Special Chapter 3: Enlightenment 🔅

3 1 0
                                    

SC 3: Enlightenment 🔅

Raqui's PoV

I'm still in my state of shock ng malaman ko ang nangyari.

Is... that really happened?

I don't know.

I can't imagine.

I can't believe.

Sabi saakin ni Trina muntik na daw siyang marape ng tcher niya, buti nalang daw at nakita siya ng pinsan niyang si Raven at natulungan.

Nung una hindi ko maintindihan yung sinasabi nila. Pero kalaunan ay ipinaliwanag na saakin ng dalawa ang nangyari. Sa totoo nga ay mas na shock pa ako sa kanilang dalawa sa nangyari. Parang naranasan ko din kasi yung nangyari sa kanya bigla.

Nagtaasan ang mga balahibo ko ng malaman ang nangyari sa kaibigang babae.

Nalaman ko din ang nangyari sa kamay ni Raven. Well, kung ako din naman siya sobra sobra din ang aking marereact sa nangyari sa kanya.

Sa sobra daw kasing galit ng pinsan niya nang makita ang kahalayan ay sinuntok nito ng walang tigil ang guro hanggang sa mawalan ito ng malay.

Pati daw ang mga silya at nga lamesa sa room kung saan muntik ng magahasa si Trina ay sinuntok niya. At ang iba pang mga galos na nakita ko sa kamay ni Raven ay galing na sa mga binasag niyang mga kasangkapan dito sa bahay. Akala niya kasi ay wala na ako dito. Nawala ako sa isip niya ng makita niya ang pinsan niya sa ganung kalunos lunos na pangyayari.

Nakatulala lang ako habang nakatingin sa may dingding nitong hallway ng police station na pinuntahan namin kung saan nakaditine ang guro na gumawa nun kay Trina. Narito narin sa station ang mga kamag-anak nila Trina na nag-aalala sa nangyari sa nagiisa nilang anak.

Shit!

Ewan ko nalang talaga kung anong mangyayari sa kanya.

Mga lalaki pa man din ang mga pinsan ni Trina. Tsk! Ano ba kasing nasa utak ng teacher nayun. Teacher pa man din siya tas gagawan niya ng kahalayan ang estudyante niya. Sana mabulok siya sa kulungan. Sana hindi na siya makalaya.

Napabuntong hininga ako.

"Hay... grabe na talaga, kakauwi ko lang kani-kanina tas nasa ganitong sitwasyon na ako ngayon. Ano bang ginawa ko to deserve this kind of life?

Ewan ko ba. Para bang may napakalaki akong kasalanan nung nakaraang buhay ko kaya kung ano anong problema na ang nangyayari sa buhay ko ngayon.

Napasapo ako sa aking noo. "Hay nako Raqui, napaka-malas mo talaga sa pinas, daig mo pa ang may balat sa pwet!" Saka ko kinatukan ang sarili kong ulo ng tatlong beses.

Nakakainis!

Feeling ko talaga ako lang ang nagbibigay ng malas sa kanilang dalawa.

Feeling ko kasalanan ko ang mga nangyari dahil malas ako at lahat ng mga napapalapit saakin ay napapasama at may nangyayaring hindi maganda.

Naka-ilang beses ko ng tiningnan ang dako kung nasaan ang lugar kung nasaan sila ngayon. Hindi naman kasi ako pamilya kaya iniwan ko muna sila doon para makapag usap sila at napagdesisyunan ang mga bagay na gagawin nila para sa hustisyang kailangan ni Trina.

Nagulat ako ng biglang may tumabi saakin.

Napabaling ako sa taas at nakita ko ang mukha niya.

Hays.

May benda na ang sugat niya sa kamay at ayos na din ang itsura niya. Hindi na siya mukhang lasing na pala away tulad ng nakita ko sa unit niya kanina.

Her Bakitlist: An Inspiration-shit Series First NovelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon