Magsisimula na nga ang laban sa pagitan ng League of Teens at ng Death Guild. Inalis na ni Lance ang kanyang curse na ginawa niya sa buong Death Guild at sa pag.alis niyang iyon ay siya naman pagsugod nilang lahat. Unang nakatama ang League of Teens, tinamaan ni Zyrus si Goliath sa mukha nito at dahil dun napatumba siya sa ginawa ni Zyrus. Pero, kaagad itong bumangon at kinuha ang paa ni Zyrus at itinapon ng malayo.
Sa kabilang banda naman, nagpalabas na ng Blizzard si Vince at kasabay nito ang pagpapa.ulan ni Andrei gamit ang ability nito. "Nice work Vince, Andrei. Sigurado akong manghihina na ang mga iyan." sabi ni KC. Pero nagkamali sila sa inakala nila, hindi na sila tinatablan ng ability ni Andrei at patuloy silang umaatake sakanila. "Shit, hindi na maganda ito." sabi ko. "Huwag na kayo mag.aksaya ng lakas ninyo, dahil hindi na sila tatablan ng mga abilities ninyo." sabi ni Ghost at sabay humalakhak ng malakas.
Pagkatumba ko kay Yang, kinuha ko si Lisha at dinala malayo sa laban. "Bakit Richard? Anong kailangan mo? " tanong ni Lisha sa akin. "Gusto kong tanggalin mo na yung eclipse na iyon upang bumalik na sa normal ang mga abilities ng mga pinsan natin." sabi ko sakanya. Tumango nalang ito atsaka nag.concentrate ng malalim sa gagawin niya. Habang ako naman ay bumalik na sa laban at sinuportahan ang aking mga kapatid at mga pinsan ko.
Pagkalipas ng limang minuto, unti-unti ng nagbabago ang itsura ng eclipse, lumalayo na ang buwan mula sa araw. "Hmm mukhang may nagtatangkang mag.alis ng Solar eclipse ah." sabi ni Ghost. Biglang tumilapon si Crimson malapit kay Ghost. "Argh! Hoy Doom, gawan mo ng paraan iyang eclipse mo. Baka mamaya mas lumakas sila kapag nawala ang Solar eclipse na iyan." sabi ni Crimson sakanya. Tinitigan ng masama ni Ghost si Crimson atsaka niya ito sinakal gamit ang anino niya. "Tama bang tratuhin mo akong ganyan ha Crimson? Alalahanin mo, ako ang nagbigay sa'yo niyang bago mong lakas at ako rin ang nagbigay sa'yo ng bago mong buhay. At uulitin ko, huwag na huwag mo akong tatawagin sa tunay kong pangalan kung hindi papaslangin kita. Maliwanag ba Crimson?! " galit na sinabi ni Ghost kay Crimson. Napatango si Crimson at sinabing, "Pasensiya na---kayo pangi---noon. Hindi---na po---mauulit." paputol-putol na sinabi ni Crimson kay Ghost. Binitawan na niya si Crimson at pinagpatuloy ang panunuod niya sa laban na nagaganap.
Habang lumilipas ang bawat minuto, nawawala na sa linya ang buwan at unti-unti ng bumabalik sa dati ang lahat. "Panginoon, nawawala na po ang Solar eclipse na ginawa ninyo po. Baka po---" putol na sinabi ni Quake kay Ghost. "Baka ano? Matalo nila kayo? " singit na sinabi ni Ghost. "Hindi po sa ganoon, baka po kasi kami mahirapan paslangin sila kung nagkataon po mawala na ang eclipse." patuloy ni Quake. Napa.isip si Ghost sa mga sinabi ni Quake, kung kaya naman bigla itong naglaho at iniwan ang mga bago niyang alagad na nakikipaglaban sa League of Teens. "Saan pupunta ang ating Panginoon? " tanong ni Angelica. "Ewan ko pero sa tingin ko ay bumalik siyang muli Underworld." sagot ni Crimson. Biglang humarap si Crimson at umatake muli sa League of Teens.
Habang abala ang lahat sa pakikipaglaban, bigla yumanig ang buong kapaligiran. "Anong nangyayari? " sabi ni Maynard. "Lumilindol mga pinsan, mag.iingat kayo." sabi ko. "Quake, ikaw ba gumagawa nung lindol? " tanong ni Lycan. "Hindi ako ang may kagagawan niyan." sagot ni Quake. Gumuho ang mga istraktura(buildings) sa bawat paligid nang biglang nabiyak ang lupa at umilaw ito ng kulay pula at dila. "Underworld." sabi ko. Napalingon si Lea sa akin at sinabing, "Ano iyon Richard? " Biglang lumitaw ang isang nilalang mula sa lupang iyon at sumarado muli ang butas. "Sino ikaw? " tanong ni Victor sa nilalang na lumabas mula sa butas. "Ako si Doom, ang DarkLord ng Underworld." sabi niya. Natulala kami sa nakita namin, katawang tao na siya at mukhang mas lumakas siya pagkagaling niya sa Underworld. "Anong nangyari sa ninyo Lord Doom? " tanong ni Yang kay Doom. Lumapit si Doom kay Yang atsaka niya ito tinusok sa dibdib nito. Napatumba ni Doom si Yang at sinigaw na, "DarkLord ako at hindi isang Diyos ng liwanag." Pinilit ni Yang na tumayo subalit dulot ng tama niya ay tuluyan na siyang nawalan ng malay. "Anong ginawa mo sa kapatid ko?! Parang ganun lang nagkamali siya sa pagkakasabi ay pinaslang mo na siya." galit na sinabi ni Yin at inatake niya si Doom. Nanlaban si Doom at kinuha nito ang kaluluwa ni Yin. "Ano? May gusto pa ba sa inyo ang matulad sa mga ito? " sigaw ni Doom sa buong Death Guild. Hindi makagalaw sa takot ang mga ito at tinuon nalang nila ang pansin nila sa pakikipaglaban.
BINABASA MO ANG
Legendary Teens (The continuation)
Ficção HistóricaLegendary Teens: Book Two The Continuation of my first book