🔅Bakitlist-19🔅

2 1 0
                                    


Unedited
------------
Bakitlist-19:
Her New Friends

Traquil's PoV


Siya... siya pala ang may kasalanan nang lahat.

Ngayon ko lang naalala ang dahilan nang pag alis namin patungon Tagaytay.

Siya pala ang dahilan.

Dahilan nang sobra sobrang lungkot ko sa mga nagdaang taon at maging ngayon.

Siya para ang tunay na dahilan.

Sinisi ko ang sarili ko, dahil akala ko ay pinilit ko lang talaga sila Mom and dad na magbakasyon kahit wala naman okasyon. Yun pala may ikinukubli ang memorya kong ilang mga piraso nang mga nangyari bago yin na ngayon ko lang naalala.

Hayop siya!

Siya pala ang dahilan!

Siya pala ang dapat kong sisihin sa lahat nang ito!

Siya dapat ang nasa kalagaya ko!

Siya dapat ang naghihirap at hindi ako!

Ang sama sama niya!

All this time akala ko ako ang dahilan nang lahat nang nangyari!

Yun pala ay siya! Sila nang hayop na babaeng mukhang hito nayun ang nangloko saakin.

"Raqui? Raqui okay ka lang ba anak? Tita Martha mo to Raqui, jusko magsalita ka naman Raqui?" Si tita ang naririnig ko.

Iminulat ko nang paunti unti ang aking mga mata.

Kulay puti ito. Pamilyar na eksena to nang nasa ospital palang ako kaya alam ko na kung nasaan ako ngayon.

Narinig ko ang boses nang pamilyar na Nurse at doktor.

"Hay... Sabi ko kasi sa inyo Martha, sa isang linggo pa dapat ang discharge niya, mukhang napagod siya? Saan ba siya nangsususuot ngayon?" Si dok Therese, ang doktorang tumulong saakin oara mabilis na makarecover.

Hindi parin ako makagalaw.

Hindi makakilos.

Napagod naata ako dahil sa mga naganap.

At nalaman.

"Sa tingin niyo dok? Ayos lang ba siya? Ani bang nangyari sa aking pamangkin?" Tanong ni tita sa doktor.

"Naoverfatigue lang siguro ang kanyang utak o katawan, pero isasailalim parin natin siya sa mga test para malaman kung okay lang ba talaga siya or may nagyari na, mas maganda kung mananatili nalang muna siya dito hanggang sa maitest natin siya para masigurado natin ang kaligtasan niya" Tumabgo lang si tita at umiiyak na niyakap ang aking dalawang kamay.

"Sorry Raqui pinabayaan kasi kita kanina! Next time sasamahan na kita sa mga gala mo! Hindi na kita papabayaan! Magpagaling ka lang ha! Pagaling ka lang!" Naiiyak ako dahil may nahihirapan nanaman dahil saakin. Pero naiiyak din ako sa kadahilanang masama parin ang loob ko sa kaibigang tumaraydor saakin.

Ang sakit kasi talaga.

Ang sakit na malaman mong nagloloko siya.

Tas ala pa kaming label.

Ala kaming label, whahaha!

Ano nga bang laban ko, malay ko ba.

Malay ko ba kung yung babae niya ang may label at ako ang parang kabit sa kanilang dalawa.

Hindi ko to deserve diba?

Hindi ko naman to deserce God diba?

Ang sakit kasi talaga e!

Her Bakitlist: An Inspiration-shit Series First NovelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon