Unedited
------------
Bakitlist-11:
That guyTraquil's PoV
Mga nakahilera na sa harapan ko ang halos dalawang pung mga dati naming tauhan dito sa bahay na magbabalik loob na sa amin. Charrr! Balik loob e no lakas maka Encantadia. Whahahahahaha!
Pero promise babalik na sila.
Kaya nga nandito na ulit sila diba.
Ung iba sa kanila mukhang excited na sa pagbalik nila sa trabaho sa bahay namin.
Yung iba naman mukhang nagagalak na makita ako at yung iba naman ay tulad ko ay nakikinig din sa mga sinasabi ni tita patungkol sa pagtatrabaho nila.
Kung saan sila mag iistay at kung saan sila maaasign.
Lahat nang bumabaling saakin at nginingitian ako ay nginingitian ko din pabalik.
Benteng mga kasambahay ngunit parang kulang parin sila sa aking paningin.
May kulang talaga e.
Wait lang di ko maalala.
Baka nagka amnesia narin ako sa nangyari saakin kaya naman di ko na maalala pati ang mga tauhan namin dati dito sa bahay.
Palinga linga ako hanggang sa bigla nalang may kumalabit saakin.
Si tita pala.
Taas kilay ko siyang binalingan.
"Bakit?" Tanong ko. Di ko kasi gets kung bakit ganoon nalang ang kyuryusidad sa mukha niya.
Na conscious narin tuloy ako sa pinaggagagawa niya.
"Wala, tahimik mo kasi... Kanina ka pa parang may hinahanap diyan" Walang emosyong sagot niya.
Mhhh... Di naman, may naalala lang.
"Ano ba yun? May bumabagabag ba sayo Raqui?" Tiningnan ko siya panandalian ngunit inilingan ko narin siya nang mahiya ang dila kong magtanong about sa feelings ko na may kulang sa mga nandito sa harapan namin.
Tsk!
May gut feelings talaga ako e!
Di ko kang maget kung ano at kung bakit ako nagkakaganito.
Para kasing ina anticipate nang katawan at puso ko na may makikita pa akong iba.
Isang tao.
Kumunot na ang noo ko sa pag iisip kung ano bang itsura nang taong inaanticipate ko.
Maari bang maexcite nang ganito ang puso at katawan ko sa isang taong di ko naman na maalala.
Tsk!
Baliw na nga ata ako at kung ano ano nang nangyayari sa katawan ko. Kung ano ano naring naiisip ko.
At kung ano ano naring hinahanap ko.
Nang nagsipag alisan na sa harapan namin ni tita ang mga tao ay saka niya palamang ako kinausap muli.
Sinabi niya lang na nag aalala siya sa weird na ikinilos ko nang nagsasalita siya.
Para daw akong lutang kanina na nakatulala.
Syempre sinabi ko nalang na napagod ako kanina kaya ako naging lutang.
Kaya naman inutusan niya akong magtungo nalang sa kwarto ko at magpahinga nalang hanggang mamaya. Tatawagin nalang daw niya ako pag kakain na.
Ginawa ko ang sinabi niya.
Nagtungo ako sa kwarto at saka nahiga sa kama pagkatapos.
Napagot talaga ako.
BINABASA MO ANG
Her Bakitlist: An Inspiration-shit Series First Novel
Spiritual(Partially Edited) A girl with her Bakitlist. 1st @ Bakitlist on Sep. 22, 2021 ----- Finished Sep. 22, 2021 By: Authorwhocannotwrite