SC 2: Champagne 🍾
Raqui's PoV
Nagising nalang ako sa isang malambot na kama pag-kamulat ng mga mata ko.
Hindi na masakit ang ulo ko ngunit may nakalagay paring bimpo sa aking noo.
Aish! Sinong naglagay nito, mukha ba akong bata? Tsk!
Nagpaikot-ikot sa buong paligid ang mga mata ko.
Nasaan na nga ba ako?
Ang alam ko nasa sofa lang ako ng condo ni Raven nang bigla akong tamaan ng antok ng dahil sa sakit ng ulo ko.
Tsk! Baka nasa isa ako sa mga vacant room dito sa condo niya.
Maya maya lang ay bumukas ang pinto ng kwarto at iniluwal nito ang kaibigang babae.
Ngumiti ako sa kanya at nginitian naman niya ako pabalik.
Umupo ako mula sa pagkakahiga at nakaramdam ng kaunting hilo dahilan para mapapikit ako ng saglit at mapahawak sa parte ng ulo na kumirot nalang bigla.
Nagaalala naman akong dinaluhan ng kaibigan.
"Ayos ka lang ba Raqui?" Binalingan ko siya at saka umiling.
"Ano ka ba naman sis' okay lang talaga ako, ako pa! Si Raqui to noh!" Ngumiti ako ng malapad para ipakita na okay lang ako sa kanya. Hindi naman siguro malala ang kalagayan ki dahil normal na lagnat lang naman iyon dahil sa pagod at pag-iiba ng klima.
Tiningnan niya pa ako ng matagal para tingnan kung nagsasabi ba ako ng totoo o kung niloloko ko lang siya. Nginitian ko lang siya ng mas malapad at saka siya napabuntong ng kanyang hininga.
Ngumiti siya at saka hinawakan ako sa noo.
"Okay ka lang talaga ha?" At saka niya ako pinasadahan ng tingin sa kabuoan ko. "Hindi naman na mainit ang noo mo, mukhang okay naman na talaga... sabihin mo lang kapag kumirot nanaman ang ulo mo ha, bibigyan kita ng gamot." Tumango ako at saka binaling ang tingin sa pinto.
Wala ba siya dito?
"Nasan nga pala si Raven?" Tanong ko.
"Nasa school may finafinalized lang siya, bakit? Miss mo na ba agad?" Inirapan ko siya at saka ko tinanggal sa katawan ko ang nakabalot na kumot.
"Saan ka pupunta?" Tanong niya ng tumayo ako mula sa kama.
Umiling ako at saka nag-unat unat.
"Wag kang mag-alala sakin okay na talaga ako, punta lang ako sa kusina nauuhaw ako e, di mo manlang kasi ako dinalhan ng tubig." Saka ko siya iniwan sa kanyang kinaroroonan na katabi ng kama na hinihigaan ko kanina. "Parehas kayo ng pinsan mo, parehas kayong walang alam sa pag-aalaga ng taong may sakit." Saka ako tumawa. Narinig ko pa ang malakas na buntong hininga ng kaibigan at saka ang mga bulong niya.
"E sa hindi naman kami dapuin ng sakit e!" Sigaw niya bago sumunod saakin sa kusina.
Studio type naman itong condo niya. Yun nga lang may dalawang kwarto na magkaharap at sa dulo nito ay ang cr. Sabi saakin ni Trina may cr din daw sa kwarto ni Raven. At tabi naman ng sala ay naroon ang medyo malaking kusina kung saan ako pupunta para kumuha ng inuming tubig.
"Ikaw ba saan ka mag-aaral?" Biglaang tanong ng kaibigan. Napahinto ako sa paglalakad ng marinig iyon.
"Sa probinsya parin siguro." Saka ako nagkibit ng balikat. "Why mo natanong?" Tanong ko naman ngayon sa kanya.
Umiling lang siya at saka umupo sa high chair na nakalagay sa harap ng mataas na counter kung nasaan ang mga prutas. Kumuha siya ng mansanan at saka kinagatan ito.
BINABASA MO ANG
Her Bakitlist: An Inspiration-shit Series First Novel
Spiritual(Partially Edited) A girl with her Bakitlist. 1st @ Bakitlist on Sep. 22, 2021 ----- Finished Sep. 22, 2021 By: Authorwhocannotwrite