A/n: hellooooo guys thank you so much for supporting my story. Hindi ko aakalaing marami palang magbabasa nito... maghad! Hayaan nyo mas pagagandahin ko pa ang storyang ito para sa inyo. Kaya keep reading lang guys marami pang mas exciting na mangyayari sa characters. Here's the update...............................,.....
..............................
Shin's P.O.V
Pagkatapos kong sabihin sa buong Frozen State University ang nararamdaman ko, ay lumayo agad ako sa lugar na yon. Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa mapagtanto kong malayo na ako mula roon, binagalan ko na ang lakad ko. Napansin ko nalang na nandito na pala ako sa may mga bench ng school. Nagsimula nang lumamig ang simoy ng hangin. Umupo ako at bahaya kong hinawakan ang mga pisngi ko. Basa! Umiiyak pala ako! Hindi pa rin ako makapaniwalang nagawa ko yun sa harap ng maraming tao, ngayon ko lang narealize na wala pala talaga akong hindi kayang gawin para sa kaniya. Napangiti nalang ako. Sabagay, mas mabuti na rin yun para naman mapalabas ko na ito. Ang hirap kaya! For how many years tinago ko itong feelings na to sa pag-aakalang baka magalit sya sa akin pag nalaman nya at lalayuan nya ako.
Tumingala ako sa kabuuan ng langit.
Hoy tanga! Hindi langit yan kundi ulap! Ulap!
Haaaayyy naku! Heto na naman ang kontrabida kong konsensya! Pero tama nga naman sya hindi naman langit ang nakikita natin kapag tayo'y tumitingala, kundi mga ulap na likha ng Poong Maykapal. Ayon sa nabasa ko, ang langit raw ay matatagpuan sa puso ng tao. Ang langit ang simbolo ng kapanatagan at kasiyahan. Kapag ang tao ay masaya sa ginagawa nya, nagsikap at nakontento yun na marahil ang langit nya. Pinapahiwatig rito na ang tao ang lumilikha ng kaniyang sariling kapalaran at ang Dyos lamang ang gumagabay sa daang tinatahak niya.
Kumunot ng bahagya ang noo ko nang biglang balutin ng makapal na ulap ang pinagmamasdan kong kagandahan sa itaas.
Tssssskkkk mukhang nakikisimpatya pa yata ang panahon sa kadramahan ko ngayon.
Nabaling ang tingin ko sa punong kinalililiman ko. Malabay at napaka-kapal ng mga dahon niyon, sa sobrang kapal aakalain mong hindi ka talaga mababasa kahit umulan pa ngayon. Pinagmasdan ko ng mabuti ang kabuuan ng puno. Nangilabot tuloy ako. S-siguro nama'y walang aswang or multo dito no?
"Maghad! Ano ka ba! 2015 na uso pa ba ang mga kwentong ganyan!" Napalakas kong sabi.
Baliw lang ang naniniwala sa mga kathang isip na yan.
"Hindi ako baliw! Kaya hindi ako natatakot!" Kahit ano- ano nalang ang pinagsasabi ko para lang hindi ako matakot, kasiiiiii waaaaaahhhhh takot na talaga ako. Akmang tatayo na sana ako ng may makita akong isang papel na pinapalid ng hangin. Bago ako humakbang lumingon-lingon muna ako sa pagbabakasakaling may ibang tao pa akong kasama, subalit wala akong nakita.
"Ano to?" Pinulot ko iyon at dahan-dahang binasa.
Lumakas ang pintig ng puso ko, na para bang mabibingi na ako sa sobrang lakas niyon!.
Dugdug.... dugdug.....dugdug
Literal na nanlaki ang aking mga mata........
"S-ssssss....."
Hindi ako makapaniwala!!!!
"Siiiii-------"
...........................................
Ano kaya ang nakasulat sa papel na yon??? At bakit ganon nalang ang naging reaksyon ni Shin???
Excited na ba kayong malaman???
Well, im sorry guys but you have to wait for the next update... hihih
Pasensya na po pa-thrilling po istilo ni author ngayon. Hahaha
See ya for the next update.
#EXOLUXION #2
#CALL ME BABY ERA!
#EXOPROMISE!
#XIUBAEK FEELS~~~
BINABASA MO ANG
" You Got Me, My Cute Little Baozi" (Exo Xiumin Fanpic)
RandomAng pag-ibig ! minsan patas, minsan rin madaya. Minsan ang kahulugan nito'y nababago dependi sa sitwasyon at interpretasyon ng isang tao. Minsan kapag tayo'y nagsimula nang magmahal hindi natin maiiwasan ang lumuha' t masaktan dahil ika nga, " kapag...