Sa kasiyahan bumabalot ngayon sa bahay nila Richard at Nicole.
Napalitan na naman ulit ito ng panibagong emosyon dahil sa pagdating ng di inaasahang bisita.
"Hello Legendary Teens! Namiss niyo ba kami? " sabi niya at sabay ngisi ng ngiti.
"President Lex! " bigkas ni Nicole.
"Oh?! Bakit parang kakaunti lang kayo ngayon? Nasaan ang iba niyo pang mga kasama? Hmm, sa tingin ko ay hindi matutuwa si Damaso nian dahil kakaunti lamang ang kalaro niya ngayon. Sa tingin ko ay tawagin niyo na ang iba niyo pang mga kasama." sabi ni President Lex.
Hindi kami kumibo sa gusto niya ipagawa sa amin.
"Ayaw niyo ba? Eh di sige. Kayo nalang ang magiging kalaro niya hanggang sa mapilit niya kayong itawag ang iba niyo pang mga kasama." puna niya.
Biglang pumorma si Damaso sa pakikipaglaban at gayundin ang ginawa namin.
"Damaso, makipaglaro ka muna sakanila habang ako ay manunuod muna dito sa tabi habang pinahihirapan mo silang lahat." utos ni President Lex.
"Affirmative! " sagot ni Damaso.
Nang may mapansin si Zyrus sa pagkatao ni Damaso.
"Guys, wala na sa pagkatao niya ang pagiging isang normal na tao. Parang hindi na siya yung dating nakalaban natin." sabi ni Zyrus.
Pinagmasdan ko mabuti ang buong katawan ni Damaso at napansin ko din ang nagbago sakanya.
"Tama nga siya mga pinsan at mommy. Hindi na tao si Damaso ngayon. Isa na siyang ganap na android ngayon." sabi ko.
"Wohohoho, napansin niyo na pala ang pagbabagong ginawa ko sakanya. Well, dahil diyan ay bibigyan ko kayo ng espesyal na regalo sa darating na kapaskuhan. Ang inyong mga buhay." puna ni President Lex atsaka humalakhak ng malakas.
Pinag-aatake na kami ni Damaso habang kami naman ay umiiwas lamang sa ginawa niya.
Nang makahanap ako ng tiyempo(chance) ay binigyan ko siya ng isang sapak sa mukha nito.
Subalit, mukhang hindi siya nasaktan o naapektuhan man lang sa ginawa ko sakanya.
"Uh-oh! " bigkas ko.
Nang hawakan niya ako sa leeg atsaka itinapon palabas ng bahay.
Sa ginawa niyang iyon, tumilapon ako ng milyang-milyang layo sa kinaroroonan ng tahanan namin.
"Shit! Mas lumakas siya lalo at tumibay kaysa noon una nakalaban namin siya." sabi ko atsaka na ako tumakbo pabalik sa tahanan namin.
Pagkadating ko sa bahay. Nadatnan kong nakahiga na sila Vince at Lisha sa sahig.
Habang sila Danielle at Zyrus ay wala ng malay sa labas ng bahay.
Lumapit sa'kin si Sister Jessy habang nakahawak sa balikat nito at duguan at mukhang may gusto itong sabihin.
"Richard, hawak ni President Lex si Nicole." sabi niya sa'kin.
Nabigla ako sa narinig ko.
Tatakbo na sana ako paalis ng bahay namin ng pigilan ako ni Sister Jessy.
"Kontakin mo na ang iba pa, Richard. Bago pa man sila tuluyan manalo laban sa inyo." sabi niya.
Umiling ako at sinabi na, "One's na ginawa ko iyon. Mga pinsan at kapatid ko naman ang masasaktan. Madaragdagan ang masasaktan kung gagawin ko ang gusto mo sister. Pasensiya na pero kailangan ko harapin si Damaso mag-isa."
Wala na akong inaksayang oras at dali-dali akong tumakbo kung nasaan sila President Lex ngayon.
Sinundan ko ang amoy ni Lex upang malaman kung nasaan sila ngayon.
BINABASA MO ANG
Legendary Teens (The continuation)
Historical FictionLegendary Teens: Book Two The Continuation of my first book