Ayon sa mga sinabi ni Richard kay Sister Jessy, malalaman niya daw sa takdang panahon ang totoong pagkatao ni Father Oliver.
Sinabi rin ni Richard na hindi niya alam kung kailan pero nakakasiguro siyang makikita niya ng harapan ang sagot na hinahanap ni Sister Jessy.
"Gulung-gulo na ako sa mga nangyayari ngayon. Hindi ko na alam ang gagawin ko." sabi ni Sister Jessy.
Biglang may naisip na ideya si Nicole.
"Bakit di ka muna tumuloy rito? Manirahan ka muna kasama namin hanggang sa umayos na ang lahat." alok ni Nicole sakanya.
"Mommy..." putol kong sinabi.
"Mas makakabuti ito para kay sister. Para kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya." singit ni Nicole.
Napabuntong hininga ako atsaka tinignan siya ng seryoso.
"Parang ayaw ni Richard sa naisip mo, Nicole." sabi ni Sister Jessy.
"Alagad ka ng simbahan, sister. Malamang hindi ako sasang-ayon sa gusto ni Nicole. Ngayon pa nga lang sa krus na nasa leeg mo ay nasisilaw na ako. Nabubulag ako kahit hindi ako direktang nakatingin diyan." sabi ko na may halong inis sa boses ko.
Nagtaka si Sister Jessy sa sinabi ko sakanya.
"Diba Dhampir kayo? Half-human, half-vampire? Diba dapat immune din kayo kahit papaano kasi nagpapalit kayo sa human form ninyo kapag ganitong nasa bahay lang kayo." sabi ni Sister Jessy sa amin.
Nagtinginan kami ni Nicole sa isa't-isa at parehong nagulat sa narinig namin.
"Kanino mo nalaman ang bagay na iyan? Wala naman kaming ikinuwento na ganun kami. Lalong-lalo na kami ay bampira." sabi ko sakanya.
Sabay may tinuro siya sa mga kasama namin.
"Mommy? " pagtataka ni Nicole.
Nagulat siya sa ginawa ni Sister Jessy.
"Ako? Pero paano? " naguguluhang sinabi ni Mommy Sophie.
"Ikaw nga. Habang nagdadasal ka ng taimtim sa loob ng simbahan. Hindi ko sadyang narinig ang mga pinagdadasal mo at isa roon ang tungkol kila Richard at Nicole." paliwanag ni Sister Jessy.
"Pero sister, hindi ako iyon tinutukoy mo. Dahil kakaalam ko lang ngayon ang tungkol sa bagay na iyon." sabi ni Mommy Sophie.
"Tama nga siya doon sister." sabi ni Nicole.
Naguluhan lalo si Sister Jessy dahil sigurado siya sa nakita niya.
"Hindi ako nagkakamali sa nakita ko. Siguradong-sigurado ako sa nakita ko at narinig ko. Ikaw iyon at wala ng iba pa." pagpipilit ni Sister Jessy.
"Sa point of view mo sister, si Mommy Sophie talaga ang nakita mo. Habang kami at si Mommy Sophie mismo ay nagsasabing ngayon pa lamang niya nalaman ang katotohanan tungkol sa amin ni Nicole." sabi ko.
"Mukhang may katuloy pa ang mga sinasabi mo daddy ah." sabi ni Nicole sa'kin.
"Hindi kaya, future Mommy Sophie ang nakita mo? " patuloy ko.
Nabigla silang lahat sa sinabi ko.
"Posible ba yun? " sabi ni Danielle.
"Seryoso?! " bigkas ni Vince.
Napalingon ako sakanila at bigla kong naalala hindi pa pala nila alam ang tungkol sa nakita namin noon.
"Oo mga pinsan. Tama ang mga narinig ninyo. Well, kahit nung una ay nagulat kami dahil ang future self ko ay nakita ko ng harapan. Iyon ay noong panahon hindi pa kami kasal ni Nicole. Basta matagal na panahon na rin iyon." sabi ko.
BINABASA MO ANG
Legendary Teens (The continuation)
Narrativa StoricaLegendary Teens: Book Two The Continuation of my first book