🔅Bakitlist-3🔅

6 5 0
                                    


------------
Bakitlist-3:
Pupuntahan?


Traquil's PoV

Sipain ko mga mukha ng mga to. Pagkatapos kaming kalimutan ng mga ilang taon ay gusto pang humuthot sa mga pamana saakin nila mom and dad.

Kala naman nila bibigyan ko sila ni katiting. Dati wala silang paki samin. Tas ngayon pupunta punta sila dito para sa naiwang kayamanan ni Dad at mama. Hay nako mga hayop talaga tong mga kamaganak ko kay Dad, parang ampon nga lang ata si Dad dahil hindi nila katulad ni dad dahil puro mga canser sila sa lipunan... mga adik sa sugal, at adik sa mga ipinagbabawal na gamot. Kaya naman wala silang naiipon e, kasi lahat sila lulong sa bisyo.

Pupunta sila dito at tatakutin akong kaya nilang kunin ang lahat ng pamana saakin, akala ba nila tanga ako? Alam ko na may nakasaad sa batas na ako at ako lang ang magmamana ng nga kayamanang naiwan nila Mom and dad. Kaya naman wala silang mahihita sakin at hindi nila ako matatakot.

Bakit ba sila bumalik?

Bakit ba sila mukhang pera?

Bakit mga lulong sila sa mga ipinagbabawal na gawain? At bakit hindi nalang sila naging mabait tulad ni dad?

Talaga bang ang mga ipinagbabawal nalang ang laging ginagawa ng mga tao.

Hays... kaya naman pala ganun nalang ang pagbibigay ng pagsubok satin ni God. Para matuto tayo. Pero ewan ko nalang sa kanila. Dahil ako. Pagkatapos ng mga nangyari saakin. Hindi ko na uulitin ang mga pagkakamali ko dati. Lalo na ang pagtitiwala sa mga taong nakakasalamuha ko. Dahil hindi lahat ng mga tao ay mapagkakatiwalaan.

Nakatingin nanaman ako sa screen ng laptop ko. Binabasa ang mga nakakasakit na mga salita ng mga nagrereply sa tweet ko.

Haysss wala na akong pake-alam.

Magpopost nalang ako ulit.

Bakit bumabalik ang mga taong mula sa nakaraan?

Ngunit di tulad ng kanina sa mga una kong post ay kakaunti nalang ang mga nagreply. Sabi ko na nga ba mapapagod din mga to e.

Nakita ko nanaman ang koment ng lalaking fan ko daw.

Pangatlo na siya sa mga nagrereply.

Reply to your tweet
...more reply

- Para siguro ibalik ang mga ala ala nang nakaraan, pero may iba ring bumabalik lang pa paulit ulitin kang saktan-Ravenrohavidson

Oiii galing niya dun ahhhh!

Tamang tama ang sagot niya.

Tama siya sa part na yun. Na bumabalik lang ang mga tao mula sa nakaraan para paulitulitin kang gawing tanga at saktan.

Naalala ko nung bata pa ako.

Hindi pa ganoong kalaki ang Business nila Mom and dad. Bumisita kami sa mansyon ng mga Lorenzo, nung una napakaopen pa sila. May pa hug and kisses pa sila.

Yun pala pakitang tao lang sila dahil madaming mga bisita ng mga oras nayun.

Pagkatapos ng party doon ko palang nakita ang totoong sila.

12 years old palang ako noon...

At talagang hindi ko makakalimutan ang mga pinagsasabi nila saaming pamilya.

Sabi ni tita Georgia mga patay gutom daw kami. Bakit daw kami pumunta doon. At ginamit daw namin ang sitwasyon na madaming tao para hindi kami pagbawalang pumasok sa mansyon nila.

Her Bakitlist: An Inspiration-shit Series First NovelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon