CHAPTER 36: EXPERIENCE THE IMPOSSIBLE THING

8 1 0
                                    

Nagulat ako sa aking nakita, nasa harapan ko ngayon si Nicole. Si Nicole na dating miyembro ng Death Guild at darkmage ng grupo nila.

"Hi Richard! " sabi nito sa'kin. Habang ako ay nakatulala lang sakanya.

Tumawa ito at sinabing, "Bakit ka nakatulala diyan Master? "

Hinawakan ko ang balikat niya at tinulak siya palayo ng faculty(teachers office).

Limampung taon(50yrs. ago)makalipas ang laban sa pagitan ng League of Teens at Legendary Gods laban sa Death Guild at dalawang DarkLord na sina Pride at Doom. Napigilan namin silang lahat sa kasamaan nila, at sila Pride at Doom ay nanahimik na at hindi na muli inistorbo ang mundo ng mga tao. Habang ang Death Guild ay nagkawasak-wasak na at nagkanya-kanya na silang lahat. At si Crimson naman ay bumalik na sa tabi ng mga kapwa niyang Gods.

Noon, habang naglalakad ako sa kagubatan. May naaamoy akong dugo sa buong paligid ko. Nagtataka rin ako kung bakit may mga bakas ng dugo sa bawat puno na madadaanan ko. Sinundan ko ito hanggang sa may makita akong nakahiga sa sahig ng gubat.

"Miss? Miss! Anong nangyari sayo? " sabi ko sakanya.

Hinarap ko siya sakin upang makita ko ang mukha nito at nabigla ako ng makita ko kung sino siya.

"Darkmage ng Death Guild? " sabi ko.

Minulat niya ang mga mata niya atsaka pinilit na sinabi sakin na, "Tulungan mo ako! "

"Ano ba kasing nangyari sayo? At bakit duguan ka." tanong ko sakanya.

Huminga siya ng malalim atsaka sinabi sakin na, "Pauwi...na sana..ako...galing ng trabaho...ng bigla akong...atakihin ng oso...dito sa gubat..." habang hingal na hingal ito sa bawat pananalita niya.

Sinubukan ko siyang dalhin sa hospital subalit pinigilan niya ako.

"Bakit mo ako pinipigilan? Dadalhin na kita sa hospital upang malunasan ka na kaagad." sabi ko sakanya.

Umiling ito at sinabing, "Bawal ako doon. May basbas ng holy water ang buong paligid. At bawal ang isang katulad ko roon."

"Anong gagawin ko niyan? Kahit na sabihin nating kalaban kita noon ay hindi parin kita puwedeng iwan dito basta nalang. May konsensiya parin ako kahit papaano diba." sabi ko.

Hinatak niya ako palapit sakanya at binulong na, "Kagatin mo nalang ako, gusto ko pang mabuhay. Ipalit mo nalang ako sa isang katulad mo."

Nabigla ako sa kagustuhan niyang gawin ko para sakanya. Gusto niyang maging isang katulad ko. Isang bampira na kayang mamuhay ng ilang libong taon.

"Pero, isa akong bampira. Baka hindi mo kayanin ang pagka-uhaw mo sa dugo. Akala mo ba madaling tiisin iyon? Pwes nagkakamali ka roon. Lalo na ngayon sa kalagayan mo, natetempt akong inumin ang dugo mo. Pero dahil sanay na ako sa dugo ng mga hayop, medyo hindi na ako nagiging agresibo tulad noon. Well, kahit nung una pala ay nakontrol ko kaagad ang thirst ko sa dugo." paliwanag ko sakanya.

"Paano mo natiis ang mga iyon? " tanong niya sakin.

"Kasi desidido akong gawin sa pinangako ko sa taong nagpalit sa akin. Kahit na medyo hindi ko na naiintindihan ang mga pinagsasabi niya, sinikap ko parin pakinggan ang hiling niya para sa akin noon." sabi ko sakanya.

Ngumiti ito sa akin atsaka pumikit.

"Oi, gumising ka. Huwag kang pipikit !! Oi !! " sabi ko sakanya habang tinatapik ko ang balikat niya.

Napaisip na ako kung anong gagawin ko sakanya. Gagawin ko ba o hindi, iyan ang tumatakbo sa isipan ko ngayon.

"Bahala na nga, gagawin ko nalang. Kung ano man mangyari ngayon, babantayan ko nalang siya upang hindi siya makapagdulot ng kaguluhan sa siyudad." sabi ko.

Legendary Teens (The continuation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon