Unedited
------------
Bakitlist-8:
Paano?Traquil's PoV
Nakakabingi ang mga ingay. Mga wang-wang ng mga sasakyan ng pulis.
Buti at dumating narin sila.
Akala ko ay pinabayaan na ako ni tita sa mga hayop na to.
Narinig ko mula sa labas ng pinto ng aming kusina ang malakas na sigaw ni tita Martha. Galit na galit siya ng makitang sinisira nila tita Georgia ang bakal na proteksyon ng bintana kung saan sana sila dadaan para makapasok sa loob.
Mabilis akong tumungo sa taas.
Pumunta agad ako sa security room kung saan nandoon ang mga security and controls ng buong bahay.
Pinindot kong muli ang red botton sa harapan at saka umingay nanaman ang mga serena bago lumiwanag ang buong paligid.
Otomatiko naring nag turn-off ang mga ilaw dahil maliwanag naman sa labas.
Tiningnan ko ang malaking screen at nakitang pumasok sa loob si tita at mukhang hinahanap na ako.
Dali dali na akong lumabas ng silid na iyon at nagtungo sa baba.
Nakita ko ang takot na mukha ni tita.
Tsk! Nagaalala naman siya saakin.
Ganyang mukha din ang nakita ko ng makita ko siya sa ospital pagkatapos ng aksidente.
"T-tita" Ayun lang ang lumabas na salita sa aking bibig. Akala ko talaga ay hindi na siya babalik.
Naiiyak ko siyang hinagkan. "Thanks at bumalik ka! Akala ko talaga iniwan mo na ako!" Umiiyak akong tumakbo patungo sa kanya at yumakap.
Ganoon din naman ang ginawa niya.
Mahigpit na yakap ang natanggap ko sa kanya.
Takot siya kahit na magkasama naman na kami. Ramdam ko ang guilt niya dahil sa pag-iwan niya saakin ng magsorry siya. "My God Raqui! Akala ko kung napano ka na! Okay ka lang ba?! May masakit ba? May ginawa ba silang masama sayo?" Umiling ako kay tita.
Pero kahit ano pa ang sabihin ko ay parang hindi na mawawala ang pag-aalala niya saakin ng dahil sa nangyari. "W-wala naman, natakot lang talaga ako na makuha nila lahat nang mga gamit na ala ala saakin nila Dad, buti nalang talaga at dumating ka na!" Umiiyak paring sagot ko sa kanya.
Tumango lang siya.
"Buti naman." Para siyang nakahinga nang maluwag.
"Bakit nga pala ang tagal mo bumalik? Akala ko ba may tatawagan ka lang?" Nakita ko naman ang pagkailang niya sa aking tanong.
"W-wala, nagpunta lang ako sa mall para mamili nang mga damit mo, bakit ano bang akala mo?" Tiningnan ko lang siya nang mapang inis at saka Umiling.
"Thanks talaga tita at dumating ka! I'm so cared na kaya kanina!" Saad ko sa kanya. Natawa lang siya.
Ewan ko sa babaeng to, kanina umiiyak kasi nag-aalala tas ngayon tinatawanan lang ako. "Akala mo naman iiwanan kita nang ganun ganun nalang! No way no! Baka multohin pa ako ni ate kapag may nangyari sa yong masama!" Natawa naman ako sa sagot niya.
"O sige magpahinga ka na sa room mo, ako ng bahala dito... sisiguraduhin kong wala nang ni isa man sa mga kamag anak ng tatay mo ang makakapasok dito at sa lahat ng mga properties nila ate at kuya, kaya dun ka na sa room mo at wag ka nang mag alala. Safe ka na rito at safe narin ang mansyon." Tumango ako sa kanya at saka tatalikod na sana ng may i-abot siya saaking mga paper bags.
Kunot noo ko siyang tiningnan.
"Para naman saan yan?" Inirapan niya lang ako. Hayss ang maldita talaga nang babaeng to. Tsk!
"Edi ano pa! Edi damit! Para sootin!" Hays! Ang babaeng to napaka-pilosopo.
"Ito kung magtanong parang wala lang isip... sige dun ka na nga sa room mo, baka mapektusan pa kita dito sa kabobohan mo!" Wow ahh! Ang mean niya talaga saakin.
Umismid nalang ako at saka siya tinulak. "Oo na! Sa kwarto nalang ako. Pero punta ka dun after mo silang paalisin ahhh!" Para akong batang nagpapacute sa kanya nung sinabi ko ang mga salitang iyon.
Inirapan nanaman niya ako at saka nagsalita. "Oo pupunta ako dun mamaya after this, sige na! She! Di na kita kelangan here!" Ako naman ang nangirap sa kanya at saka tumungo na sa taas kung nasaan ang kwarto ko.
Grabe siya sa di na ako kailangan!
Ano yun ganun nalang!
Di man niya kang ba ako tatanungin kung natrouma ba ako sa nangyari.
Tsk!
Wala din tong isang to e.
Ang mean mean pa!
"Tsk! Bahala na nga siya dun! Siya nalang mastress!" Inis kong bulong sa sarili ko.
Pumasok na ako sa aking silid at saka nagpalit ng pang bahay.
Shorts at t-shirt na v-neck nalang ang sinuot ko.
Wala lang naman kay tita kung anong isusuot ko sa bahay e. Wag lang kapag umaalis... sasabunutan ako nun if ever na gamitin ko to sa labas.
Conservative kasi yang si tita. Parehas na parehas sila ni Mom.
Ang galing niya ngang maging nanay e. Kaso itong si tita... isa't kalahati ding bitter.
Daming manliligaw pero ayaw magpaligaw. Ayaw niya daw kasing masaktan. Okay na daw ako nalang ang pinoproblema niya at hindi na siya magdagdag dahil baka daw mamuti at makulot na ang mga buhok niya.
Pero sayang talaga siya. Maganda panaman ang tita ko.Para nga siyang isang Pilipina version nang sikat na Hollywood Actress na si Angelina Jolie.
Tsk! Nakakainggit talaga ang beauty nang tita ko.
Pero okay lang nag-mana naman ako sa ama at ina ko kaya masasabi ko naman na maganda din ang itsura ko.
Pero wala parin ako sa kalingkingan niya.
Kamag anak nga ata nila nina mama ang Goddess of beauty kaya naman ganoon ang mga itsura nila. Siguro nga kung mapapatabi ako sa mga yun magmumukha lang akong kasambahay. Kahit anak at pamangkin naman talaga nila ako.
Tsk!
Umupo ako sa aking kama. Namiss ko talaga tong kama ko. Huhuhu!
I miss this room.
I miss this place.
Buti nalang talaga at nakauwi na ako.
Nakauwi na sa bahay ko.
Sa matatawag kong home.
Nilibot nang mata ko ang kabuoan nang kwarto ko.
Napangiti ako sa mga ala ala.
"Mom... dad! I'm here... Nasa bahay na ulit ako... I miss you so much mom and dad" Naluluha nanamang sambit ko.
"S-Sana, sana hindi nalang talaga ako nag aya nang bakasyon nang mga panahong iyon, di sana, s-sana buhay pa kayong dalawa" Umiiyak ko nang usal.
Masakit kasi talaga.
I don't know how to be strong lalo na kapag naiisip kong wala na akong sandigan.
Kung mayroon man ito ay mahina na at marupok na. Maaari nang gumuho sa kahit ano mang oras.
Paano ko ba dinaranas ito?
Talaga bang ganon ako kasama?
Pero how?
Paano?
Ang alam ko lang naman ay normal lang naman ang buhay ko dati.
Wala naman akong ka-away at na-away.
Walang kahit ano o sino.
Pero ganun naman ata talaga yung buhay nating mga tao.
BINABASA MO ANG
Her Bakitlist: An Inspiration-shit Series First Novel
Spiritualité(Partially Edited) A girl with her Bakitlist. 1st @ Bakitlist on Sep. 22, 2021 ----- Finished Sep. 22, 2021 By: Authorwhocannotwrite