CHAPTER 26: BACK FROM THE LIVING

40 1 0
                                    

Biglang nagliwanag ang himpapawid(sky/skies) at may bumabang mga nilalang mula dito. "Ama? " pagtatakang sinabi ni Tony. Lahat kami ay napahinto sa mga nangyayari at hindi kami makapaniwala sa mga nagaganap ngayon. Pagkatapak ng mga taong ito sa lupa, biglang naglaho ang mga liwanag at tumambad sa amin ang mga kilalang taong ito.

Hawak ko parin ang leeg ni Doom at nakatulala na sa mga nakikita namin ngayon. Sila Zeus, Poseidon, Hades at ang iba pa ay narito ngayon sa harapan namin. "Ama! " tawag ni Tony kay Zeus. Napalingon ito sakanya at sinabing, "Thor? Anong ginagawa mo rito at sino iyang mga kasama mo? " Tumayo si Tony mula sa pagkakaluhod atsaka hinarap ang Ama nito. "Anong nangyari sa inyo Ama? Bakit ang tagal na panahon ninyong nawala? " tanong ni Tony kay Zeus. "Mahabang kuwento Anak, mamaya ko na lang sa'yo sasabihin ang buong kuwento." sagot ni Zeus. "Isapa Thor ang tunay na kalaban natin ay hindi si Crimson o si Doom. Ang pinakamalakas sa lahat at kahit kami ay hindi siya kaya at siya ay wala ng iba kundi ang Ama ni Doom, si Pride. The darkest and most evil among the others." sabi ni Hades. "At siya rin ang may kagagawan ng lahat ng mga ito." sabi ni Poseidon. "Hello Father! " bigkas ni Leon. "Hi Dad! " sabi ni Lyan. "Hello mga Anak! " sabi ni Poseidon.

Nagkabatian(greetings) silang lahat sa isa't-isa nang maiba ang nangyari kila Ron at Athena. "Hoy! Ikaw na aking Ina, paano ka nakulong ng aming mga kalaban ha? Akala ko ba magaling ka pagdating sa pakikipaglaban." sabi ni Ron. Lumapit si Athena kay Ron at kinutusan ito sa ulo nito. "Marunong kang gumalang sa nakakatanda sa'yo Anak ko. At hindi porket nakikipaglokohan ako sa iyo eh babastusin mo na ako sa harapan ng maraming tao." sabi ni Athena kay Ron. Hinilot ni Ron ang ulo nito atsaka humingi ng tawad sa Ina nito.

Lumapit si Zeus sa wala ng buhay na si Crimson atsaka ito nag.cast ng lightning sa katawan nito. Mga ilang saglit lang ay nabuhay na si Crimson at lumingon sa paligid nito. "Anong nangyari? Nasaan tayo ngayon? " tanong ni Crimson na may halong pagtataka sa mga nagaganap sakanila. "Mukhang nawala ang memorya niya. Ito na ang tamang oras para sumanib siya sa grupo natin. Gamitin na natin ang pagkakataong ito." sabi ni Poseidon kay Zeus. Pinatayo ni Zeus si Crimson atsaka sinabing, "Nasa giyera ka ngayon Crimson at kailangan namin ang tulong mo laban kay Doom at sa Ama nitong si Pride." Tumango si Crimson at nag.assemble na sa grupo namin. "Richard, bitawan mo na si Doom, may tamang panahon para tapusin sila." sabi ni Zeus sa akin. "Pero--" putol kong sinabi. "Sige na Richard, darating din tayo diyan." singit ni Zeus.

Binitawan ko na si Doom at lumayo sa puwesto niya. Tumayo na si Doom at bakas sa mukha nito ang pagtataka niya. "Buhay pa ang aking Ama? Pero imposible iyon dahil matagal na siyang sineal ng mga ninuno ninyo. Ilang libong taon na siyang patay mula sa kulungan ninyong Prison of Light. Kaya paanong buhay pa ang aking Ama samantalang bali-balita na walang nabubuhay sa kulungang iyon." sabi ni Doom. "Tanong ko lang Doom, dumalaw ka na ba sa puntod ng Ama mo? " sabi ni Zeus. "Oo, noong bata pa ako." sabi ni Doom. Tinignan ni Zeus sila Poseidon at ang iba pa at parang sumenyas sa isang bagay. "Sumanib ang kaluluwa ng Ama mo sa anino mo. Ibig sabihin, iyang anino mo ngayon ay ang kaluluwa ng Ama mo ngayon." paliwanag ni Zeus.

Tinignan ni Doom ang kanyang anino, ngunit wala siyang nakitang kakaiba rito. "Pinagloloko mo ba ako? Wala namang kakaiba sa anino ko." sabi ni Doom na may pagtaas sa boses nito. Mga ilang sandali lang ay lumitaw na isang butas sa lupa at nabiyak ito sa kalahati. "Portal iyan mula sa Underworld." sabi ni Hades. May umangat na isang tao mula rito at may mga kasamang nilalang galing sa Umderworld. "Hello Zeus! " sabi ng isang lalaki at tinitigan siya ng masama. "Pride!! " galit na sinabi ni Zeus. "Ama? " sabi naman ni Doom.

Lumingon si Pride, ang Ama ni Doom, sakanya. At tinignan ito ng seryoso sa mga mata nito. Atsaka muling lumingon sa aming lahat. "Sa susunod nating pagkikita Zeus, sisiguraduhin kong pagbabayaran na ninyo ang mga pinag.gagawa niyo sa akin. Tayo na Anak, bumalik na tayo sa Underworld." sabi ni Pride. "Pero Ama--" putol na sinabi ni Doom. "Ngayon na mismo Doom!! " galit na sinabi ni Pride sa anak nito. Wala ng magawa si Doom at sa halip ay bumalik na siya sa Underworld. "Hanggang sa muli aking kaibigan." paalam ni Pride atsaka naglaho na rin.

Humarap na sa amin sila Zeus at sinabing, "Halina kayo sa Kingdom namin. Kami ng bahala sa mga gulo na nangyari dito." Tumango nalang kami atasaka humanda para sa gagawing transportation.

The Underworld's Pride has return. Ano na kaya mangyayari ngayong bumalik na ang pinaka.darklord ng mundong ilalim.

==============================

Legendary Teens (The continuation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon