CHAPTER 64: OUR DAUGHTER, ANDREA

0 1 0
                                    

Dahil sa hindi pagsang-ayon ng tadhana sa gagawin ni Lea. Naisipan na niyang bumalik sa tunay na panahon nila.

Tutal naiba na ang naging takbo ng timeline, wala na rin saysay pa kung mananatili pa siya sa hinaharap ngayon.

Lumipas ng lumipas ang panahon na parang ihip lang ito ng hangin.

Unti-unti ng lumalaki ang tiyan ni Nicole sa bawat panahon na lumilipas.

Pero dahil isa siyang dhampir o half-human half-vampire. Medyo napatagal ang pagdadalang tao ni Nicole.

Dahil sa tuwing magpapalit siya sa vampire form nito, tumitigil ang paglaki ng tiyan ni Nicole. At sa bawat pagpalit niyang iyon, humihinto ang panahon sa paglabas ng magiging anak nila.

Imbes na sa loob ng siyam na buwan ay lalabas na rapat ang sanggol sa sinapupunan niya.

Nahihinto ito at nadadagdagan pa lalo ang panahon sa paglabas niya sa tuwing nakavampire-form si Nicole.

Kaya umabot halos ng ilang taon bago tuluyang lumaki ang tiyan ni Nicole.

Ikinasal na rin sila Richard at Nicole sa taon 2099. At halos lahat ng mga mahal nila sa buhay ay dumalo sa pinaka-importanteng okasyon sa buhay nilang dalawa.

Kung kaya naman ay makalipas ang isang taon, dumating na ang takdang panahon na pinakahihintay nila.

Year 2100, 2:31am, tuesday.

Sa loob ng bahay nila Richard at Nicole, nakaramdam bigla ng pananakit ng tiyan si Nicole.

At hindi niya malaman ang gagawin. Kung kaya naman ay naisipan niyang tawagin ang kinakasama nito.

"Richard!!! " sigaw niya habang iniinda ang sakit na dinadamdam niya ngayon.

Napatakbo ako bigla pagkatawag ni Nicole sa akin.

Pagkarating ko sa kuwarto namin, nadatnan ko siyang nahihirapan na at mukhang may gusto ng lumabas sa sinapupunan nito.

"Lalabas na ba siya mommy?! " tanong ko sakanya.

Hindi makasagot si Nicole dahil puro halos paghahabol ng hinga ang ginagawa niya.

"Okay! Halika, itatakbo na kita papunta sa hospital." sabi ko atsaka ko siya binuhat.

Pagkatapos ay tumakbo na ako papunta sa hospital na medyo kalayuan sa tinitirahan namin.

Pagkalipas ng ilang sandali, narating ko na ang hospital at ipinasok sa emergency room si Nicole.

Inasikaso na siya kaagad ng mga nakashift na nurse at doktor.

Dahil siguro alas-dos na ng madaling araw, kaming dalawa ni Nicole ang bumasag sa katahimikan na bumabalot ngayon sa hospital na ito.

Matiyaga akong naghintay sa labas ng delivery room hanggang sa matapos na sa panganganak si Nicole.

Biglang bumukas yung pintuan at siya naman pagtawag sa'kin ng lumabas na nurse.

Pumasok kami sa loob at nakita kong hindi parin sila tapos.

Umabot na ng mahigit dalawang oras ang panganganak ni Nicole subalit hindi parin siya lumalabas, ang anak namin.

"Richard.." tawag niya habang hingal na hingal siya.

Napalingon ako sakanya at lumapit.

"Ano yun? " bulong ko.

Patuloy parin siya sa paghabol ng hangin niya.

"...hindi ko na kaya. Hirap na ako daddy! " patuloy niya.

Legendary Teens (The continuation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon