CHAPTER 60: TRUE HOME

0 1 0
                                    

Dumating sa buhay nila ngayon si Andrea at biglaan ang din pagdating niya.

Magawa pa kaya nilang ibalik siya sa hinaharap. Kung saan talaga siya tunay na nagmula.

Sa loob ng bahay ng mga magulang ni Richard, doon niya muna panandalian iniwan si Andrea dahil may responsibilidad pa siyang kailangan gampanan.

"Lola, ganun po ba palagi ginagawa ni papa? Parati po siyang wala at busy." tanong ni Andrea.

Tumango ang Lola niya at sinabi na, "Oo apo! Bayani kasi ang papa mo at gayundin ang mga kasama niya. Katulad ng mga tito at tita mo."

"Ahh.. Kaya po pala bihira lang sila nandito sa bahay niyo." sabi ni Andrea.

"Kailangan din niyang lumayo sa amin, apo. Kasi bampira ang papa mo at hindi natin masabi, balang araw ay tamaan siya ng sobrang pagka-uhaw ay bigla niya nalang kami atakihin kung saka-sakali. Kaya ayun, naghanap siya ng matitirahan nila at doon na sila tumira hanggang ngayon." paliwanag niya sakanya.

"Ahm Andrea, gutom ka na ba? Gusto mo bang ipaghanda kita ng makakain mo? " patuloy niya.

"Hmm!! " tango(nod) ni Andrea.

"Anong gusto mo? " tanong ng Lola niya sakanya.

"Pizza! " sabi niya at sabay ngiti.

Napangiti ang Mama ni Richard at sabay tumayo na rin upang makuha ang gusto niya.

Habang naghahanda ang Mama ni Richard ng home-made pizza.

Dumating na sila Richard at ang mga kapatid nito galing sa isang misyon.

Nakita ni Andrea ang pagdating ng Daddy niya at ng tito at tita niya. Siya naman pagtakbo nito at yumakap sakanila.

"Wuii, mukhang namiss niya ang daddy niya." tukso ni Jireh.

Napangiti ako at sinabi na, "Tumigil ka nga."

Lumabas ng kusina si Mama ko at may hawak na pizza sa kaliwang kamay nito.

"Andiyan na pala kayo mga anak. Gusto niyo bang ipaghanda ko rin kayo ng pizza? " tanong ng Mama namin.

"No thanks! " bigkas ko.

"Dalawang slice sa akin, Mama. Medyo kakagutom sa pinuntahan namin po eh." sabi ni Joshua.

"Kayo na po bahala, Ma. Kung ilan sa akin." sabi ni Jireh.

Tumango nalang si Mama at pina-upo na kami kasama si Andrea.

"Hello little niece! " bigkas ni Jireh.

Kumaway si Andrea at ngumiti sakanya.

"So Andrea, ilan taon ka na pala nian? " tanong ni Joshua.

"Four! " sabi niya habang may pagkain pa sa bibig nito.

"Ah ah.. Don't talk when your mouth is full." sabi ko sakanya.

Tinignan ko si Joshua at tinuro.

"Bakit? Nagtatanong lang naman." pagtataka niya.

Naubos na ni Andrea ang nasa bibig niya atsaka siya nag-sorry sa akin.

Lumapit ako sakanya at tinignan ng seryoso.

"Andrea.." sabi ko.

"Ano po yun Daddy? " tanong niya.

"...uuwi ka na sa future. Kung saan ka talaga nararapat." patuloy ko.

Nabigla siya sa sinabi ko at bigla niya ako niyakap ng mahigpit.

"Please daddy!! Dito nalang po ako. Ayoko na po bumalik dun dahil mawawala na kayo ni Mommy." sabi niya habang umiiyak.

Legendary Teens (The continuation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon