Chapter 45
Settle Down
"Me," ngumiti ako at sinulian niya rin yon. Nanatili kaming tahimik ilang minuto ang lumipas.
He moved a bit. "I'm gonna talk to her now," he said carefully.
Nanuyo ang lalamunan ko at piniling tumango. Bumuntong hininga siya at kinuha ang telepono sa bulsa. Hindi nagbago ang aming posisyon.
"Where's your phone?" he asked. I handed it to him.
Binuksan niya ang dialer ng telepono ko at pinindot ang recent calls. Kinopya niya sa sariling telepono ang numero ni Stalette at tinawagan yon. Dalawang ring palang ay sinagot na yon ng kabilang linya. Niloud speaker ni Xy ang tawag.
"Hello? Who's this?" the familiar voice of that woman made my blood boiled.
"This is Xy Reyes." narinig ko ang singhap sa kabilang linya dahilan ng pagkuyom ng kamao ko. Napansin yon ni Xy kaya hinawakan niya yon at marahang binuklat.
"X-Xy?" there's this hope in her voice before she cleared her throat. "Uhm... How may I help you?" it's obvious that she's very nervous just by listening to her voice.
"It's about the photo you sent my fiancee." humigpit ang hawak ko sa kamay niya.
Deafening silence took over for seconds. "About t-that. I wanna say my apologies to... Nella, your fiancee," she stopped midway. "I w-was actually drunk earlier Xy, but I know that isn't enough reason. I'm sorry."
Saglit akong napaisip. Mga alas dose y media nang tumawag siya, ibig sabihin ay umaga noon sa Pilipinas kaya hindi ako naniniwala pero nang maisipan ko ang lasing niyang boses, siguro ay umaga siyang uminom.
But that means she still likes Xy. I have a hunch she drank because of him.
Tumikhim si Xy at inabot sa akin ang kanyang telepono. "You say sorry to my fiancee directly," my heartbeat doubled from what he said.
Something caressed my heart. I half heartedly accepted his phone.
Tahimik ang kabilang linya. Wala sa aming dalawa ang gustong magsalita. I know that it's a matter of life and death for her heart. Dahil sa oras na humingi siya sa akin ng tawad, na ako mismo ang kausap niya, tuluyan na niyang tinatanggap ang lahat, na hindi na mapapasakanya ang lalaki sa tabi ko.
Xy was about to speak when we both heard a sob from the other line. "I... I'm sorry, Nella. I-It was just hard for me to accept... that... that Xy is getting married."
Tinaliman ko ng tingin si Xy nang akma ulit siyang magsadalita. Gusto kong marinig lahat ng gustong sabihin ng babaeng matagal ng may nararamdaman para sa kanya, pero minalas. Negatibo man o positibo ang dasabihin nito.
Xy's hold on my hand tigthen. "Years ago, when I heard he had a girlfriend," she chuckled brokenly. "I always thought that the people were just exaggerating it when they say they felt like the whole world fall upon them. But no, they're not, cause it's true, I felt when I heard that Xy has a girlfriend. Because of course, that's a first."
Hinaplos ni Xy ang singsing sa aking daliri. Nagpatuloy naman sa pagsasalita si Stalette. "Wala akong ginawa nun kundi kumapit sa pag asang maghihiwalay din kayo." natawa uli siya. "At nang nangyari yon... nagdiwang ako."
Xy's grip on my hand tighten more. I know his forcing himself not to talk, even when he's on the edge of his patience. However, I am not surprised of Stalette's reaction.
"Sinulit ko ang ilang taon mong pagkawala, ginawa ko ang lahat para lang mapansin ni Xy, kahit alam kong malabong mangyari yon sa dami namin," suminghot siya at muling tumawa. Tumalim naman ang tingin ko kay Xy. Madami? Ilan?
"That's why when you came back to the Philippines, I was scared and angry to you at the same time. Because I know, that I won't ever have a single percent chance of getting Xy..." she stayed silent for a while. "The rest is history. Thank you for listening," her voice broke. "And I'm sorry, if I ruined something,"
Hudyat na yon, na tanggap na niya, na wala na siyang pag asa pa.
Pity. That's the only thing I feel towards her right now. Pero kung nagkataon, na hindi siya sumuko, at gusto niyang ipaubaya ko si Xy sa kanya. Pasensyahan kami pero hinding hindi ko yon gagawin.
"Sana lang ay maipagpatuloy mo pa ang buhay mo. Sana ay ito na ang huling pagkakataong may mangyaring ganito. Salamat," pinatay ko na ang tawag. Lumingon ako kay Xy at sumalubong sa akin ang malambot niyang mga labi.
I stretched my arm and send him our wedding invitation layout. I hope he'll like it.
Ako mismo ang gumawa nito. Kapag mga ganitong bagay ay kaya ko naman kaya ako na ang gagawa. I feel like it's more special that way.
My phone rang. Xy's face and name appeared. I smiled and clicked the answer button.
"That's already beautiful. Please don't make another one again." natawa ako sa pambungad niya.
"That's the last one, don't worry." I smiled. He sighed.
"Bukas ay yung sticker naman sa giveaway naman ang gagawin ko," sabi ko sinusubukan ang pasensya niya.
He groaned. "I told you to slow it down. I swear I'll really marry you immediately if you keep on doing that."
Mas lalo akong natawa. Sa May 24 pa kami magpapakasal. Yan ang petsang pinili ko para sabay sa kaarawan niya. Hindi niya yon gusto dahil masyado pa raw matagal pero wala na siyang magagawa.
"You can't do anything about it." I mocked.
Rinig ko ang ismid niya. "Huwag mo akong sinusubukan, Wanella. Sinasabi ko sayo..." hindi na niya ipinagpatuloy ang sasabihin.
I laughed more. I pity you, Xylox.
"Matulog ka na, ako na ang bahala sa pagpapaprint ng imbitasyon,"
What he said made me yawn. Yeah, I'm sleepy. "Okay, goodnight."
"Goodnight Milady, love you." ngumiti ako.
"Love you too." I ended the call.
Nang mag alas onse y media ay tinapos ko na ang mga pipirmihan para makapag umpisa na sa designs ng stickers ng giveaway. Hinugot ko ang iPad mula sa nag pero nang sandaling mahagip ng mga mata ko ang singsing sa aking daliri ay biglang nagbago ang mga gusto kong gawin.
I pulled a piece of vellum board from the drawer because I decided to sketch my engagement ring.
Mga sampung minuto makalipas ay bumukas na ang pinto at pumasok si Xy. Kyuryuso ang tingin niya sa ginuguhit ko.
He came near me and checked what I was sketching. He then smirked the moment he saw it.
Hinalikan niya ang noo ko. "Mamaya na yan, kumain muna tayo."
I nodded before standing up. I helped him prepare our foods.
"Xy," maingat ang pagkakatawag ko sa kanya sa kalagitnaan ng pagkain. Naisip ko na 'to nang pauwi kami galing Italy pero ngayon ko lang napagpasyahang sabihin. "Can I have one request?"
"Of course. What is it?" inilagay niya sa plato ko ang manok matapos niya yong himayin.
"Tungkol kay Elina," maliit na boses kong sabi. Natigilan naman siya.
"Milady-"
"Gusto ko lang na makita siya, pati ang Mama niya. Please Xy..." ibinaba ko ang kubyertos.
He sighed and looked at me intently. "What for?"
"I want to do this before I settle down. Before we settle down."
BINABASA MO ANG
She Was Pulled (Salazar Series #1)
RomanceDespite being in a broken home, she didn't feel broken at all. Wanella Fauna's life was close to perfect. She didn't need anything at all, but the heavens granted another present for her. It was sailing seamlessly, and no one would've thought that...