CHAPTER 72: MATURITY

0 0 0
                                    

Matapos ang isang araw na pakikipaglaban kila President Lex at sa bagong improved na Damaso.

Bumalik nang muli ang lahat sa dati. Nanaig na naman ang katahimikan sa kani-kanilang buhay.

Sa bahay nila Vince, naghahanda na silang lahat upang kumain.

Kila Jeffrey naman, lahat sila ay nakaayos at mukhang may pupuntahan.

Sila Lance, Andrew, at Elaijah ay mukhang abala sa mga gadgets nila.

Kila Andrei naman ay mukhang may gimik kasama sila Danielle, at Justine.

Kila Michael naman ay mukhang abala sila sa paglalaba ng mga damit.

Sila Renielle at Reign naman ay mukhang aalis silang magpapamilya.

Habang sila Joshua at Jireh naman kasama ang mga magulang nila ay pumunta sa bahay ng kuya nila.

Kasalukuyang nasa bahay ngayon nila Richard at Nicole ang mga kapatid at magulang ni Richard.

Naghanda ng makakain si Nicole sakanilang bisita ngayon.

"Sandali lang po mama. Ipaghahanda ko kayo ng makakain ninyo." sabi ni Nicole.

"Naku, huwag ka ng mag-abala pa Nicole. Napadaan lang kami rito upang dalawin ang apo namin." puna ng Mama ni Richard.

Biglang pumasok ng bahay si Richard bitbit ang mga putol na punong kahoy sa balikat nito.

"Oh nandito po pala kayo Mama, Papa, Josh, at Ji." bigkas ko.

Nagmano ako kaagad sa mga magulang ko atsaka tumungo kaagad sa maliit na compartment upang ilagay doon ang mga pinutol kong punong kahoy.

"Anak, diba parang mali iyang ginagawa mo? " tanong ng Mama ko sa akin.

"Ang alin po, Ma? " pagtataka ko.

Sabay turo sa may compartment.

"Iyang mga pinagpuputol mo. Diba parang bawal iyang pagputol mo sa mga puno na nasa kagubatan ngayon? Kasi nakakasira ng kagandahan ng kapaligiran at kalikasan ang pagsira sa isa sa mga iyon." pagpuna niya.

Napatingin ako kay Nicole at tumingin muli sa Mama ko.

"Actually po mama, hindi naman po ako basta-basta pumuputol ng puno ng ganun nalang. Pinipili ko mabuti ang punong puputulin ko. Atsaka kapag nakaputol naman po ako ng isang puno ay kaagad ko itong pinapalitan ng panibagong tanim, upang sa ganoon ay hindi tuluyang makalbo ang kagubatan." paliwanag ko sakanya.

Napatango nalang si Mama ko sa mga pinaliwanag ko.

Nang may marinig kaming umiiyak sa itaas.

"Mommy, umiiyak si baby." sabi ko kay Nicole.

"Oo. Ako ng kukuha sakanya." sabi niya sa'kin.

Sabay iwan sa niluluto niya.

"Paakyat na si Mommy. Wait mo lang ako." sigaw ni Nicole.

Umakyat na si Nicole upang kuhanin si baby Andrea habang ipinagpatuloy ni Mama ko ang niluluto niya.

"Ako na po magtutuloy ng niluluto ni Nicole. Maupo na po kayo roon." sabi ko.

"Okay lang anak. Ako ng bahala dito. Matagal na rin kitang hindi nalulutuan ng makakain mo." sabi ni Mama sa'kin.

"Pero para po sainyo iyang niluluto ni Nicole." sabi ko.

Umiling si Mama ko at sinabi na, "Sinabing ako ng bahala dito. Oh siya, puntahan mo na si Andrea sa taas."

Hindi na ako kumontra pa sa ginawa niyang biglaang pagpatuloy sa niluluto ni Nicole.

Legendary Teens (The continuation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon