Pagkatapos kong kumain, umalis agad ako ng bahay. Sumakay ako sa maganda kong motor at agad na pinaharurot iyon. Take note MAGANDA KONG MOTOR. Bakit?, wala lang baka kasi makalimutan nyo. :)
Mabilis akong nakarating sa FSU. Nasa bunganga na ako ng paaralan ng may nakita akong kakaiba. Madaming mga dekorasyon sa paligid, iba't-iba ang kulay, at maraming booths. Nasa isip ko tuloy, anong meron? Agad kong ipinarada ang motor ko sa parking lot ng school. Dahan-dahan kong hinubad ang helmet at lumugay ang katamtamang taas ng buhok ko. Agad kong inayos ang sarili. Inayos ko ang motor ko at pinagmasdan ito nang maigi.
"Tsk, ang gandaaaa talaga ng motor ko" napapangiting sabi ko.
Ang motor na ito ay kulay puti na pinapalibutan ng palamuting kulay pink. Namumukod tangi ito dahil
k-pop Inspired ang desenyo at naka printa sa desenyo nito ang logo ng paborito kong k-pop boy band group.
"Ganda ah!"
Naks! Sino na naman 'tong isang to? Huy! Author sino 'to? Pakisagot nga pag may time? Sige na po, parang awa nyo na po.
Boses lalaki, nakahelmet at nag aayos rin ng kakaparada lang na motor niya. Tumaas ang kilay ko, tiningnan ko sya mula ulo hanggang paa. Di ko masyadong maaninag ang mukha nya dahil natatakpan ito ng helmet pwera sa mga mala-chinitong mata nya. Nakakamangha dahil isa lang ang eyelid nya, di gaya ng karamihan na mga double eyelids. Siguro pogi ang isang 'to mata pa lang parang
k-pop icon na. Pero kung sino man ang lalaking 'to wala pa rin itong panama sa JK ko no.
"Done checking me?" Biglang sabi nya. Aba! Hambog naman pa 'to eh no!
"Abay dapat lang tatlong taon kong pinag ipunan 'to no!" Mataray kong sagot.
"Talaga?, grabe naman" sarkastikong sabi nya.
"Aba! Anong grabe dun? Atleast naman ako pinag-iponan ko 'to, eh yang sa'yo? Im sure hingi mo lang yan mula sa wallet ng mommy mo!" Inis kong sabi.
"Sure ka?" Sabi na naman niya.
Tsssss ba't ba ako nakikipag usap sa mr. Aircon na 'to, no! Hindi pala aircon, bagyo na pala 'to!
"Hmmm, paki ko ba! Dyan ka na nga!" Kinuha ko ang bag kong nakapatong sa motor ko at umalis na.
"Yah! Miss! Ang sungit mo naman" pasigaw nyang sabi.
"Paki! Mo!" Sigaw ko rin. Naiinis ako ngayon dahil ako nalang mag-isang maglalakad wala na ang mga kaibigan ko.
"M-miss! I like you!" nag-aalangang sabi nya.
Huminto ako sa paglakad at lumingon ako sa kinaroroonan nya at tiningnan sya ng masama.
"Ah, talaga pwes! I hate you Mr." Sarkastikong sabi ko. At umalis na talaga ako. Teka! Ba't ba ang sungit ko ngayon? Hindi ko naman kabuwanan ah. Tah! Never mind, nonsense! Kainis!
BINABASA MO ANG
" You Got Me, My Cute Little Baozi" (Exo Xiumin Fanpic)
RandomAng pag-ibig ! minsan patas, minsan rin madaya. Minsan ang kahulugan nito'y nababago dependi sa sitwasyon at interpretasyon ng isang tao. Minsan kapag tayo'y nagsimula nang magmahal hindi natin maiiwasan ang lumuha' t masaktan dahil ika nga, " kapag...