CHAPTER 38: NEW LEAGUE

14 1 0
                                    

Pumunta sila Count Vlad at Count Recxkuz na kasama si Lea sa base ng League of Teens.

"Count Vlad? Count Recxkuz at Lea? " pagtataka kong sinabi.

"Sorry Richard! " bulong ni Lea sa akin.

"Puwede ko ba kayong maimbita sa aking kastilo? " sabi ni Count Vlad.

Sumunod na kami ni Nicole kila Count Vlad papunta sa kastilo niya.

Pagkalipas ng kalahating oras, narating na namin ang palasyo ni Count Vlad. At napansin kong hiningal si Nicole sa haba ng tinakbo namin.

"Haa haa haa, whew ang layo nun ah." sabi niya.

"Okay ka lang? " tanong ko sakanya.

Tumango lang ito atsaka na muli dumiretso ng tingin kung nasaan ang mga Master namin.

Habang naglalakad kami, napansin kong nakatingin ang ibang mga bampira sa amin.

Napayakap si Nicole sa akin at binulong na, "Natatakot ako Richard."

"Huwag kang matakot, nandito kami ni Lea. Walang makakasakit sa'yo habang nandito kami." bulong ko sakanya.

Narating na namin ang upuan ni Count Vlad, kung saan lahat ng mga bagong bampira ay dumadaan dito bago lumabas sa mundo ng mga tao.

"Nicole, am I right? " sabi ni Count Vlad.

"O-opo! " sabi niya.

"Hmm siguro iniisip mo kung paano ko nalaman ang pangalan mo. Tama ba ako? " sabi ni Count Vlad sakanya.

Tumango ito at inalayo ang tingin kay Count Vlad.

"Don't be afraid My child! May gagawin lang tayong kaunting orasyon bago ka maging isang ganap na Dhampir katulad ng kaparehas mong si Richard." sabi ni Count Vlad.

Nagulat si Nicole sa narinig niya habang ako naman ay nabigla sa sinabi ni Count Vlad kay Nicole.

"Sinabi niya po bang kaparehas My Lord? " pagtataka kong tinanong kay Count Vlad.

"Yes! You and Nicole." sabi ni Count Vlad.

"Pero My Lord---" singit ni Lea.

Pinigilan siya ni Count Recxkuz atsaka umiling sakanya.

Hindi na ako sumagot pa, at siya naman pagsimula nila sa orasyon para kay Nicole.

Tumagal ng dalawang oras ang orasyon. At di nagtagal ay isa ng ganap na Dhampir si Nicole.

"Welcome to our clan Nicole! " bigkas ni Count Recxkuz.

"Ngayon, humayo ka na Nicole. At tamasin mo ang bago mong buhay. Pero, binabalaan kita Nicole, dahil one's na mabalitaan kong uminom ka sa dugo ng mga tao. Asahan mong huhuntingin ka ng mga alagad ko. Kung ayaw mong maranasan ang nangyari sa kaibigan mo. Tama ba ako Richard? " sabi ni Count Vlad.

"Yes My Lord! Hinding-hindi ko po malilimutan iyong ginawa ninyo po sa akin noon." sabi ko.

"Good! Now go my child! Kailangan ko pang kumain." sabi ni Count Vlad sa amin.

Lumakad na kami palabas ng kastilo at ngayon kasama na namin si Lea.

"Hmm napansin ko lang, bakit ang tahimik mo Lea? Siguro dahil sa sinabi ni Count Vlad ano? " sabi ko.

Umiling lang siya atsaka tumingin sa kalangitan.

Napangiti ako sa naging reaksyon niya dahil ang totoo ay nababasa ko sa isipan niya na nagseselos siya.

Pagkadating namin sa base, bigla kami sinalubong nila Jireh, Lisha, Danielle at Reign.

"What's the rush? " sabi ko.

Legendary Teens (The continuation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon