🔅Bakitlist-5🔅

5 4 0
                                    

------------
Bakitlist-5:
Home


Traquil's PoV

Ewan ko dito sa daang tinatahak namin pero sobrang pamilyar talaga. Saan kaya ako dadalahin ni tita at kanina pa kaming nasa byahe.

"Tita saan ba talaga tayo pupunta?" Nagtataka kong tanong sa aking tita na hanggang ngayon ay nagmamaneho parin. May naaamoy talaga akong something na hindi magandang nangyayari e.

Sinasabi ng pakiramdam ko na may mali. Pero, ano naman yun?

Suminghap lang siya at saka tiningnan ako ng tamad na paraan. "Basta manahimik ka nalang diyan at wag maraming tanong." Sagot niya saakin habang naghihikap at saka ibinalik sa daan ang tingin at  deretso sa kalsada.

Kanina pa kaming umaga naglalakbay.

Ilang mall, kabahayanan, bayan, sakahan, at border na nang mga probinsya ang nadaanan namin at hanggang ngayon ay nasa byahe parin kami.

Saan na ba ako dadalhin nang tita ko?

Inirapan ko nalang siya at saka kumuha ng chitchiryang binili namin sa alfa bago kami lumayas.

Kinuha ko ang patata at saka binuksan ito.

Naamoy ko agad ang masarap nitong laman.

Shit!

Ang tagal ko nang di nakakakain ng chitchirya!

Ngunit nagulat ako ng biglang sumigaw si tita kaya naman binalingan ko siya. At nagtatakang tiningan siya. "Bakit?" Taka kong tanong.

Nagbuntong lang siya ng hininga. "Anong bakit! Sinong may sabi sayong pwede ka kumain ng chitchirya! Ha!" Nanlaki ang mata ko dahil sa sigaw niya.

Grabe ang sama naman niya.

Paano niya naaatim na ayaw akong pakainin ng gusto ko.

Sinimangutan ko lang siya at saka ibinaba ang chitcherya sa tabi niya. Nakaka-inis. Kahit manlang sa labas sana ng ospital ay makakain na ako ng pagkain na nais ko di yung hanggang dito sa labas ay sobra sobra yung restrictions ko sa mga pinagkakakain ko. I mean... sana kahit itong patata man lang na namiss ko nang kainin ng ilang buwan ay makain ko kahit konti lang. Pero hindi e. Bawal parin.

Nakakalungkot naman, nasayang lang ang perang pinangbili ko nun sa alfa mart. Pero di bale, at least nakatulong naman ako mga mga nagtatrabaho doon. But... hell, kanino ko naman ibibigay tong mga naiwang mga chitcherya.

Kinuha ko nakang yung ready to eat cereals sa plastic bag at saka yun ang kinain ko.

Ang sama talaga niya sakin.

Ilang pung minuto rin kami naglakbay bago huminto sa isang pamilyar na kanto si tita.

Nabitawan ko ang plastic na lalagyan nang cereal na kinakain ko.

Imposible.

Paano kami napunta dito.

I said I don't want to go home so what is this means?Bakit nandito kami?

Hindi ko mapaniwalaang tiningnan ang tita ko sa tabi ko na tiningnan lang ako gamit ang malamig niyang paningin. "Why?" Nangingiyak kong tanong sa kanya.

Inilingan niya lang ako at hindi sumagot. "Bakit mo ko inuwi tita! I dont want to go home! Ayaw ko pa! Please tita lets go back to the hospital!" Nagpapanik kong saad sa kanya.

"No Raqui, you need to face your fear or else... mga pamana nang mga magulang mo ang mawawala sayo!" Si tita. Ikinabigla ko nanaman ang kanyang tinuran. At nagulat din ako sa biglang pagtaas ng boses niya.

Her Bakitlist: An Inspiration-shit Series First NovelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon