CHAPTER 49: GODDESS OF WATER

6 0 0
                                    

Sa ginawang paghabol ni Richard kila Lea, nadatnan nitong nasa pintuan palabas ng kingdom sila Leon at Ron.

Napansin ni Leon na nagmamadali si Richard at sinabi na, "Oh Richard, ikaw pala. Kakaalis lang nila Tony at Aira, kasama nila sila Lea, Nicole, at Scott. Bilisan mo at baka maabutan mo pa sila sa ibaba."

Tumango nalang si Richard atsaka lumabas na ng pintuan.

Pagkaalis ni Richard, siya namang pagdating ni Lyan sa may pintuan(some sort of a gateway to the human realm) upang tignan ang mga nangyayari doon.

"Ano na nangyari sakanila, Leon? Nakabalik na ba sila? " tanong ni Lyan sa kapatid nito.

"Okay na, Sis. Nakahabol na rin si Richard sakanila. Maybe or not? " sagot nito atsaka umalis na.

"Meron pa tayong kailangan i.celebrate sa loob ng palasyo ni Lord Zeus. Kaya, halika na sa loob Lyan." sabi ni Ron sakanya.

"Sige, susunod nalang ako. May kailangan pa akong gawin." sabi ni Lyan.

"Mas importante pa ba iyon kaysa sa kaarawan ng asawa ni Lord Zeus? " tanong ni Ron sakanya.

"Ikaw nalang bahala magtakip sa akin. Gumawa ka nalang ng replica ko gamit ang ability mo." sagot ni Lyan.

Hindi na nagsalita pa si Ron at sa halip lumakad na siyang muli pabalik ng kingdom habang si Lyan ay naiwan mag-isa malapit sa pintuan at nag.iisip ng malalim doon.

"Sundan ko kaya sila Richard o huwag nalang? Pero, pagkatapos ko habulin sila. Ano naman gagawin ko nun? Wala naman akong kailangan sakanila." bulong ni Lyan sa sarili nito.

"Ah, bahala na nga! " sabi nito atsaka na lumabas na ng pintuan.

Pagkarating ni Lyan sa mundo ng mga tao, nakita niyang magkakasama na silang lahat.

Napalingon si Tony kung nasaan si Lyan, kung kaya naman nung tatangkain tawagin siya na lumapit sakanila. Biglang umiling si Lyan kay Tony na gusto niyang ipahatid na hindi na kailangan pa.

Napatango(nod) nalang si Tony at lumakad na silang muli kasama sila Lea.

Tinitigan na lamang ni Lyan silang anim(Tony, Aira, Richard, Lea, Nicole, at Scott) habang papalayo sakanya.

"Mukhang hindi na niya kailangan pa ng isang kaibigan katulad ko. Masaya na siya sa piling ng mga kasama niya ngayon." sabi ni Lyan habang nakatitig sakanila.

Bumalik ng muli sa kingdom si Lyan at nakipag.celebrate ng kaarawan ng asawa ni Zeus.

Matapos ang celebrasyon, umuwi na ito sakanilang kaharian.

Sa loob ng kuwarto ni Lyan, biglang may kumatok sa pintuan.

"Sandali lang." sabi nito.

Pinagbuksan niya ng pinto yung kumakatok sa kuwarto niya at nakita niyang si Leon pala ito, ang kapatid niya.

"Ayos ka lang ba, sis? " tanong nito sa nakakatandang kapatid.

Flashback:

Si Lyan ay pinanganak ilang libong taon ng nakakalipas at kasabay nito ay ang pagsilang rin ng kanyang kapatid.

Samakatuwid, maituturing silang kambal dahil ilang minuto lang ang pagitan nila Lyan at Leon simula nung iluwal(taken out) sila sa sinapupunan ng kanilang ina.

Si Lyan ay pinakamatanda at una sa magkapatid, habang si Leon naman ay ang bunso at pangalawa at pinakahuli sa magkapatid.

Ang kanilang Ama ay si Poseidon at ang kanilang Ina ay si Allura(I made this name because I just wanted to. Haha)

Legendary Teens (The continuation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon