☀️Bakitlist-1☀️

9 5 0
                                    





---------

Bakitlist 1|
-Even in the darkest night there is a light-



☀️Traquil's PoV


Nakatingin ako sa malayong parte ng kwarto kung saan tanaw ang langit sa labas ng biglang iniluwal ng pintuan ng aking silid ang tiyahin ko.

“Musta na Raqui, short hair ka na ahhhh? Saan ka naman nagpagupit dito sa ospital?” Malakas ang boses ni tita Martha nang puntiryahin niya ng tanong kung paano ako nakapagpagupit.

Walang buhay ko lang siyang binalingan. “Dito lang! Inutusan ko si Clarissa na magtawag ng magaling na hair stylist. Trip ko kasing magpagupit e! Ang haba haba nang buhok ko, tamad naman ako magsuklay.” Sagot ko sa aking tita.

Inirapan niya lang ako. “Sabagay, kaysa naman kumulot yang buhok mo dahil sa sobrang stress buti nalang at pinagupit mo na.” Ako naman ang napairap. Hindi naman na ako ganung kastress, agh! Ang duh! Move on na ako no! Ayaw ko na ngang malosyang kakaiyak!

“Bakit ba bumisita ka pa tita e okay lang naman ako dito?” Tanong ko sa kanya. Umupo siya sa tabi ko at doon siya kumain ng yogurt.

“Wala gusto ko lang makita ang pinakamaganda kong pamangkin!” Lakas din mangbola ng tita ko e. Kumunot ang noo ko at saka siya sinamaan ng tingin.

“Di nga? Bakit ka nga nandito?” Kumuha siya ng kaunting yogurt at saka sinubo muli bago ako balingan at saka sagutin. Parang hindi niya pa narinig ang mga sinabi ko.

“Kinukuha ng mga kapatid nang tatay mo ang mga minana mong ari-arian sa mga magulang mo,” Saad niya sa parang walang kapaki-pakialam na tono ng pananalita. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

“What? How? Bakit daw?” Sabi ko kay tita Martha ng gulat at may halong pagkatakot. Hindi lang yun isang maliit na bagay, ito ang mga bagay na nagdadala ng alaala ng mga nawala ko ng mga mahal sa buhay. Hindi ito maaari, I said it on my mind.

Ang mga iniwan nalang ni Mom  at Dad  ang nasaakin... ang alaala nila saakin. Kaya hindi ako papayag na kunin yun nang mga kamag anak namin nang ganun ganun nalang. “Paano nga pala ang mga Business nila mom and dad tita?” tanong ko, tila hindi na maintindihan kung ano ang tumatakbo sa utak. “May nagmamanage ba ng mga yun?" Tanong ko. Nagpapanik na ako dahil sa nalaman.

“Oo siyempre naman! ano ka ba?” sinamaan niya pa ako ng tingin at kumain muli ng yogurt bugo ako sagutin habang nanglilisik ang mga mata. “Kapag di yun gumana wala ka nang pambayad sa ospital na ito noh!” Sabi niya sabay irap. Parang di pa siya makapaniwala na hindi ko manlang naisip ang bagay nayun.

Kunot ang noo ko ng magtanong ulit ako sa kanya. “E sino naman?” Pinanlakihan niya lang ako ng mata at saka siya inis na tumayo mula sa pagkakaupo sa upuan sa gilid ko.

Ngunit bago niya ako sagutin at pagalitan ay inubus niya muna ang yogurt na nasa kanyang kutsara, parang mas mahala pa yun sa mga nangyayari. Tsk! “Hindi mo ba natatandaan? Ako ang pinagmanage mo ng Business nila ate! Kaya nga legal ang pagkakaluklok saakin ngayon bilang tagapagbantay ng Business niyo hanggang sa makaya mo na itong hawakan eh!” Hindi ko alam kung napapano na siya ngayon. Nakahawak sa noo at parang sobra sobrang na stress sa mga tanong ko. “Hindi mo na ba naaalala?” Inis niyang tanong saakin. Napamaang ako saglit at tila humito ang paggalaw ng lahat sa paligid ko. Nag iisip ako kung may ganoon nga talaga akong sinabi o pinagawa sa kanya. Ayyy weh? Meganon ba? Di ko na maalala yun ah? Akala ko talaga wala akong pinagsabihan na mag manage nang Business nila mom.

After all, okay lang naman talaga saakin na siya muna ang magmanage e. Siya kasi ang pinaka pinagkakatiwalaan ko sa lahat.

At siya ang pinakamalapit saakin.

Her Bakitlist: An Inspiration-shit Series First NovelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon