Pinaliwanag na ni Dr.Yang ang lahat ng mga pagbabagong nangyari sa Legendary Teens kila Lyan at Aira.
Ngayon, ipapaliwanag niya sakanila ang mga nangyari sakanya noon.
Flashback way to year 1975:
Pagkatapos ng pagpapakalat ni Dr.Wilson ng kemikal sa hangin, tumagal ito ng mahigit kalahating oras.
Kung kaya naman pagkalipas ng isang oras ay madami ng walang malay sa labas ng laboratoryo, gayundin din sa loob nito.
Nang biglang may tumayong scientist sa loob ng laboratoryo. At iyon ay si Dr.Yang.
"Ugh! " sabi nito habang nililibot ang buong tingin niya sa laboratoryo.
Naglakad ito sa buong paligid kahit na paika-ika(almost like he has a broken feet or had a concussion) na ito.
Nang maalala niyang binaril siya ni President Lex sa dibdib nito.
Note:
Sa puntong ito, ngayon ko lang pinangalanan ang presidente sa dating lugar nila Richard kung saan nagsimula ang lahat at dahil sa kadahilanan na hindi ko siya pormal na napakilala ng maayos. Kung kaya naman ay kailangan ko ng pangalanan siya dahil sa mga mangyayari.Back to the story:
Habang naglalakad si Dr.Yang, naisipan niyang puntahan ang room 001 kung saan niya pinapunta si Dr.Wilson at gawin ang isang bagay.
Pagkarating niya roon, nadatnan niya itong nakahilatay na sa sahig at walang malay.
Sinubukan niyang gisingin si Dr.Wilson subalit walang nangyayari sa ginawa niya.
"May you rest in peace brother. I'm sorry that this happened to you." sabi ni Dr.Yang sa wala ng buhay na katawan ni Dr.Wilson.
Palabas na sana siya ng kuwarto ng biglang namatay ang kuryente. Nabalot ng kadiliman ang buong laboratoryo at may mga emergency lights ang bumukas sa ibang parte nito.
Pagkatapak(step-in) ni Dr.Yang sa kadiliman, bigla siyang lumubog sa tinapakan niya.
Unti-unti na siyang nilalamon ng anino ng buong paligid at dito na rin nagsimula siyang mataranta.
Sa hindi malaman na gagawin, taimtim nalang itong nagdasal at pinalangin niyang may tumulong sana sakanya ngayon.
Pagkalipas ng mga ilang sandali, nalamon na siyang tuluyan ng kadiliman habang nakaangat ang isang kamay nito.
Habang kinukuwento ni Dr.Yang ang nga nangyari sakanya noon. Biglang nagtanong si Maynard sakanya.
"So doc, may tumulong ba sainyo noon? Nung nilamon na kayo ng kadiliman? " tanong ni Maynard.
Umiling si Dr.Yang at sinagot na, "Matagal akong nabilanggo sa anino ng kadiliman. Nawalan na rin ako ng pag-asa na makaalis doon dahil wala akong makitang daan palabas roon. Pero, makalipas ang ilang araw may liwanag akong nasulyapan at lumapit ako doon. At sa pagkakataong iyon ay nakalabas na ako sa anino."
Napatango nalang si Maynard sa sinagot ni Dr.Yang sakanya.
"Ako rin nakakita sakanya na lumutang sa anino ng kagubatan. Naghahunt ako ng mga panahon na iyon at nagulat nalang ako ng lumabas siya bigla sa kawalan." sabi ko.
"So more than a decade kang nakulong sa kadiliman? " tanong ni Lyan.
"Masasabi ko parang ganun na nga. Subalit, para sa akin sa loob ng kadilimang iyon ay hindi ko malaman kung lumilipas ba ang panahon doon." sabi ni Dr.Yang.
"Paano ka nakasurvive sa ganoong katagal? Walang pagkain at walang tubig." sabi ni Aira.
"Hindi ko rin alam ang dahilan sa bagay na iyan pero ang tanging nararamdaman ko noon ay busog ako at hindi man nakaramdam ng pagkauhaw." paliwanag ni Dr.Yang sakanya.
BINABASA MO ANG
Legendary Teens (The continuation)
Fiksi SejarahLegendary Teens: Book Two The Continuation of my first book