CHAPTER 47: CHANGE OF HEART

12 0 0
                                    

Napalingon ako sa aking likuran ng marinig ko ang isang pamilyar na boses.

"Well, look who's back." sabi niya.

"Aphrodite! " sabi ko.

"Great timing Aphrodite. Kailangan ka namin ngayon para sa isang bagay." sabi ni Crimson sakanya.

Napalingon si Aphrodite kay Crimson at sinabi na, "Oh my gosh! Ikaw ba iyan Crimson? "

Tumango(Nod) ito sakanya at tinitigan niya ng seryoso si Aphrodite.

"Teka lang ha, diba sabi mo sakin kanina Aphrodite na normal na tao ka lamang kahit na nabanggit(mention/ed) ko na sa iyo isa ka sa mga anak ni Zeus. Pero ngayon sinabi mo na isa kang goddess. Medyo naguguluhan ako sa mga nangyayari ngayon." sabi ko.

Napatawa si Aphrodite sa mga sinabi ko atsaka tumingin sakin.

"Narinig ko kasing may kausap ang ama ko si Zeus sa palasyo nito at mukhang seryoso iyon. Kaya, naisipan ko makinig upang malaman ko kung ano iyon. Sa bandang huli ng pinag-uusapan nila, ikaw at ang mga kasama mo pala ang topic ng ama ko." paliwanag niya sa amin.

"So? Tutulungan mo ba kami sa problema namin. Kasi malapit ng maubos ang God's blessings ko. Hindi magtatagal ay matutulad na rin ako sa mga kasama ko." sabi ko sakanya.

"Nga pala, paano mo nalaman ako iyon at ang mga kasama ko ang pinag-uusapan? I mean hindi mo pa kami gaanong kakilala." patuloy ko.

"Richard pangalan mo diba? Nabanggit kasi ni ama ko ang pangalan mo sa usapan nila kaya dahil dun nalaman ko kaagad kung sino ang mga pinag-uusapan nila." sagot ni Aphrodite sa tanong ko.

Napatango(Nod) nalang ako sa sinagot niya at sinabi ko na, "It makes sense now."

Biglang may lumapit sa amin na hindi ko kakilala.

"Sino po sainyo si Richard dito? " tanong niya sa amin.

Tinaas ko ang kanang kamay ko at sinabi ko na, "Ako si Richard. Bakit? Anong kailangan mo? "

"Sumunod po kayo sa akin dahil wala ng oras pa." natataranta niyang sinabi sa akin.

Hindi na ako nagtanong pa dahil habang tumatakbo kami ay maaari ko namang basahin ang isipan niya nang sa ganoon ay malaman ko kung ano ang problema tinutukoy niya.

Napatigil ako sa pagtakbo ko dulot ng pagkabigla ko.

"Anong nangyari sa iyo Richard? " tanong ni Crimson sa akin.

"Wala na sila Lea, Scott at Nicole. Nabasa ko sa isipan niya." sagot ko.

"Halina kayo! May oras pa, makakahabol pa tayo." sigaw ni Aphrodite.

Napatingin ako sakanya atsaka tumakbo na akong muli.

Pagkarating namin sa palasyo ni Zeus. Nilapitan ko kaagad silang tatlo na nakahiga sa kama.

"Oh shit! Hindi ito maaari mangyari. Master ko, kaibigan ko, at apprentice ko ay wala na. Hindi! Hindi ito totoo! Imposible ito! " nangingiyak(crying) ko pinagsisigaw.

"I'm sorry for your lost, Richard." sabi ni Lyan atsaka ako tinapik sa balikat ko.

"Aphrodite? Anong ginagawa mo dito? " tanong ni Zeus sakanya.

"Mamaya ko na sasagutin ang katanungan mong iyan, Ama. Sa ngayon ay may kailangan pa akong gawin." sagot nito.

Lumapit si Aphrodite kila Lea, Scott, at Nicole.

"Anong gagawin mo sakanila? " tanong ko kay Aphrodite.

"Diba tinanong mo ako kanina kung tutulungan kita sa problema mo? Heto na iyon, lalagyan ko na sila ng panibagong mga puso." sagot niya sa akin.

Legendary Teens (The continuation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon