CHAPTER 28: MY NAME IS SCOTT

26 1 0
                                    

Angel's High(Private School):

Sa loob ng paaralan ng Angel's High, kung saan may isang estudyante na nag.ngangalang Scott ay masuwerteng nakapasok dahil sa tulong ng Ama niya. Mahirap lamang sila Scott, naghahanap buhay siya sa pamamagitan ng paghingi ng mga bote at plastic sa mga kapitbahay nito. Dahil hiwalay sa asawa ang Ina ni Scott, sumusuporta na lamang ang Ama niya sa pag.aaral nito at kung anu-ano pang kailangan nito sa paaralan.

Naghiwalay ang mga magulang ni Scott dahil nakakita ng mayaman na babae ang Ama niya. Dahil dito nagkatrabaho, nagkanegosyo, at nagkaroon ng sariling bahay ang Ama nito matapos mamatay ang kabit niya. Sa una, ayaw ng Ina ni Scott na humingi ng tulong sa Ama nito. Dahil lumalaki na ito, naisipan niyang kailangang makapag.aral si Scott kahit papaano upang may matutunan siya sa mga bagay-bagay. At ngayon, apat na taon na siya, nasa Kinder pa lamang ito at masayang-masaya siya dahil nakakapag.aral na siya sa isang paaralan.

Sa Angel's High, araw ng biyernes, maagang nakapasok si Scott sa kanilang eskwelahan(school) at umupo kaagad ito sa kanyang upuan(chair). Alas-sais pa lamang nun kaya naman mag.isa lang siya sa loob ng classroom nila. Matiyaga siyang naghintay doon at bawat minutong lumilipas ay unti-unti nang dumating ang mga klasmeyts niya. "Oh Scott ang aga mo ngayon ah." sabi ng isa niyang klasmeyt sakanya. "Walang gawain sa bahay eh kaya pumasok na ako kaagad." sabi ni Scott.

Pagtungtong ng alas siyete, dumating na ang kanilang titser(teacher) at kaagad silang nagsimula sa klase nila. "Teacher, may I go out? Nangangati po kasi mga mata ko eh. " tanong ni Scott sa teacher nito. "Oh sige Scott, you may go." sagot ng teacher niya sakanya. At siya naman paglabas ni Scott upang pumunta sa comfort room.

Tinignan ni Scott ang kanyang mga mata sa harap ng salamin at napansin niyang namumula ito, pero maliit pa lamang iyon. "Magkaka.sore eyes ata ako ah." sabi ni Scott atsaka siya ulit bumalik sa classroom nito.

Pagkalipas ng dalawang oras, alas-nuwebe(9am) na ng umaga, nagpadismissed na ang teacher nila at diretsong umuwi na si Scott sakanila. Pagkarating sa bahay nila, inasikaso kaagad ni Scott ang mga gamit niya at sinagutan ang mga homework nito. "Oh Anak nandiyan ka na pala. Ano yan Anak homework ninyo sa school? " sabi ng Ina ni Scott. "Opo Mama." sagot ni Scott at sabay kusot sa mga mata nito. Nagtaka ang Ina ni Scott kung kaya naman, "Patingin nga ng mga mata Scott, para kasing may napansin ako." sabi nito sakanya. Pinatingin ni Scott ang mga mata nito sa Mama niya at nakita niyang namumula ang mga mata nito. "Naku Anak mukhang may sore-eyes ka ah. Halika ipapatingin natin iyan sa may klinika(clinic)." sabi ng Mama niya sakanya. Tumango nalang si Scott atsaka sila kaagad umalis pagkapalit ng damit ng Mama niya.

Sa may klinika, walang pila roon kaya sila kaagad ang inasikaso ng nurse doon. "Dito po muna tayo Misis at halika rito uhmm.." putol na sinabi ng nurse. "Scott." sabi niya sa nurse. "Ah Scott, halika rito Scott sa may timbangan, kukuhanin ko timbang mo atsaka after dito kukuhanin ko naman height mo." patuloy ng nurse.

Nagtagal ang check-up nila ng sampung minuto at nalaman nilang kakaiba ang mga sore-eyes ni Scott. "Paano ho naging kakaiba ang sore-eyes ng Anak ko doc eh samantalang kaparehas naman niya ang sintomas nang normal na sore-eyes ah." sabi ng Mama ni Scott. "Misis, yung sore-eyes ng Anak ninyo ay sakop buong mata niya. Umabot ang kapulahan nito hanggang sa likod, malapit na sa katarata(cataract something like that) niya." paliwanag ng doctor sa Ina nito.

Umuwing may pagtataka sa mga sinabi ng doctor sakanya, pilit iniisip kung ano ang ibig sabihin ng doctor na may kakaiba kay Scott. "Ma, may problema po ba? " tanong ni Scott. Umiling lang ang Mama niya at sinabing, "Wala ito Scott. Ahm may gusto ka bang ipabili kay Mama, kasi binigyan tayo ni Papa mo ng pang.grocery natin." Ngumiti si Scott at binulong sa Mama niya na, "Gusto ko po kumain doon Mama." sabay turo sa isang restaurant. "Pero Anak mahal diyan eh." sabi ng Mama niya sakanya.

Biglang nag.iba ang reaksyon ng mukha ni Scott, naawa tuloy ang Mama niya sakanya dahil hindi ito napagbigyan sa gusto nito. "Sige na nga Anak, kakain tayo diyan sa gusto mong restaurant." sabi niya kay Scott. "Okay lang po Mama kahit hindi na, naiintindihan ko po kung bakit hindi niyo po ako pinayagan sa gusto ko po." sabi ni Scott. "Binata na ang Anak ko, marunong na siyang mag.isip ng ikabubuti namin." bulong ni Lovely sa sarili nito.

Lumipas ng lumipas ang mga buwan, hanggang sa pagtungtong ni Scott sa ika-limang taon niya ay biglang nagbago ang lahat. "Argh!! Ang sakit, ang sakit ng mata ko. Mama, tulungan mo ako! " sabi ni Scott habang mangiyak.ngiyak ito. "Anong gagawin ko Anak para guminhawa ang mga mata mo. Hindi ko na alam ang gagawin ko." sabi ni Lovely na may halong kalungkutan sa boses nito. Pagkalipas ng kalahating oras, tumahan na si Scott at nakatulog na ito sa kakaiyak.

Napaisip ang Ina ni Scott kung anong gagawin niya. Kinuha ni Lovely ang eyedrops ni Scott at sinubukang patakan siya sa mga mata nito. Binuksan niya ang talukap(eyelids) ng kanang mata ni Scott nang biglang may lumabas na kakaiba sa mata ni Scott. Kulay pula, parang laser, at sobrang liwanag nito. Sa pagkabigla niya, nagising niya si Scott at tumayo ito sa pagkakahiga niya. "Ahh Mama, ano itong lumalabas sa mata ko? " sabi ni Scott. "Hindi ko rin alam Anak pero isarado mo na ang mata mo nang sa ganoon ay hindi tuluyang masira itong bahay natin." sabi ni Lovely.

Sinarado na nga ni Scott ang mata nito at umiyak na naman siyang muli. "Tahan na Anak, alam ko na kung saan at kung sino makakatulong sa atin." sabi niya kay Scott. Binihisan niya si Scott at lumakad na sa pupuntahan nila. Habang naglalakad sila, kinakausap ni Lovely(Ina ni Scott) si Scott tungkol sa isang bagay. "Anak sa pupuntahan natin ay masaya at simula ngayon doon ka na rin titira sakanila." sabi niya. Biglang natigilan si Scott at sinabing, "Ayoko po doon Mama, please dito nalang po ako, gusto ko po kayo nalang kasama ko. Sige na naman po Mama oh." Naawa man siya sa Anak niya, wala siyang magagawa dahil para rin ito sa ikabubuti niya. "Tandaan mo Anak, narito lang ako parati sa puso mo. Hinding-hindi ako mawawala riyan. Kung namimiss mo ako eh di dumalaw ka sa bahay pero papasama ka sakanila ha, huwag kang tatakas o pupuntang mag.isa sa atin. Nakuha mo ba iyon Anak? " sabi ni Lovely. Tumango nalang si Scott at lumakad na silang muli.

Pagkarating nila sa pupuntahan nila, nag.iwan ng mensahe si Lovely sa bulsa ni Scott at kumatok na sa may pintuan. "I love you Anak! Hanggang sa muli." sabi ni Lovely at sabay halik sa noo ni Scott. "I love you too Mama. Bye-bye! " sabi ni Scott na halos mangiyak sa sinabi niya. Umalis na si Lovely at iniwan niya si Scott sa labas ng bahay. Nilibot ni Scott ang tingin niya sa bawat paligid ng bahay, hanggang sa bumukas ang pintuan. "Hello Boy! Sino ikaw at anong kailangan mo? " sabi ng isang lalaki sakanya. "Ako si Scott." sabi niya at sabay abot sa iniwang mensahe ng Mama niya. "Oh, ganoon pala nangyari sa iyo. Ako nga pala si Kuya Lance at di bale masaya rito at madami kang magiging Ate at Kuya rito." sabi nito kay Scott atsaka pinapasok sa loob.

Mukhang dinala siya ng Mama niya sa isang grupo na kilala bilang League of Teens. Ano na kaya mangyayari sakanya nito matapos iwan siya ng Mama niya sakanila.

==============================

Legendary Teens (The continuation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon