Sa ginawang pag-espiya nila Count Vlad at Count Louise sa pamilya ni Richard.
Sumugod mag-isa si Richard sa kastilo ni Count Vlad upang balaan na huwag nilang tatangkahin ulitin ang ginawang pag-espiya sakanila.
"Ulitin man ni isa sainyo ang pag-espiya sa pamilya ko. Sinisigurado kong iyon na ang huli." babala ni Richard kay Count Vlad.
Hanggang sa humantong sa pananakit nila sa isa'i-isa.
Nang tumigil sila dahil sa isang pangyayari.
"Papaano mong nagawa iyon? Kumalas ka sa ability ko." pagtataka ni Count Vlad.
Ngumisi ng ngiti si Richard at sinabi na, "No pain no gain." At sabay takbo palabas ng kastilo.
Naiwan gulat na gulat parin si Count Vlad at hindi makapaniwalang may nakakalas sa ability nito.
Sa kasalukuyan, tumatakbo na ako pabalik ng tahanan namin
Nang masilayan ko na ang tahanan namin. Sinalubong ako ni Nicole sa labas ng bahay at bakas sa mukha niya ang pag-aalala.
"Okay ka lang ba daddy? " tanong niya sa'kin.
Tumango nalang ako at sinabi ko na pumasok na kami sa loob.
"Anong sabi ng mga councils sa iyo? Nagalit ba sila? Sinaktan ka ba? Ano raw ba intensyon nila kay baby Andrea. At..." putol niyang sinabi.
"Huminahon ka lang mommy. Nagkaroon lang ng kaunting gulo pero kinaya ko naman." singit kong sinabi.
Tumingin ako sa may crib ni baby Andrea subalit wala siya roon.
"Ahm si Andrea nasaan? " tanong ko.
"Nasa kuwarto natin, natutulog siya." sagot niya.
"Iniwan mo siya mag-isa doon?! " pag-aalala ko.
"Daddy, inilagay ko naman siya sa may crib niya sa itaas. Kaya wala ka dapat ipag-alala. Hindi siya mahuhulog, kung iyon ang ipinag-aalala mo." sabi niya sa'kin.
Biglang may narinig kaming umiyak mula sa itaas.
"Sandali lang daddy. Mukhang hinahanap ako ni baby." sabi ni Nicole.
Pinigilan ko siya at sinabi ko na, "Ako ang hinahanap niya. Nababasa ko isipan niya." Atsaka ako ngumiti.
"Oh sige daddy. Asikasuhin mo muna si baby at maghahanda lang ako ng kakainin natin." sabi niya.
"Sige. Magpapalit nalang ako ng form mamaya." sabi ko sakanya.
Umakyat na ako at pumunta sa may kuwarto namin.
Nadatnan kong umiiyak parin si baby Andrea.
"Ohh, umiiyak si baby. Nandito na si daddy. May gusto ba ang baby namin? " sabi ko atsaka ko siya binuhat.
Bigla siyang tumigil sa pag-iyak.
"Huh? Binuhat lang kita pero tumigil ka na sa pag-iyak." pagtataka ko.
Nang basahin ko ang isipan niya.
"Ano?! Gusto mong ipasyal ka namin?! " nabigla ako sa gusto niya.
Bumaba ako para sabihin iyon kay Nicole.
"Mommy, gusto pumasyal ni baby Andrea." sabi ko.
"Huh?! Paano mo naman nasabi iyon? " tanong ni Nicole.
"Binasa ko isipan niya. Inalam ko kung bakit siya umiiyak at iyon nga gusto niya raw pumasyal. Ahm pictures, sounds, at broken language ang nabasa ko sa isipan niya. So iyon." paliwanag ko.
BINABASA MO ANG
Legendary Teens (The continuation)
Historical FictionLegendary Teens: Book Two The Continuation of my first book