------------
Bakitlist-6:
PintoTraquil's PoV
Dumating kami sa bahay. Maghahapon na. Maganda ang ngiti ko habang nakatingin sa napaka-gandang paligid. Pero nalungkot ako kaagad ng makita ko na nangangamatay na ang mga halaman dahil wala ng nag-aalaga dito. Sala na kasi yung mga dating mga naninilbihan dito. Ewan ko ba, hindi ko alam kung ano ng nangyari dito simula ng maaksidente ako at ang pamilya ko.
Nasa harapan na ako ng malaking pintuan ng aming mansyon. Naalala ko pa nang unang dating ko dito. Natulala din ako sa harap nito dahil sa pagkamangha sa laki nang pintuang iyon.
Napangiti tuloy ako ng maalala ang mga bagay bagay. Lumapit ako sa may pinto at hinawakan ito.
Nanatili namang walang imik na tiningnan lang ako ng tita ko.
"Dito... dito ini-ukit mismo ang pangalan naming tatlo ni Dad, at ni mom, pina-ukit nila dahil kami lang daw ang nagmamay-ari ng bahay na ito." Nasambit ko nalang ng maalala ko ang mga bagay bagay. "Saamin lang... hindi ko aakalain may mga taong magtatangkang kumuha nito mula sa akin... sa amin." Sambit ko habang hinahawakan ang mga nakaukit na letra ng pangalan naming tatlo, isang masayang pamilya na nakaukit dito sa may pinto.
Naalala ko na sinabi ni Dad na pagka-daw nagka-anak ako, hahaha... nakakatawa silang mag-isip noon. Bata pa ako at yun na agad ang kanilang sinabi. Na pagkanagka-anak at pamilya na ako. At pagka-wala na nga daw sila.
Kami naman daw ng asawa at magiging anak ko ang mag-uukit ng pangalan namin sa mga bakanteng space sa gitna ng pinto.
Simbolo daw yun na hanggang sa mga kaapo-apohan nila ay saamin parin ang mansyon na ito at wala ng iba.
Ngumiti ako na may bahid ng lungkot sa mga mata. "Mom... dad, hinding hindi ko po kayo bibiguin... hindi ko po isusuko ang mansyon na ito kahit anong mangyari. Magiging saakin pa rin po ito at sa magiging apo niyo, hinding hindi ko po to ipapamigay, lalaban po ako!" Saad ko habang umiiyak na nakayakap sa pinto.
Ito na nga ba ang ayaw kong mangyari.
Every corner of this house... everything in this house... lahat yun ay may mga memories naming pamilya noong magkakasama pa kami. At nananariwa ang sakit ng nakaraan dahil sa pagbalik ko sa lugar na ito.
Naramdaman ko ang presensya ni tita sa tabi ko. Napansin niya ata ang pag-iyak ko. "S-sorry... Raqui ako ang may kasalanan kung bakit nasasaktan ka nanaman. S-siguro next time nalang tayo ulit pumunta dito. Wag muna siguro ngayon, Tara na?" Pinagsisisihan ata ni tita na dinala niya ako dito. "Bumalik muna tayo sa ospital?" Umiling ako. Huli na ang lahat. Nabuksan na ang lahat ng ala-ala.
Ngayon... ang kailangan ko nalang gawin ay gamutin ito. At unti-unting tumayo. At labanan ang mga taong gustong kumuha ng mga bagay na sa akin.
Umiling ulit ako. "No tita! Dito lang tayo! Okay lang ako... okay na ako." Sabi ko. Hindi ako aalis dito ng hindi ko nasisiguradong lahat ng mga gamit at mga bagay na narito sa pamamahay namin ay protektado sa mga taong tulad ng mga kapatid ni Dad. At dahil gusto kong maramdaman kahit wala na ang mga magulang ko ang presensya nila. Na alam kong naiwan dito sa bahay. Ang pagmamahal nila na naiwan dito sa bahay... kahit sa mga ala-ala nalang ay masaya na ako na makapiling ko sila.
Nag-aalala akong tiningnan ni tita. "Pero... Sure ka ba Raqui, we can get a security guard to secure this mansion? Hindi mo na kailangan pang dumito ng matagal," saad niya na inilingan ko lang agad. "pwede tayong umalis muna at makarecover ka muna bago tayo ulit bumalik dito?" Umiling ako. Ayaw ko nga sabing umalis hangga't hindi safe ang mansyon na ito e. Hindi ako aalis hangga't may mga taong nais kuhanin ang mga bagay na pinaghirapan ngmga magulang ko sa napakahabang panahon.
BINABASA MO ANG
Her Bakitlist: An Inspiration-shit Series First Novel
Spiritual(Partially Edited) A girl with her Bakitlist. 1st @ Bakitlist on Sep. 22, 2021 ----- Finished Sep. 22, 2021 By: Authorwhocannotwrite