Dahil sa mga nangyayari ngayon sa loob ng simbahan, dalawang katanungan ngayon ang tumatakbo sa bawat isipan ng mga pari ngayon. At iyon ang totoong dahilan kung bakit umalis si Father Oliver, habang ang ikalawang katanungan naman ay kung bakit si Sister Jessy ang pinili niyang kapalit bilang hunter.
Pagsapit ng gabi, nag.iisa si Father Martin sa harap ng altar at mukhang malalim ang iniisip nito.
"Father Oliver, ano bang iniisip mo? Bakit si Sister Jessy ang pinili mong kapalit bilang hunter ng mga bampira. Bakit? " sabi ni Father Martin habang nakatingin sa krus(cross/holy cross).
Biglang dumating si Father Rence atsaka lumuhod sa isa sa mga upuan ng simbahan doon.(I don't know the exact name of the church's chair so I just said it like that.)
Tumayo na si Father Martin sa pagkaka.upo nito at napansin niyang nandoon pala si Father Rence sa likuran nito at taimtim na nagdadasal.
"Father Rence! " tawag nito sakanya.
Napa.angat ng ulo si Father Rence atsaka sinabi kay Father Martin na, "Huwag mo ng alalahanin ang bagay na iyon, Father Martin. Pinagkatiwalaan niya si Sister Jessy bilang hunter kaya pabayaan nalang natin ang naging desisyon ni Father Oliver. Sa tingin ko, ito ang kapalaran na pinagkaloob ng panginoon sa ating lahat na maging hunter ang isang madre ngayon. Sang-ayon ka ba doon, Father Martin? "
Tumango nalang ito at hindi na kumontra pa sa sinabi ni Father Rence sakanya.
Pagkalipas ng isang oras, dumating ng muli si Sister Jessy galing sa bahay nito at pumunta kaagad sa Father's lounge upang simulan na ang misyon(mission) nito bilang vampire hunter.
"Handa na po ako sa aking misyon, mga father." bigkas ni Sister Jessy.
"Lahat ng mga kailangan mong kagamitan ay naroon sa loob ng chest na iyon." sabi ni Father Maverick.
"Pagpalain ka ng ating panginoon, Sister Jessy." bigkas ni Father Eric.
"Mag-iingat ka sa misyon mo, Sister Jessy." sabi ni Father Martin.
Nagulat si Sister Jessy sa sinabi ni Father Martin sakanya. Kung kaya naman ay tumango nalang ito atsaka ngumiti sakanya.
Habang abala si Sister Jessy sakanyang pag.aayos sa mga gagamitin niya.
Nakarating na rin sa wakas si Father Oliver sa kanilang lugar kung saan siya lumaki makalipas ang isang araw na paglalakbay.
Pagkarating niya sa Skyville, dumiretso siya kaagad sa isang kastilo na mukhang pagmamay-ari niya.
Pagkapasok niya sa kastilo, nagbigay pugay(bow as a sign of respect) ang lahat ng mga naroon.
"Welcome back, Count Vlad." sabi ng isang lalaki sakanya.
"Nagtipon-tipon(assemble) na ba ang mga pinatatawag ko sa iyo? " tanong nito sa kawal niya.
"Opo, lahat po ng mga Counts at Countess ay nariyan na po. Puwera po kay Count Maximus at kay Countess Victoria ay wala pa po." paliwanag niya kay Count Vlad.
"Hmm, ang pang sampung clan na matagal ko ng tinakwil dahil nagsisisi siyang ginawa kong bampira. Countess Victoria, ano kaya binabalak mo? " sabi ni Count Vlad.
"My Lord, sa kastilo ni Count Maximus may problema po." bigkas ng isa pang kawal.
"Anong meron sa kastilo ni Maximus? " tanong niya sa kawal.
"Inagaw po ni Leila ang puwesto ni Count Maximus bilang count. Ngayon po ay Countess na si Leila. At nasa kanya na rin po ang lahat ng abilidad ni Count Maximus." paliwanag niya kay Count Vlad.
BINABASA MO ANG
Legendary Teens (The continuation)
Historical FictionLegendary Teens: Book Two The Continuation of my first book