Nagkaharap na nga sila Richard at Scott. At kailangan niya pang gawin ang nararapat upang maibalik niya sa dati si Scott.
"Sorry Scott, kailangan kong gawin ito sa iyo." bulong ko sa sarili ko. Nakatitig lang sakanya si Scott habang hawak ang scythe nito. "Hulaan ko iniisip mo. Binabalak mo akong kagatin upang mapaalala mo sa akin ang lahat. Tama ba ako? " sabi ni Scott sa akin.
Natulala ako sa sinabi niya sa akin, hindi ko akalain mahuhulaan niya ang gagawin ko sakanya. "Paano mo nagawa iyon? " naguguluhan kong tanong kay Scott. "Heh, sabi na at itatanong mo sakin iyan eh. Well, tignan mo nalang iyang nasa likuran mo." sagot niya sa akin.
Lumingon ako sa likuran ko at napansin kong may marka na ito na kanina lang ay wala. "Devil sign? Huwag mong sabihin ikaw ang may kagagawan nito Scott." sabi ko. Biglang nag.iba ang reaksyon ng itsura niya. Mukhang nagalit siya ng tawagin ko siyang Scott. "Hindi ako si Scott !!! " galit na sinigaw ni Reaper.
Biglang umilaw yung sign sa likuran ko at sumugod siya sa akin. "Shit! Hindi ako makagalaw." bulong ko sa sarili ko. "Hahahaha Ano ngayon Richard? Hindi ka makagalaw sa kinatatayuan mo ngayon ano." sabi ni Reaper.
Wala talaga, kahit na anong gawin kong pagkilos ay hindi ko magawa. Dahil sa markang ito, hindi ko magalaw ang sarili kong katawan, at dahil din sa markang ito, kaya niyang mabasa ang mga binabalak kong gawin. Iyon ang nakikita ko sa mga nangyayari ngayon.
"Ahhhh!! Katapusan mo na Richard!! " galit na sinabi ni Reaper sa akin. Habang papalapit na siya sa akin. Ito na ba ang katapusan ko, sabi ko sa isipan ko.
Pagkalapit ni Reaper sa akin, walang alinlangan niya akong hiniwa mula sa balikat ko hanggang sa kanang tagiliran ko.
Dahil dito, nagsuka ako ng dugo atsaka ako bumagsak sa sahig. "Bwahahaha Sinabi ko naman sa'yo Richard na tatapusin na kita eh. Awww dugo ba iyang nakikita ko? Pagka.alam ko wala ka ng dugo, diba?! Bwahahaha." sabi ni Reaper sa akin.
Nanlalabo na ang tingin ko at unti-unti na itong dumidilim. "Guah *cough *cough....S-c-ott." pilit kong sinabi subalit dahil sa natamo ko, hindi na ito gaanong kalakasan.
Tumalikod na si Reaper sa akin atsaka sinabing, "Paalam Richard! " Sa pagkakataong iyon, naramdaman ko na naman ang pinagdaanan ko noon.
Hindi na kayang i.regenerate ng katawan ko ang ganitong klaseng pinsala. Posible pa kung galos lang at saksak galing sa scythe. Pero hindi, talagang hiwa ang katawan ko.
Nagsuka na naman ako ng dugo atsaka na pumikit. Hindi ko na kaya pang buksan ang mga mata ko.
Ano itong nararamdaman ko ngayon, ito na ba talaga ang tunay kong katapusan. Alam ko tatlong beses na akong nakaligtas sa kamatayan pero ngayon sa tingin ko ito na talaga para sa akin. Paalam sa inyong lahat. Hanggang sa muli....
Sa lugar nila Lea, bigla siyang nakaramdam ng pananakit sa kanyang puso. Para bang may tumutusok rito. "Ahhh ang sakit. Ano itong nangyayari sa akin? " sabi ni Lea habang nakahawak ang kamay niya sa damit niya na katapat ng puso niya.
At kalauna'y napaluhod nalang siya bigla. "Awww, Anong nangyari sa'yo Miss? May masakit ba sa iyo? Hehehe " sabi ni Quake habang nakangisi ng ngiti.
"Hindi, hindi maaari, hindi ito totoo." sabi ni Lea na parang may lungkot sa boses nito. "Huh? Anong pinagsasabi mo? " naguguluhang tanong ni Quake sakanya.
"Hindi ! Hindi maaari ! Richard !!!! " sigaw ni Lea habang umiiyak ito. "Tch, nababaliw ka na ata Miss. Pasensiya na pero kailangan na kitang tapusin rito. Paalam! " sabi ni Quake atsaka sumugod kay Lea.
Nang biglang may lumabas kay Lea at biglang nagilitan sa leeg si Quake. "Ugh! *cough ackkk ackkk." sabi ni Quake at biglang natumba ito.
Gayundin ang iba, nakaramdam ng kakaiba sa mga suot nilang suit. "Parang may nangyaring hindi maganda." sabi ni Vince. "Ano kaya ito? " sabi ni Joey sa sarili niya.
Sa kabilang parte naman, "Kuya? " sabi ni Joshua at Jireh. Pati ang mga Gods ay naramdaman ang disturbance na ito. "Totoo ba ito Ama o isa lamang itong ilusyon? " tanong ni Tony. "Pasensiya na Anak pero sa tingin ko wala tayo sa isang ilusyon ngayon. At kailangan na tayo mismo ng kaibigan mo ngayon. Kung hindi mahuhuli na ang lahat para sakanya." sagot ni Zeus kay Tony.
"Lyan, naramdaman mo ba iyon? " tanong ni Leon sa kapatid nito. Tumango lang siya at sinabing, "Bilisan na natin rito, upang maabutan pa natin siyang buhay."
Sa parte kung saan sila Ron at Aira, "Ron! " sabi ni Aira. "Oo, naramdaman ko. Halika na, tapusin na natin ito." sabi ni Ron.
Lahat ng mga Gods ay tinapos na nila kaagad ang mga kaharap nila sa isang iglap lang. At dali-dali pumunta kung nasaan si Richard.
Pagkarating nila sa lugar niya, kaagad nila ito binigyan ng regeneration pills atsaka pinagdikit ang nahiwang katawan nito. "Sigurado ba kayo sa ginagawa natin? " sabi ni Lyan. "Sa tingin ko lang, pero wala ng iba pang puwedeng gawin bukod rito." sabi ni Tony.
Makakabalik pa kaya muli si Richard pagkatapos niyang lagpasan ang pangyayaring ito.
===========================
BINABASA MO ANG
Legendary Teens (The continuation)
Historical FictionLegendary Teens: Book Two The Continuation of my first book