🔅Bakitlist-17🔅

2 1 0
                                    


Unedited
------------
Bakitlist-17:
Past life, past love


Traquil's PoV

Waquin is with his current girlfriend.

Nakakainis paano niya ba ako nakita.

Tsk! Siguro ang inip niya dati di na niya ako makikita dahil mamamatay narin naman ako tulad nang pamilya ko pero di niya alam ay mabubuhay pa ako at makakapaglakad.

Tsk!

Mas maganda parin naman ako sa kung sino mang hito ang nabingwit niya.

With matching flying flipping hair, I look at his place.

"Ohhhhhh! Qui! Nandito ka pala!" Sabi ko kunwari ay hindi ko alam na nandoon siya.

Haysss! Buti nalang at effective naman ang napakagaling kong pag arte kaya hindi ako nabuking.

"Oo e nagdedate kasi kami nang girlfriend ko" Nakangiti niya pang sinabi. Gusto ko sanang umirap kaso mawawala ang maganda kong pag arte kapag nakita niyang inirapan ko siya. Mamaya kung ano pang isipin nang hayop na to. Na may naratamdaman parin ako sa kanya.

"Ahhh ganun ba? Kami rin nang boyfriend ko e! Oo nga pala, boyfriend ko nga pala guys!" Sabi ko sa kanila. Proud pa ako e. Gwapo naman talaga kasi ang lalaki na hila hila ko ang kamay.

Sakanya ko na nga rin naiibuhos ang inis ko e.

Siguro namanhid na ang mga kamay at braso niya dahil sa pagkakaipit nang kamay niya sa mga may kong nakakuyom na habang nakahawak sa kanya.

Inis na ins talaga kasi ako sa mukhang nasa harapan ko.

"Whoa! Boyfriend mo? Okay naman siya Ahhh! You have a good taste Raqui pagdating sa mga lalaki Huh?" Tumango ako sa kanya. "Ang what is his name?" May pa follow up questions si Mayor! Pero natulala ako sa tanong niya. Huli na nang nalaman kong I don't know what is his name nga pala!

Huhuhu!

Pano na to!

"I'm Kim Raven Rohavidson, his boyfriend" Iniabot niya ang isa niyang kamay na tinanggap naman nang dati kong kaibigan" Ohhhh, so his ravenrohavidson of Twitter.

Gagong to! Siya pala yun!

"Nice name, nice name, ano ka Foreigner?" Daming tanong nitong walangyang to ahhhh, sino ba siya yung reporter ganun lahat itatanong.

Tsk!

Batkaya di nalang siya dun mag aksaya nang panahon sa jowa jowaan niya nang makaalis na kami dito.

"Yeah, Im a half filipino, half German, and I live my childhood lilife on Germany so basically im a foreigner too, aside of being a half Filipino" Tumango tango pa siya habang sinasabi yun.

Ay may lahi pala ang gung gung, kaya palang ang puti. Kala ko pinaglihi lang sa gatas o sa kung saang prutas na maaring makaputi nang todo.

Daig pa niya ang sinabon nang tide at lumaklak nang kojic at gluta.

"Oh I see. Sige alis na ako, kita kits nalang Raqui, hanggang sa susunod!" Sabi ni Waquin. Langya buti nakang umalis na ang loko.

Magsama sila nang mukhang hito niyang babae.

Inirapan ko sila bago ako tumalikod. Hihilahin ko na sana ang katabi ko nang hindi ito gumalaw.

Isang hila pa ang ginawa ko ngunit daig pa niya ang nasuperglue.

Ano bang trip niya?

"Hoy bat ayaw mo pang gumalaw diyan? Kala ko ba gusto mo nang umuwi? Lets go na!" Sabi ko sakanya at saka hinila siya ulit.

Her Bakitlist: An Inspiration-shit Series First NovelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon