Nakapasok na nga si Scott sa base ng League of Teens at naninibago parin siya sa bago niyang titirahan. "Ano?!" sabay-sabay naming sinigaw. Nagulat si Lance at gayundin si Scott. "Lance, akin na yung mensahe na iniwan sakanya." sabi ko. Inabot naman niya yung sulat sa akin at binasa ko ang mga nakalagay doon.
Nakaramdam ako ng awa para kay Scott, pagkatapos ko mabasa yung mensahe. "Well, I guess kailangan na nating alagaan si Scott simula ngayon." sabi ko. "Pero Richard masyado na tayong busy. At kung may aalagaan pa tayo hindi na natin magagampanan ng maayos ang pagiging heroes natin." sabi ni Lea sa akin.
Tinuro ko si Andrew at sinabing, "Siya ang sagot sa problema mo Lea." Biglang napalingon si Andrew sa amin, "Anong meron? " pagtatakang sinabi ni Andrew sa amin. "Puwede mo bang gawan si Scott ng isang perfect copy ng Mama niya. Nang sa ganoon siya ang magsisilbing bantay ni Scott. At Andrew kaya mo yun, magtiwala ka lang." sabi ko sakanya. "One more thing, alam ko na itsura ng Nanay niya. At ako na ang mag.papaliwanag ng bawat detalye." patuloy ko.
Pagkalipas ng mga buwan, naging busy na ang grupo ng League of Teens at parating naiiwan si Scott kasama ang perfect copy ng Nanay niya. Masaya naman kahit papaano si Scott ngunit sa kabilang banda hindi siya nito maliligtas sa kahit na anong kapahamakan. Malaking tiyansa(chance) na lumala pa ang sitwasyon imbes na umayos pa ito.
Isang araw, nagising si Scott mag.isa sa kuwarto nito, hinanap niya ang mga kasama nito lalong-lalo na ang Nanay niya na isa lamang na kopya ng tunay niyang Ina. Sa kakahanap niya, napadako siya sa kagubatan. At mga ilang sandali pa ay biglang may lumitaw na oso(bear) sa kinaroroonan niya. "Ahhh, Kuya tulong!! " mangiyak na sinabi ni Scott. Nakarinig akong may sumisigaw, at dali-dali kong pinuntahan iyon. Pagkarating ko sa sinundan kong sigaw(scream), nakita ko si Scott at ang isang oso na kaharap lamang niya. "Scott!! " sigaw ko. "Kuya? Kuya, nasaan ka? Wala akong makita dahil yung salamin ko natanggal." sabi niya. Hinanap ko yung salamin niya sa may damuhan at nung mahanap ko na ito, tinignan ko yung oso at papalapit na siya kay Scott.
Nag.isip na ako ng gagawin ni Scott dahil isang galaw ko lang ay siguradong manganganib ang buhay ni Scott. Bigla kong naisip ang isang bagay, "Scott, buksan mo mga mata mo! " sabi ko. "Pero Kuya hindi puwede, sabi kasi ni Mama eh." sabi niya sa akin. "Basta gawin mo nalang." sabi ko sakanya. Hindi na siya nag.alinlangan pa at binuksan na niya ang mga mata niya.
Tinamaan yung oso sa katawan nito at mga ilang sandali lang ay naging abo na ito. "Shit, kakatakot ang ability ni Scott. Kung tamaan ka man nun siguradong magiging abo ka na." bulong ko sa sarili ko.
Pagkalipas ng dalawang buwan, sumiklab ang isang matinding giyera sa pagitan ng Death Guild at League of Teens. Halos inabot ng ilang araw ang laban nila at humantong ito sa hindi inaasahang pangyayari. "Halika na Doom, darating din tayo diyan. Sa ngayon, kailangan muna nating bumalik sa Underworld." sabi ni Pride kay Doom. Kalaunan ay bumalik na sila sa Underworld habang ang mga League of Teens ay pumunta sa Kingdom ni Zeus.
