Sa kabila ng pagkikitang muli ng magkapatid na sila Lea at Leila. Nagkaroon ng kaunting hidwaan tungkol sa kanilang Ama na si Count Maximus.
Gusto ng mawala ni Leila ang kanyang Ama upang siya na ang pumalit sa puwesto nito.
"Magkikita tayong muli aking kapatid." sabi ni Leila atsaka ngumisi ng ngiti.
Tumakbo na kami pabalik ng base, kasama ko sila Lea at Nicole. Habang tumatakbo kami, may nalanghap kaming dugo na mahirap iwasan.
Dahil dito napahinto kami sa pagtakbo namin at nagtinginan sa isa't-isa.
"Ano kaya yung mabango iyon? " pagtatakang tanong ni Lea.
"Sa tingin ko ito yung lugar na napuntahan ko noon. Yung hinahanap ko ang mga kapatid at magulang ko." bigkas ko.
"Ang sarap! Mukhang lahat ng mga tao dito ay hindi pa dinadapuan ng sakit." sabi ni Nicole.
Umiling ako at sinabing, "Mataas lang immunity nila kaya hindi sila nagkakasakit. Halos sa sobrang taas, masasabi kong nasa 100% ang minimum at maximum resistance nila laban sa sakit."
"Paano mo nasabing ganun kataas? " tanong ni Lea.
"Nakikita ko sa dugo nila ang kemikal na sumabog noon. Kumbaga, 50 - 50 na ito. Kalahating dugo, kalahating kemikal. Ahm parang nangyari sa mga pinsan ko, na exposed sila sa radiation kaya naging gifted silang lahat." sabi ko.
Nagtataka parin sila kung bakit hindi nagkaroon ng ability ang mga taong ito kung nasaan kami ngayon.
"Ayun na nga ang ability ng mga iyan. 100% resistance sa lahat ng klase ng sakit. Kumuha ka lang ng kaunting dugo sakanila at i.inject mo iyon sa may sakit, siguradong gagaling kaagad iyon. Tanggal ang anumang klaseng sakit ng taong iyon." sabi ko.
Biglang inaya ko na silang bumalik sa base, ngunit si Nicole ay medyo natatakam na nasa harapan niya ngayon.
Hinatak ko na palayo si Nicole atsaka na kami tumakbo muli papunta sa base.
Pagkarating namin sa base, naabutan naming nag.aayos na silang lahat at mukhang uuwi na.
"Sige Kuya, uuwi na kami ni Ji. Sumunod ka nalang ha." sabi ni Joshua.
"Sige, mauna na kayo at maya-maya lang ay uuwi na ako." sabi ko.
Pagkalipas ng kalahating oras, kaming tatlo nalang ang nasa loob.
"So, sino gusto ng sparring? " bigkas ko.
"Ako ayos lang. Ikaw ba Nicole? " sabi ni Lea.
"Pero, baka matalo ako." sabi ni Nicole na may lungkot sa boses nito.
"Kaya nga sparring lang eh. Walang nanalo o natatalo sa sparring lamang." sabi ko.
Kaya naman, pumunta na kami sa basement upang magsimula ng sparring.
"Oo nga po pala Master. Paano po kayo naging magaling sa pakikipaglaban kung sparring lang ang nagsisilbing ensayo ninyo. Hmm? " sabi ni Nicole.
"Well, dahil sa sparring ay matutunan mong dumepensa at magbato ng atake sa tamang tiyempo, tulad nito. Lea? " sabi ko.
Sumuntok ako kay Lea at kaagad naman niyang naiwasan ito atsaka sumuntok sa akin pabalik.
"Kung hindi mo parin makuha. Kayong dalawa ni Lea ang mag.sparr, upang makuha mo." sabi ko.
Kaagad naman silang nag.sparr. Ngunit, yung aakmang susuntok na si Lea. Bigla namang pumikit si Nicole.
"Hays, huwag kang pipikit sa pakikipaglaban. Dahil iyon ang sekreto sa pagkapanalo mo." sabi ko sakanya.
BINABASA MO ANG
Legendary Teens (The continuation)
Historical FictionLegendary Teens: Book Two The Continuation of my first book