------------
Bakitlist-7:
Pera...Traquil's POV
Dahil nasa loob naman ako ng aming bahay sa mga oras nayun at kaunting space lang ng pinto ang nakabukas ay ginawa ko itong chance para hindi nila mapasok ang mansyon.
Pinagsaraduhan ko sila nang pinto... yun lang at eala na akong iba pang naisip na paraan para hindi nila ako sapilitang pasukin dito at saktan.
Shit!
Tama lang naman ang ginawa ko diba? Pinoprotektahan ko lang ang akin.
Wala ng talikuran toh... sala na rin naman akong magagawa para ibahin ang mga naganap.
Ni-lock ko ang pinto at narinig mula sa kabilang dako ng pinto ang pagtawa ng malakas ng tita ko sa pamilya ni Dad.
Shit talaga! Nakakakaba pala yung ganito.
Pero hindi... hindi nila ako matatalo ngayon.
Buti nalang at may pagka-security conscious noon sila mom kaya naman may mga security measures tong bahay namin.
Pumunta ako sa security room ng bahay at naroon ang mga aparato na ginagamit ng mga dati naming mga kasambahay para maprotektahan ang bahay.
Pinindot ko ang Red botton sa may gitna ng malaking aparatong parang computer at saka narinig ko na ang malakas na pagtunog ng alarm mula sa iba't-ibang panig nang bahay.
Nang makita ko ng nagdilim na ang buong paligid ay nakontento na ako.
Secure na ang bahay.
Nagsibukasan narin ang mga ilaw nito.
Automatic lahat. Buti nalang.
Ginawa to nila Dad, dahil baka daw mag purge at dahil isa sa mga mayayamang angkan ang pamilya namin ay baka mabigtima daw kami ng mga taong nang-pupurge na yun.
Buti talaga at maypakamatatakutin sila dad at mom dahil nagamit ko ang system nato ngayon sa mga kamag-anak ko sa part ni dad para hindi nila mapasok ang bahay... sa totoo nga parang ganito din ang napanood kong part sa the purge e. Yung pinapasok nila yung mga bahay. My god! Ang lakas na talaga ng tama nila tita!
"Hays jusko po! Buti nalang talaga!" Nakahinga ako ng maluwag dahil sa okay na ang lahat.
Binuksan ko ang mga nakasarang monitor ng mga cctv at saka lumabas mula sa mga ito ang mga live video na mga kaganapan sa labas nang bahay.
Nakita ko ang pagkadisappoint at init nang ulo ni tita habang minamandohan ang mga tauhan niya.
Hahahaha!
Buti nga sa kanya. Akala nila ata matatalo niya ako ng ganun-ganun lang. Duh! Kahit papano may alam naman ako sa pagprotekta ng mga bagay na sa akin.
Nang makita kong hindi naman kayang pasukin ng mga tao nila tita ang aming mansyon ay agad na akong bumaba.
Kinuha ko ang phone ko sa may sofa kung saan ako umupo kanina at saka idinial ang numero ni tita Martha. God! Asan na ba ang isang yun!
Sumagot naman ang tita ko agad-agad.
"Bakit?" tanong nito sa akin.
"Nasaan ka ba tita! Nandito na sa mansyon ang mga kamag anak ni Dad! Buti nalang talaga at may security measures ang bahay kaya di nila napasok! Bilisan mo tita! Magdala ka nang mga pulis!" Bulalas ko nang magtanong siya. Hindi agad siya nakapagsalita sa kabilang linya at natahimik sandali.
Siguro napaisip pa siya kung maniniwala ba siya saakin o hindi. Hindi din niya siguro naisip na gagawin to ng mga kamag-anak ko kay dad. "Sige sige! Pabalik na ako... tatawag na ako sa pulis kapag malapit na ako dyan. May mga security naman na akong kasama!" Halata sa boses ni tita na nabagabag din siya sa sinabi kong pangyayari dito sa mansyon.
BINABASA MO ANG
Her Bakitlist: An Inspiration-shit Series First Novel
Espiritual(Partially Edited) A girl with her Bakitlist. 1st @ Bakitlist on Sep. 22, 2021 ----- Finished Sep. 22, 2021 By: Authorwhocannotwrite