Eleven- This is the Night!

29 2 0
                                    

Shin's P.O.V

Pagkatapos nyang iniabot sa akin ang mic na hawak nya ay agad na syang bumaba. Nanginginig pa rin ang tuhod ko, tssss sino ba namang hindi. Stupid!

"H-hello everyone, Im Shin Buenaventura nice to meet you all" parang lalamunin na ako ng langit ano mang oras. Kaya ko to!

I looked at the crowd's ambiance, lahat ng estudyante ay nakatingin sa akin. Hinanap ko si JK subalit hindi ko sya makita, bagkus iba ang naaninag ng aking mata. Yes, sya yon! Alam kong sya yon! The man who held my hand earlier. His wearing a black mouthmask together with his eleven colleages. Nasaan ka na ba JK??? Sabi ng isip ko. Im still searching him on the crowd until I saw a familiar figure starting to appear on the back portion of the audience. I know his JK... i know his my JK.! I smiled.

"I-it is my great pleasure to perform in front of you guys, but i want you to know that this song Im about to sing is intentionally dedicated for him-- my one great love." Anong pinagsasabi ko??? Magcoconfess ako in public??? My godness! Bahala na nga si Batman !

"Uyyyyyyyyy" kantiyaw ng mga kapwa ko estudyante. I smiled, pero kinakabahan pa rin ako.

"Ang lalaking ito ay matagal ko nang gusto simula pa nung grade school" panimula ko.

"Wow! Ang swerte naman nya" sigaw ng isang lalaki sa di kalayuan.

"Gustong-gusto ko sya, i really liked him even if he had lots of imperfections" sabi ko habang nakatitig lang ako sa nakayukong JK sa likod.

" subalit hindi nya naa-acknowledge ang presence ko, pero kahit ganoon pa man hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman ko sa kaniya" napayuko ako at napalunok. Ewan pero bakit parang naiiyak na ako? Hahahaha ang weird naman. Ganito pala ang feeling kapag nagcoconfess ka sa ultimate crush mo?

"Maari bang tumingin rito?" Sabi ko habang titig na titig pa rin sa kanya. Sa di mawaring dahilan ay iniangat nya ang ulo nya at tumingin sa akin. Bigla naman akong napangiti at tumulo na ang luha sa aking mga mata. Maari nyong sabihing  ang  OA ko pero promise ganito talaga ang nararamdaman ko ngayon. Naisip kong marahil ito na ang tamang panahon para sabihin ko sayo kung gaano kita ka gusto JK. Tinitigan nya ako mula sa kinauupuan nya sa likod. Alam kaya nyang sya ang pinariringgan ko? Nararamdaman kaya nya ang lahat ng sinasabi ko ngayon? Alam nya kayang sya ang tinitibok ng puso ko?

Sinimulan ko na ang pagpihit ng aking gitara. JK para sayo 'to!

Nagsimula nang magpalakpakan ang mga tao sa simula pa lang ng kanta ko. Siguro naman nagustuhan nila ang boses ko. Pasintabi nga pala sa mga kumakain. Pasensya na po, tao lang po, Oo. :)

Isip ko ay lito, di alam ang gagawin,
Kung ako'y iiwas at sa'yo ay sasabihin,

Oo JK, gustong-gusto kong sabihin sa mundo kung gaano kita ka gusto pero natatakot ako baka kapag nalaman mo ay mas lalo mo akong iwasan.

Na ako sayo'y may pagtingin, di mo lang ito napapansin~~~

Di mo ako napapansin dahil busy ka sa iba, di mo ako napapansin dahil manhid ka!. At ang masakit na katotohanan, di mo ako napapansin dahil may mahal kang iba~~ nag-uunahan na ang aking mga luha habang iniisip ko ang hirap at pagtitiis ko noon para lang mapabuti pa lalo ang sarili ko para sa kanya.

Meron bang makapagsasabing iniibig kita?
At mayron bang may alam na laging hinahanap ka?
Kung ako naman ay iiwas malalaman mo ba?
Na ako ay may lihim na pagsinta?

Kung alam mo lang lahat JK, kung paano ako nagmahal ng todo at kung paano ako nasaktan nung malaman kong kayo na pala ni Jane.

Sana ay mayroong makapagsabi man lamang, kahit na isa lang, sa iyong mga kaibigan,
Na ako'y may pagsinta,
Di mo lang ito nadarama! ~~~

Meron bang makapagsasabing iniibig kita?
At mayron bang may alam na laging hinahanap ka?
Kung ako naman ay iiwas malalaman mo ba?
Na ako ay may lihim na pagsinta!~~~ :(

-
................................................
-credits-
"Meron Ba?" By:  Barbie Forteza

Nakapagconfess na si Shin sa wakas in PUBLIC!!! how brave she is, thanks to her friend Racel.
What will happen next???

Keep reading yeoleobeun  ❤❤❤

#facebook account ni author

"Shin Ri Chen" add her if your interested to great her. ✌✌✌

Hahah don't worry ikaw pa rin si Shin...  gaya-gaya lang si Author ng name. Pagbigyan nyo na.  Mas maganda naman kayo sa kaniya... :)

" You Got Me, My Cute Little Baozi"  (Exo Xiumin Fanpic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon