Pagdating namin sa lugar kung saan ko naisip pumunta ay napakaganda. Tamang-tama nagsisiuwian na rin ang mga magkasintahang kakadate lang dito, nice timing!
Pagkababa nya sa motor ko.
"Thank you so much Lord, buhay pa ako at buong-buo pa ang katawan ko" napatingala sya sa langit habang nakaluhod sa lupa. Exaggeratted masyado no. Hahah
Napahalakhak ako sa naging ayos nya.
"OA ah." Natatawang sabi ko.
"Buti naman at buhay pa ako sa sobrang bilis mong magpatakbo parang isinuka ko lahat ng pagkaing kinain ko kanina" hindi makapaniwalang talak niya habang hinimas-himas ang kanyang tiyan.
"Astig no? Haha masanay kana ganoon talaga ako parati magpatakbo. Minsan nga mas mabilis pa kapag ako lang mag-isa" i cooly said.
"What???? Tsk halatang hindi mo na talaga mahal ang bubay mo ah" napapangiti na ring sabi nya.
"Para kang Amazonang Devil Rider" dagdag pa nya. Wew... hahahah ang sabihin mo natakot ka lang kasi di ka sanay sumakay ng motor kasi puro ka kotse.!
"Yah! Tapos kana?" Sabi ko.
"Hehe" he chuckled.
"Ano sa tingin mo?" Ipinakita ko sa kaniya ang kabuuan ng lugar. Halatang namangha sya sa nakita nya. Mula sa kinatatayuan namin kitang-kita ang buong syudad. Naging napakaganda nito dahil gabi ngayon at kitang-kita ang mga iba't -ibang kulay ng mga ilaw. Parang mga bituin sa langit na nagkikislapan! Napakaromantic na lugar para sa dalawang nagmamahalan. Eh kaso ako lang ang nagmamahal dito hindi sya.
"Wooooow" manghang sabi nya. Buti nalang at ngumiti sya, nakakagaan rin pala ng pakiramdam.
"Anong lugar to?" Tanong nya.
"Ito ay tinatawag na MIRACLES AT NIGHT!" sagot ko.
"Ahhh, napakaganda." Sabi nya.
"Paano mo nalaman ang lugar na to?" Tanong nya ulit.
"Bata palang ako nakapunta na ako rito. Dito kami madalas mamasyal ng pamilya ko" sabi ko.
"Nakakarelax dito diba?" Sabi ko.
"Yes, definitely yes, thanks for bringing me here" thankful na sabi nya.
"No problem, pwede mo ring isigaw rito ang lahat ng iniisip mo" nakangiting sabi ko.
"Sana dumating ang araw na mamahalin mo rin ako !!!!" Sagaw niya. Si Jane na naman ba ang tinutukoy nya? Tskkkkk pambihira talaga tong Jane nato!
Maya-maya'y pinahid nya ang luha sa kanyang mga mata at bigla akong tinitigan. What!!!!!! Halos mapatalon ako sa bangin sa harapan namin. Nakakatunaw ang mga titig nya.
All this time pala nakatingin lang ako sa kanya? Regardless sa kagandahan ng paligid? Awww, sabagay mas maganda naman talaga ang napapanood ko ngayon... napakagandang lalaki!
"Ikaw ano naman isisigaw mo?" Tanong niya.
"A-ako?" Tinuturo ko na naman ang sarili ko ngunit agad ko rin itinago ang kamay ko baka sitahin na naman ako ng mahiwaga't kontrabida kong konsenya.
"Hindi, w-wala akong isisigaw" sabi ko.
"Aishhhh! Ano ka ba dapat mayroon ka rin para its a tie" sabi nya. Isa lang naman ang sinisigaw ko parati eh na. Sana tayong dalawa!
"Sige na nga! SANA MAHALIN RIN AKO NG TAONG MAHAL KO!!!!" Sigaw ko ng ubod ng lakas na kinaya ko........ ramdam kong nakatingin sya sa akin kanina pa. Pero hindi ako nagpapahalata kasi kinikilig na talaga ako!!!! AT tumitibok ang puso ko ng malakas para sa kaniya na mas malakas pa sa pinaka-malakas na sigaw nya.!!!
.......................
Pasensya na short lang muna update ko ngayon kasi... inaantok na talaga ako. ...bye see ya for the next update.
Keep reading guyseu.!!! ❤❤❤
BINABASA MO ANG
" You Got Me, My Cute Little Baozi" (Exo Xiumin Fanpic)
RandomAng pag-ibig ! minsan patas, minsan rin madaya. Minsan ang kahulugan nito'y nababago dependi sa sitwasyon at interpretasyon ng isang tao. Minsan kapag tayo'y nagsimula nang magmahal hindi natin maiiwasan ang lumuha' t masaktan dahil ika nga, " kapag...