Unedited
------------
Bakitlist-16:
Instant Rich GirlfriendTraquil's PoV
"Hindi pa ba tayo uuwi? I mean, di mo pa ba ako papauwiin? Naging taga buhat mo nalang ako nang mga pinamili mo e!" Whahahahahaha! Langya nakakatawa itsura niya. Nakakahiya din yun para sa kanya kasi lalaki siya tas pinabitbit ko lahat sa kanya yung mga pambabae kong mga pinamili.
Isineryoso ko ang aking mukha bago kunyaring galit siyang hinarap.
Kanina pa siya nangungulit na umuwi. Pero denededma ko lang dahil ayaw ko pang bumalik sa bahay.
Wala rin naman akong gagawin doon e.
"No! Hindi pa tayo uuwi" Sigaw ko sa kanya.
Napakamot nalang siya sa ulo niya at saka sumabay nang paglalakad saakin.
Whahahaha!
Ang sama ko na ba non?
Sabagay kakagaling ko lang sa simbahan tas biglang nagganito naman ako. Tsk! Sorry Lord! Huli na talaga to promise!
"Nakakainis! Dapat pala di na ako pumayag na sumama sayo! Kung alam ko lang na magiging tagabuhat mo lang ako dito di sana iniwan nalang kita kanina!" Nagdadabog niyang Saad. Muntik na akong mamatay sa katatawa nang marinig ko yun.
Di ko n anga kinayang magkunwaring seryoso at pagalitan siya dahil natawa na talaga ako sa pagdadabog niya. Para kasi siyang batang inagawan nang paburito niyang Candy.
Binalingan ko siya at galit niya lang akong tiningnan. Namumula mula pa ang mukha niya.
"Okay fine! Dun tayo sa men's section, ililibre kita! Thank you give ko narin yun para sayo!" Sabi ko sa kanya bago siya talikuran at nagtungo na sa sinabi kong lugar.
"I said I want to go home! Hindi magtungo sa male's section para magpalibre!" Nagtsk pa siya pero rarampa rampa lang akong walang pakialam sa sinabi niya.
Tsk! Nahiya pa alam ko naman na gusto niya din naman magpalibre.
"Wag ka nang mag inarte diyan at baka pasakan pa kita nang sapatos sa bibig, manahimik ka nalang diyan at hayaan mo akong maghanap nang damit para sayo! Hihihi! I'm excited!" Sabi ko habang kinikilig sa tuwa.
First time kasi nang lola niyong maghanap nang damit nang lalaki. Why? Because nbsb ang dyosa sa harap niyo. Hindi pa yan nahahawakan nang kung sino sino lang! Hahaha!
"Anong maghanap nang damit para sakin?! No! Kaya ko na! Ako nalang ang maghahanap nang damit para saakin!" Sinamaan ko siya nang tingin. Hindi ko hahayaang kunin niya lang ang chance ko na makapili at makapamili nang damit na para sa lalaki. Tsk! Arte! Kala mo naman siya ang bibili at magbabayad!
Ako ang magbabayad kaya ako ang pipili! Ganun yun!
"No! ako ang pipili dahil ako ang bibili!"
"Still no too! Ako ang magsusuot kaya ako ang pipili!"
Nakikipagmatigasan pa siya ahhhh.
"Ako!"
"me!"
"I said it's me!" Sigaw ko ulit sa kanya. Mahirap ba yung intindihin.
"No! Ako ang pipili nang damit ko!" Sigaw niya. Aba lumalaban na!
"Hoy bakla! Bakit ba ayaw mo na ako ang pumili nang mga damit mo! Alam ko na! Yung mga damit na gusto mo nasa Female section no!" Pang aasar ko sa kanya. Nagulantang siya sa sinabi ko.
BINABASA MO ANG
Her Bakitlist: An Inspiration-shit Series First Novel
Espiritual(Partially Edited) A girl with her Bakitlist. 1st @ Bakitlist on Sep. 22, 2021 ----- Finished Sep. 22, 2021 By: Authorwhocannotwrite