Six - Let The Tears Fall

26 1 0
                                    

"Sino yun?" Tanong ni Jane.

"Huh?...sino?... ahhhh baka estudyante lang malamang" huli kong narinig sa pag-uusap nila.

Tumakbo ako nang tumakbo habang tumutulo ang stupidong mga luha ko. Hindi ko inaasahang makakarating ako bigla sa oval ng school namin kung saan ay konti at wala masyadong estudyanteng tumatambay dahil busy sa iba't-ibang events. Naisip kong dito nalang muna ako magpalipas ng sama ng loob. Tamang-tama napakatahimik,.siguro nama'y walang makakapansin sa akin dito kung medyo magdadrama ako. Kahit pa nga umutot ako rito walang makakarinig eh.Well, kung meron man naku! Naku! Subukan ang talaga nila makakapatay talaga ako ng mga tauhan sa estoryang ito! sad ako kaya wag kayong tumawa dyan kung ayaw nyong sumunod sa konsensya ko, kinain ko na po sya kanina lang ang epal kasi eh. Wait! Saan na ba ako ? Ang layo naman yata sa topic ang mga pinagsasabi ko. Pasensya na po broken hearted lang. :(

Sa garalgal na boses bumukas ang aking bibig at lumabas ang mga katagang hindi ko inasahan.

"Wow! Nice story! Grabe naman talaga!  Hindi pa nga nagiging kami broken hearted na agad? Nagmamadali? May lakad, may lakad? Hustisyaaaaaaa!!!!" Napalakas kong sabi.

Tumigil ka nga sa kaartehan mo dyan! Kung si author magalit sa kadramahan mo naku! Ewan ko nalang sayo kung saan ka pupulutin! Tsaka sabi ko naman sayo kanina na wag masyadong assuming dahil nakakamatay yan! Hindi ka nakinig, so ano ka ngayon?? N-G-A N-G-A!!!

huhuhu akala ko ba nakain ko na'tong konsensyang 'to masamang damo talaga matagal mamatay! Pero tama sya kailangan kong magpakabait kay author para  habaan pa nya ang mga linya ko dito. Hihihi :) Ano ba! Sad nga ako dito diba?????sad as in SAD!

Hindi ko mapigilang mapaiyak sa nalaman kong katotohanan. Sobrang sakit ang nararamdaman ko ngayon, parang tinutusok ng milyong-milyong karayom ang puso ko. Ganito pala ang mainlove at masaktan? Hindi ko mawari ang nararamdaman ko ngayon, magkahalong inis, panghihinayang at sakit.

Mr. Heart? Ok ka lang ba? Napaka bigat mo yata ngayon. Para bang humihina ang tibok mo.

Mr. Brain? Ba't parang wala ka sa mood ngayon mag-isip? Nasasaktan ka rin ba?

"Grabe talaga!" Humahagulgol na ako sa kakaiyak. Wala na akong paki-alam kung sino mang demonyo ang makakakita at makakarinig sa akin ngayon. Basta ang alam ko nasasaktan ako PERIOD!

"Paki ba nila!" Hindi ko namalayang napalakas ko pala ang pagkasabi nun.

"Ganito ba talaga ang broken hearted? Kinakausap ang sarili mag-isa?"

Halos mapabalikwas ako sa pagkakayuko ng may tumabi sa akin at nag-abot ng panyo. Hindi ko na sya pinagkaabalahan pag angatan ng ulo at alamin kung sino. Kinuha ko ang panyong iniabot nya sa akin.

"Lalabhan ko nalang tsaka ko isasauli sa'yo, salamat" sabi ko habang nakayuko't umiiyak pa rin.

Hindi sya sumagot, kaya nagtaka ako. Iniangat ko ang ulo ko, nagulat ako nang malaman kong wala na palang tao sa tabi ko! Nakita ko nalang ang isang grupo ng kalalakihan. Sa 'di kalayuan. Tantya ko nasa labin-dalawa silang lahat at pawang nakasuot ng itim na mouth mask. Sabagay malamig naman talaga ang panahon ngayon. Nakasisiguro akong hindi taga-rito ang mga ito base sa suot nilang unipormeng. Naka-americana sila na kulay navy-blue at kurbatang itim subalit hindi nila isinuot yon bagkus sinablay lang nila ito sa mga balikat nila, kaya ang labas eh naka long sleeve lang sila na tinupi hanggang siko. Paalis na sila ng bigla kong mapansin ang isa sa kanila na lumingon sa akin. Sinundan ko sila ng tingin hanggang maka labas sila ng paaralan. Sumakay sila sa dalawang nakaparadang Mercedes Bench na kulay puti at itim sa parking lot sa labas, tig-aanim bawat kotse. Napaka-astig nilang tingnan at wari ko'y may imaheng gangster ang mga yun. Hhaha uso pa ba ang mga gangster sa panahon ngayon? Hhahah stupid! Ano naman kaya ang ginagawa nila rito na hindi naman sila taga-rito? Napalingon ako sa bandang gymnasium namin ng marinig kong nagsisigawan ang crowd roon. Nakasulat sa tarpulin sa harap ng gym ang " HAPPY 31st TECHNOLOGY WEEK FROZENIANS! " kung hindi ka ba naman tangang estudyante para makalimutan mo ang activity ngayon!

Naisipan kong tumambay nalang muna rito at magpalipas ng oras total hindi rin naman ako mag-eenjoy ron. Pinagmasdan ko ang panyong iniabot nya sa akin kanina. Ipinahid ko ito sa nag-uunahan kong mga luha subalit nakaramdam ako ng matigas sa loob ng panyo. Binuklad ko ito at doon ko nakita ang isang  note na basa na ng luha ko.

It's ok darling,
quickly dry your tears,
Let me wipe it. :)

Yun ang nakalagay sa note at may nakaguhit na snow crystal sa ibaba. Ang ganda!

Bahagya akong napangiti sa ideang ito hahaha.... kung sino ka man thank you so much.... Nagbabakasakali ako kung meron bang naka-indicate na pangalan sa note. Napanguso nalang ako nang wala akong makita. Wala akong makitang clue kung sino sya maliban sa isang marka na tila snow crystal na pawang common sa panyo at note. Sino kaya sya???? Nacucurious na tuloy ako....

..........................................

Hope you like this update...<3

Paki like po ng page namin sa facebook... ito po uh... RICHAINMAE99 & MINRASUGA

Tsaka kung Exo -L and Bangtan Armies kayo sali kayo sa group namin...just search...

1.) EXO_XOXO FRIENDLY FANS
2.) EXO-L ARMIES (EXO-BTS FANDOM)

thank you please comment, vote and be a fan... tenchuuuuuu..... ❤❤❤

&quot; You Got Me, My Cute Little Baozi&quot;  (Exo Xiumin Fanpic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon