Sinimulan na nga ni Pride ang kanyang unang galaw laban sa League of Teens, subalit darating ang hindi inaasahan na pangyayari. "Halika na at ipakita natin ang bago mong lakas Reaper a.k.a Scott." sabi ni Pride atsaka humalakhak ng malakas. Nang bigla nakaramdam ito ng kakaiba sa buong paligid, "May parating at mukhang sila Zeus ito." sabi ni Pride.
Nang lumitaw sila Zeus, Poseidon, Hades, League of Teens at ang iba pa, mula sa anino ng kaharian ni Pride. Napahinto si Pride sa ginagawa niya at binati ang mga dumating "Zeus, My friend. And ahm Your friends. Welcome to my Kingdom! " bigkas ni Pride kay Zeus.
Bakas sa mukha ni Zeus ang galit niya kay Pride, dahil dito ay binatuhan niya ng kidlat si Pride. Ngunit, nasalo(catch) niya ang sagradong kidlat ni Zeus at sa pagka.alam nito ay hindi maaaring humawak ng ano mang klaseng liwanag sila Pride at Doom dahil ikasasawi nila ito. "Imposible. Paano ka nakaligtas sa sagradong kidlat ko? Dapat patay ka na ngayon dahil isang uri ng liwanag ang kidlat ko." sabi ni Zeus na may halong kaba sa boses nito. "Ohh Zeus, tsk tsk tsk, nakalimutan mo na bang napatay niyo na ako noon pa, doon sa loob ng Prison of Light. Dahil napaslang niyo ako gamit iyon, natutunan kong maging immune sa ano mang klaseng liwanag na mang.gagaling sa inyo noong munting isang anino na lamang ako." sabi ni Pride kay Zeus.
Natahimik si Zeus ng mga sandaling iyon, nang may makakuha pansin sa bago nilang kasamahan. "Ama, tignan mo bago nilang kasama, mukhang may ginawa na naman silang panibagong alagad nila ah." sabi ni Tony sa Ama nito. "Hindi basta-basta ginawa iyan, Anak. Sigurado akong kakilala ng mga bago mong kaibigan iyang katabi ni Pride." sabi ni Zeus. Nagtaka si Tony sa sinasabi ng Ama niya.
Tinignan mabuti ni Tony yung bagong kasama nila Pride, at napansin niyang pamilyar sakanya ang suot niyang salamin. "Lea, nasaan si Scott? " tanong ni Tony sakanya. "Diba hawak nga nila Pride si Scott? Ang bilis mo naman makalimot Tony." sagot ni Lea.
Tinuro ni Tony si Reaper at sinabi nitong, "Tignan mo mabuti yung salamin niya Lea. Kilala mo ba kung kanino iyon? " Tinignan nga mabuti ni Lea yung salamin at nang mapansin niyang pamilyar ito sakanya, kaagad niya itong sinabi kay Richard. "Richard, salamin ni Scott, suot nang lalaking iyon." sabi ni Lea. Nabigla si Lea ng makita niyang galit ang reaksyon ng mukha ko.
Dahil sa sobrang galit ko, sinugod ko si Pride. Ngunit, humarang si Reaper atsaka ako sinapak palayo sakanila. "Richard!! " sabi nilang lahat. Tinayo ako nila Lance at Zyrus. "Mga pinsan, si Scott, si Scott ang lalaking iyon." sabi ko sakanila. Nagulat sila sa sinabi ko at natahimik ng mga sandaling iyon dahil sa pagkagulat nila. "Totoo ba iyon Richard? " tanong ni Lisha sa akin. "Mukha ba akong nagsisinungaling ngayon? " sabi ko sakanya na may halong galit sa boses ko. "Wooh, chill lang Richard. Nagtatanong lang naman si Lisha eh." sabi ni Tony. Kaagad akong humingi ng paumanhin(Sorry/Apologize) kay Lisha. "Sorry Lisha! Medyo nadala lang ako sa sobrang galit ko sakanila, at hinding-hindi ko sila mapapatawad sa ginawa nila kay Scott." sabi ko.
Nagtaka sila sa sinabi ko, at hindi makuha-kuha kung ano ang ibig kong sabihin. Kaya naman sinabi ko sakanila ang nababasa ko sa isipan nila. Laking gulat nila ng malaman na si Scott yung lalaking iyon na kasama nila Pride at Doom ngayon.
Biglang pumorma si Pride na parang may kukunin sa sahig nang biglang nagdilim ang buong paligid at lahat kami ay nilamon ng kadiliman na ginawa ni Pride. "Reign? Reign! " sigaw ni Renielle. Nilibot niya ang tingin niya sa buong paligid at wala parin pagbabago. "Shit, ibang dimension na ata ito ah." patuloy ni Renielle.
Sa kabilang banda naman, lahat ng League of Teens ay naghahanap rin sa mga kagrupo nila. "Hmm, mukhang may naligaw ah." sabi ni Magma at sabay kain ng yelo(ice). "Ugh! Si Magma? Lagot ako nito, ano kaya gagawin ko." sabi ni Vince.
Lahat sila ay nakatagpo ng kani-kanilang kalaban at halos nabigla sila sa mga nangyayari sakanila ngayon. "Hmm you must be Kevin Carl? Right? " sabi ni Slow. "Just KC will be good." sabi niya. "Interesting guy! " sabi ni Slow at sabay ngisi(grin) ng ngiti.
Sa dimension kung saan napunta sila Richard, nakatapat niya si Reaper. At sa hindi niya inaasahan si Scott na siyang inalagaan nila ay makakaharap niya. "Ano ba naman yan, sa dinami-dami ng makakaharap ko. Bakit ikaw pa Scott ang lumitaw sa akin." sabi ko. "Hindi ko alam ang mga pinagsasabi mo pero iisa lang ang alam ko, patay na si Scott." sabi ni Reaper.
Dahil sa sinabi niyang iyon, nawala ang focus ko at hindi ko nadepensahan ang atake ginawa niya sa akin. "Ugh! Argh! Sandali lang Scott! " sabi ko habang pinupunasan ko ang dugo sa bibig ko. Pero, patuloy pa rin siya sa pag.atake niya sa akin. "Shit! Hindi na maganda ito. Wala na talaga sa sarili si Scott ngayon." bulong ko sa sarili ko habang iniiwasan ko ang mga atake ni Scott.
Huminto panandalian si Scott at tinitigan ako ng masama. "Pagmasdan mo mabuti ang bago kong abilidad, dahil ito ang tatapos sa iyo Richard." sabi niya sa akin. Habang ako ay nakatayo lang rin at hindi umimik sa sinabi niya.
Biglang nag.cast siya ng isang ability sa kanang kamay niya at may lumabas na isang staff na may blade sa dulo nito. "Behold Richard, ito ang sekretong ability na pinagkaloob sa akin ni DarkLord Pride. Matakot ka sa aking Scythe! " sabi ni Scott at sabay ngumisi ng ngiti sa akin.
Ewan ko kung ano na nangyari sa Scott na kilala namin pero ngayon sa tingin ko ay kailangan ko ng tapusin ito. Sorry Scott pero ito ang makakabuti sa'yo. Paalam Scott, hanggang sa muli.
==============================
BINABASA MO ANG
Legendary Teens (The continuation)
Historical FictionLegendary Teens: Book Two The Continuation of my first book