Pagkalipas ng napakatagal na panahon, nagkaroon ng saglitang reunion ang grupo ng Legendary Teens at ng The Legendary Gods na sila Lyan at Aira.
Nag-celebrate sila buong magdamag hanggang silang lahat ay mapagod.
Pagod man sa ginawa nilang handaan, nasulit naman nila dahil masaya silang lahat bago ulit magkahiwalay.
Habang nagmumuni sila Richard at Nicole sa may harapan ng pinto.
Nakabasa ng ibang isipan si Richard bukod kila Nicole at Andrea.
"Mommy, may nababasa akong isipan. Nakatago siya ngayon sa mga puno." sabi ko.
Tinangka ni Nicole na libutin ang tingin niya sa buong paligid subalit pinigilan ko siya.
"Huwag mong babalakin gawin iyan at baka isipin niyang napansin na natin siya." puna ko.
"Anong ginagawa niya ngayon? " tanong ni Nicole sa'kin.
"Nagsusulat sa isang libro." sagot ko.
Pinaliwanag ko na rin sakanya mga pinagsusulat niya at naguguluhan siya kung paano ko nagagawang malaman kung nasaan siya at anong ginagawa niya.
Lalo na nung sinabi ko may sinulat ang taong iyon na, presence undetectable.
"Basta. Halika na nga sa loob. Maya't-maya gisingin mo na si Andrea dahil may gagawin kami." sabi ko at sabay hatak sakanya papasok ng bahay.
"Anong gagawin niyo ni baby? Hindi naman kaya tuturuan mo siyang uminom ng dugo?! Hay sinasabi ko sa'yo daddy, huwag mong..." putol na sinabi ni Nicole dahil hinawakan ko ang bibig niya.
"Puwede mommy tumigil ka nga sa iniisip mo. Secret nga diba, secret." bigla ko singit.
Tinanggal ko na pagkakatakip ko sa bibig niya at siya naman pag-alis niya pumunta sa kuwarto namin sa itaas.
Nababasa ko parin ang isipin ng lalaking iyon at mukhang wala pa siyang balak umalis sa kinatatayuan niya ngayon.
Pagkalipas ng mahigit tatlong oras, pagkagising ko mula sa mahimbing na pagkakatulog ko.
Una ko kaagad binasa ang isipan ng lalaki kanina na nasa labas.
Ngunit, wala na akong masagap na ibang tao sa labas.
"Mukhang umalis na siya. Pero nakakapagtaka parin kung bakit at anong ginagawa niya sa lugar namin? " sabi ko sa sarili ko.
"Daddy! " tawag ni Nicole.
Napalingon ako sakanya at sinabi na, "Bakit mommy? Ano iyon? "
"Nakahanda na si baby sa lakad ninyo mag-ama." puna niya.
Bigla ko naalala may sinabi pala akong gagawin namin ni Andrea.
"Huwag mong sabihin nakalimutan mo na gagawin ninyo? tanong ni Nicole.
Umiling ako at sinabi na, "Hindi. Nabigla lang ako dahil nakagayak na kaagad si Andrea samantalang ako ay hindi pa."
Sinuklay niya si Andrea atsaka inayos ang suot niyang damit.
"Sandali mommy, magpapalit na ako." sabi ko.
Pagkalipas ng limang minuto, nakagayak na rin ako.
"So, saan ba talaga ang lakad ninyo ha? " tanong ni Nicole.
"Sa siyudad. Sa lugar ng mga normal na tao." sabi ko atsaka ngumiti.
Ngumiti ng malaki si Andrea atsaka nagtatalon sa tuwa.
Habang si Nicole ay mukhang hindi sang-ayon sa gusto ko gawin.
"Ready na si Andrea. Nakontrol na niya ang thirst sa human blood at mas paborito pa nga niya mga human food eh." sabi ko.
BINABASA MO ANG
Legendary Teens (The continuation)
Historical FictionLegendary Teens: Book Two The Continuation of my first book