Kenzo samin"... pangangatwiran ni Dwayne

"Ewan ko sa inyo,anong oras na hindi pa natutulog si baby Kenzo baka mapuyat yon"...inis ko pa ring sabi

"Sorry suplada!"paumanhin ni Ayato na tinapunan ako ng unan..

"So,anong nangyare sa deal??"...tanong ni Jacob

Alam nila?!.. Tiningnan ko ng masama si Ayato,bunganga talaga ni Ayato walang preno-preno.

"Hmmm,okay naman"...sagot ko

"So kelan ang kasal??"...tanong ni Dwayne

"Hindi pa namin napag-usapan,bukas may lakad kami kaya bukas ko nalang paplanuhin"..usal ko

"Sino ba kase yang lalaking yan??"

"Mas gwapo pa ba samin??"

"Mabait ba Yan?!"

"Hindi ka ba n'ya sasaktan??"

"Mahilig din ba siya sa laruan??"

Sunod-sunod nilang tanong.Pero I remain silence.Mas mabuting makita nalang nila sa wedding day.

Kinabukasan

"Angelo,pano ko ba sasabihin na magpapakasal na tayo tapos may anak na ako??"... tanong ko kay Angelo na nagmamaneho

"Yun na nga,magpapakasal tayo dahil nagbunga ang pagmamahalan natin"... seryoso niyang sabi..

Tama..Yun ang dapat kung idahilan..

"Basta be natural,maging kalma ka lang at sakyan mo lang lahat ng sasabihin ko"..he added

"Okay"

"Before I forgot,Ang alam ng family ko umalis ako sa pagiging pulis at yun din ang pinapalabas namin in public"

"Pero bakit??".. tanong ko,Hindi ko gustong alamin yon pero baka tanungin ng pamilya niya at baka madulas ako at masabing pulis pa rin s'ya.

"Because of my private mission, kailangan kong ipalabas na hindi na ako pulis para malaya akong gagawa ng aksyon na makakatulong sa mission ko".. saysay niya

THE FEARLESS WOMAN W/SIX VAIN BOY'S[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon