------------
Bakitlist-4:
New Day... New lifeTraquil's PoV
"Hey guys, goodmorning to all of you!" Mataas ang energy kong bati sa pagkagising ko palang. Kahit na wala naman talag akong kasama dito sa kwarto maliban kay tita Marta.
Maganda ang gising ko kaya naman ngiting-ngiti na ako ngayon. Para ngang wala akong sobra sobrang stress na naranasan kahapon e. Pero wag na muna natin yung pag usapan. Baka mawalan lang ako ng gana sa gala naming ngayon ni tita Martha.
Ewan ko nga doon at bigla nalang akong inaya na mag mall.
Tsk! Nakalimutan niya atang nakawheelchair pa ako at para lang akong lumpong di makalakad sa harapan ng madaming tao kapag pumayag ako.
Pero siyempre hindi na ako nakapalag sa aking tita. Manipulator yun e. Tsk! Busit siya! Eka ba naman... pagka di daw ako sumama sa kanya iuuwi na daw niya ako sa mansyon.
At dahil mahina at pipilay-pilay pa ako ngayon ay mataas ang chance na mabitbit niya ako ng walang kalaban-laban sa mansyon kapag ginusto niya.
Napairap nalang ako ng biglang may sumipa saakin.
At dahil nga maaga pa kaming pupunta sa mall ngayon ay dito narin siya natulog sa kwarto ko sa ospital. Walang hiya nga e. Sinakop na niyang lahat ang kama kaya kaunting space nalang ang natira saakin. Nakalimutan na ata ng aking tita na kaya ako nasa ospital ay may sakit ako at hinayaan niya nalang akong matulog sa kaunting space ng kama. Napaka-imposible niya talaga.
Hay... nakakangawit kaya yung pagkakatiklop ko sa sarili ko para lang magkasya saakin yung kaunting kumot na binigay niya saakin.
Kinuha niya din kasi ang kalakhan ng nag-iisang kumot ko dito sa kwarto. Lakas niya noh? Kala niya ata siya ang may sakit.
Naramdaman ko nanaman ang sipa niya. Kaya naman inis nalang akong tumayo at saka naglakad patungong mini sala set dito sa aking kwarto para manood.
Hihintayin ko nalang siyang matapos sa pagtulog at maliligo na ako.
I open the TV at nilagay sa pabutiro kong palabas tuwing ganitong oras.
Ang K-life Series kung saan tampok ang buhay ng mga Kpop stars. Wala lang trip ko lang yung panoodin dahil naiinspired ako sa kanila.
Dati kasi madami din akong taga hanga.
Nakakapagsayaw sa harap ng madaming tao.
Nakakakanta ng mga covers sa YouTube channel ko na napakaraming mga subscribers.
But now... Look at me.
Isa nalang akong babaeng naghahangad na bumalik sa dati ang lahat. Babaeng binabash dahil sa hindi alam na kadahilanan. Babaeng nawalan nang ama't ina nang dahil sa karumal dumal na aksidente.
At hanggang ngayon ay hindi parin nakakamit ang justice for them dahil di pa nahuhuli ang bumanggang truck saamin.
Nang matapos na ang show na pinapanood ko ay pinatay ko na ulit ang tv at saka kinuha ang laptop sa may table sa tabi ng kama at saka umupo sa upuan sa tabi nito.
Tingnan mo nga naman. Nagkapalit pa kami ng posisyon ni tita. Siya ang nasa kama at ako ang nakaupo sa may upuang katabi niya.
Iiling nalang akong natawa sa naisip.
Binuksan ko ang hawak na gadget at saka pumunta sa aking Twitter App.
Bumungad saakin ang mga notifications mula sa mga Reply at likes mula sa mga taong nakakita ng tweet ko.
BINABASA MO ANG
Her Bakitlist: An Inspiration-shit Series First Novel
Spirituelles(Partially Edited) A girl with her Bakitlist. 1st @ Bakitlist on Sep. 22, 2021 ----- Finished Sep. 22, 2021 By: Authorwhocannotwrite