Sa base ng League of Teens, naiwan sila Scott at ang kopya ng Mama niya sa loob ng base. Naglalaro sila roon, nanunuod, kumakain, at kung anu-ano pang puwede nilang gawin habang hinihintay bumalik ang mga kasama nito. "Ang tagal naman nila, Mama. Sabi nila sa akin babalik din daw sila kaagad rito." sabi ni Scott. "Maghintay lang tayo Anak, baka mamaya lang nandito na sila." sabi ni Lovely kay Scott. Pinagtuloy nalang ni Scott ang paglalaro niya.
Hindi nagtagal ay biglang may kumatok sa pintuan, binuksan ni Lovely ito at nagulat siya nang makita niyang hindi League of Teens ang nasa labas. "Sino kayo? Anong kailangan niyo sa amin? " pagtatakang sinabi ni Lovely sa dalawang di kilala nilalang. "Huwag mo nang subukang kontrolin kami, dahil hinding-hindi kami tatablan ng ability mo." sabi ng isang lalaki. Pinaangat sa ere si Lovely ng isapang lalaki at tinapon ito palayo sakanila.
Pinuntahan nila si Scott sa may sala at nadatnan itong naglalaro mag.isa. "Hello Scott! Gusto mo ba kaming maging kalaro mo? " sabi niya kay Scott. "Sige po sali po kayo sa amin ni Mama. Pero nasaan na po si Mama ko? " sabi ni Scott. "Nauna na siya sa bahay namin, sabi niya sunduin ka na namin para makapaglaro na tayo." sabi ng estranghero(stranger) kay Scott. "Ganun po ba, hmm sige po tara na po." sabi ni Scott. Di nagtagal ay naglaho na sila.
Pagkalipas ng sampung minuto, nakarating na sila Richard, Lea, at Joshua sa base nila. Nadatnan nilang walang malay si Lovely sa sahig. "Shit, mukhang may pumunta dito ah." sabi ko. Tinignan ko siya sa bawat parte ng bahay ngunit hindi ko nakita si Scott kahit saan. Nang may mapansin akong kumikinang sa ilalim ng kama ni Scott, ang kanyang visor. Inamoy ko ito at nalanghap ko ang isang pamilyar na amoy. "Doom! Hawak ni Doom si Scott. Tara na Josh, at Lea, babalik tayo sa Kingdom upang ipaalam ito sakanila." sabi ko. Dali-dali kaming bumalik sa Kingdom upang ipaalam sa iba ang nangyari sa base habang wala kami.
Sa kasalukuyan, sa Underworld ay masayang naglalaro si Scott roon at nakikipagkulitan pa sa mga alagad ni Pride. "So Scott, masaya ba rito? " sabi ni Doom kay Scott. "Hmm, opo Kuya Doom masaya rito. Atsaka si Mama po mukhang masaya rin dito." sabi ni Scott. Napangiti si Doom sa unti-unting pag.ayon ng mga plano nila ng Ama niya. "Doom! " tawag ni Pride. "Ama, kayo po pala." sabi ni Doom.
Hinawakan ni Pride ang ulo ni Scott nang biglang nag.iba ang kulay ng mga mata niya. "Ama? Huwag mong sabihin..." sabi ni Doom. Tumango si Pride at sinabing, "Oras na Anak upang ipakilala ang bago nating alas." sabi ni Pride. Sa likod ng anino, makikitang nagbabago ang itsura ni Scott. Lumalaki ang katawan niya, nasasaktan siya sa mga nangyayari sakanya, habang sila Doom at Pride ay pinapanuod ang pagbabagong nagaganap kay Scott. Hindi nagtagal ay natapos na ang hinihintay nilang dalawa. "Manuod ka Anak sa gagawin ng bago nating kasamahan. Walang iba kundi si Scott a.k.a Reaper." sabi ni Pride atsaka humalakhak ng malakas.
Binago ni Pride ang pagkatao ni Scott, at tuluyang ginawang alagad niya ito. Anong gagawin ng League of Teens ngayong hawak nila ang pinakamamahal nilang si Scott.
=============================
BINABASA MO ANG
Legendary Teens (The continuation)
Historical FictionLegendary Teens: Book Two The Continuation of my first book