☀️Bakitlist-2☀️

7 5 0
                                    




------------
Bakitlist-2:
Someone New



Traquil's PoV




-Reply to your tweet

...more reply

At talagang sa Twitter ka pa nagtanon! Hahaha! - Eric

Tsk! Gumagawa nanaman nang paraan para sumikat- Sam

Di ka na sikat gurl! Mahiya ka naman! Laos ka na!- Tony

Siguro kaya ka nasaktan kasi nag aassume ka parin! Hahaha- Feather Montano

Wag niyo na nga kang siyang pansinin kawawa naman ang dating reyna! Whahaha!- Nowayitmeramie

Bumuntong hininga nalang ako sa inis nang makita ang mga Reply sa tweet ko.vHindi ba pwedeng maging gentle naman sila sa mga sinasabi nila saakin. May puso din naman ako ahh. And what the hell is their problem? Ni hindi ko nga kilala yung ibang nangbabash saakin dito. Ni hindi ko nga rin alam at maalala kung bakit ganun nalang ang inis nilang lahat saakin. May ginawa ba akong masama?

Wala naman diba?

Pagkatapos kong maaksidente nagsimula na silang ganituhin ako. After nun nilayuan narin ako nang kaibigan ko. And now... Ito, sa first ever post ko since na-ospital ako grabe na kaagad ang mga bash nila.

May nagawa ba ako? Bakit di ko alam?

Nagbuntong hininga nalang ako. God... I can't take this anymoreee... Hindi naman ako masama? Bakit nila ako binabash? Hays...

Napasinghap nalang ako at saka tumingin tingin sa mga taong nagdadaan sa aking harapan.cNasa garden na ako nang ospital, malapit to sa parke sa gilid nang ospital. Maraming mga tao doon kaya naman mas ginusto ko nalang dito sa may pwesto ko na wala masyadong kasama.

Ilang buwan na ba ako dito sa ospital na to? 12, 13, 14 or 15 months? Nagkibit nalang ako ng aking balikat.

Haysss... Ewan ko, basta ang tagal ko narito.

Ayaw ko naman kasi bumalik agad sa mansyon, baka kung ano lang mga maalaala ko doon at baka madepressed lang ako ng sobra dahil sa pagkawala ng nga mahal ko sa buhay.

Buti nalang talaga at nariyan si tita Martha, kung wala siya baka matagal tagal narin akong nasa mental... nabaliw dahil sa kalungkutanan.

Bumaling ako sa aking kapaligiran.

Napapaligiran ako nang mga bulaklak... puno at mga halaman na never ko pang nakita dati at may mga gulay pa. May pagka-uban din itong botanical garden nila. Malakas naman ang signal dito kaya okay lang.

Kung naghahanap ka nga ng tahimik na lugar kung saan maaari kang magsulat ng story para mas tahimik ay ito na ang place para sa iyo e. Mas komportable din dahil wala namang masyadong tao at napakaraming magagandang scenery kahit na sa katunayan ay nasa loob talaga ako ng isang ospital.

At dahil ako lang naman ngayon ang taong gustong mapag-isa ay ako lamang ang narito. Tsk! Napairap nalang ako sa naisip. Ang dami ko namang hugot sa buhay. Mag move on ka na nga lang Raqui paano na ang mga pangarap mo kung para ka lang lumpong ewan dito.

Makinig ka sakin self... kung hahayaan mo ang sarili mong maging kaawa awa sa mata ng iba at hindi ka umahon at tumayo mula sa pagkakabagsak mo... wala ka ng buhay na mababalikan pa, you need to conquer all your fear, I need to be strong so I can fight for my self.

Pero sabagay... life, life is pretty cruel... but still hindi ako dapat ako maging mahina sa panahong ito kahit na ang pagiging bulag at mahina nalang ang kaya kong gawin. Dapat hindi ko ipakita sa mga basher ko na tama sila... na mali ako... at napabagsak nila ako.

Her Bakitlist: An Inspiration-shit Series First NovelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon