Nasaksihan na nga ng mga magulang ni Richard ang biglaang pagtaas ni baby Andrea.
Lumaki na naman siya at ngayon aakalain mong kasing edad na siya ng apat na taon gulang na bata.
"Anak, malaki na si Andrea. Hindi normal sakanya na isang buwan palang ang edad niya ay ganyan na siya kalaki. Para na siyang apat o limang taon gulang na." sabi ng Mama ni Richard.
Nagbuntong hininga si Richard at sinabi na, "Oo nga po. Agree ako sa sinabi niyo po. Pero, wala naman po ako magagawa kasi isa siyang hybrid na bata."
Nang biglang sumingit sa usapan si Nicole.
"Ayy oo nga pala daddy. Sabi sa'kin ni Andrea sa isipan ko ay gusto na niyang matuto magsalita." sabi ni Nicole.
Lahat kami ay nabigla sa sinabi niyang iyon. Hindi namin inaasahan gusto na pala matuto ni Andrea magsalita.
"Pero Andrea, hindi ko sigurado kung makakapagsalita ka na. Kasi one month ka palang, baby." puna ko.
Bigla siyang sumimangot at humiga sa balikat ng mommy niya.
"Ayan tuloy. Nagtampo na si baby namin. Ikaw daddy ah. Hmmp!! " sabi ni Nicole atsaka ako pinalo sa braso ko.
"Bakit?! " pagtataka ko.
Natawa bigla si Mama sa mga nangyayari ngayon.
"Oh siya anak. Uuwi na kami nila Papa mo tutal nakita na namin si Andrea." paalam ni Mama sa akin.
"Oh sige po, Mama. Salamat sa pagbisita ninyo at mag-iingat kayo sa pag-uwi ninyo." sabi ko.
Nagpaalam na silang apat sa amin para umuwi na sa bahay. Habang kami naman ay kumaway din ng paalam.
"Bye-bye! " sabi ni Andrea.
Nagulat kami sa ginawa ni baby Andrea.
"Naks, nakakapagsalita na siya ng ganun." sabi ni Joshua.
"Paanong nangyari iyon? Eh ni hindi pa nga namin siya tinuturuan magsalita. At hindi lang iyon, meaning din sa bawat salita." sabi ko.
"Uhm daddy, about dun. May kailangan ka malaman." sabi ni Nicole.
"Ano iyon? " pagtataka ko.
"Nagpaturo siya sa'kin gamit ang ability niya. Well actually, inaral niya mag-isa nung tinapik niya ang daliri niya sa may noo ko. Ngayon-ngayon lang pagka-paalam nila Mama." paliwanag ni Nicole.
"So, yung nabasa ko kanina ay iba pa iyon? " puna ko.
Biglang tumango si Nicole atsaka ibinaba si Andrea.
"Oras na daddy para malaman ni Andrea ang lahat tungkol sa atin. Tungkol sa pagkatao natin at gayundin siya." sabi ni Nicole sa akin.
Napabuntong hininga ako atsaka tumango(nodded).
Tuluyan ng umalis ang mga magulang ko kasama ang dalawa kong kapatid.
Ngayong kami nalang ang naiwan sa may labas ng bahay namin.
Sinimulan na namin turuan si Andrea tungkol sa pagkatao niya.
"Baby, makinig ka sa sasabihin ni mommy sa'yo ha. Para din kasi iyon sa kapakanan mo." sabi ko.
"Opo." sagot ni Andrea.
BINABASA MO ANG
Legendary Teens (The continuation)
Narrativa StoricaLegendary Teens: Book Two The Continuation of my first book