Psycho meet the short-tempered
"Sav, tama ba 'to?"
I pressed my lips together and trying to calm myself. Every fucking time. Sinadya ko ang malakas na pagsarado ng librong binabasa at tyaka hinarap ang kaklase.
Nakangiti man ako sa kanya, pero sa loob loob ko ay sasabog na ako sa inis. I hate when someone bothering me while I'm reading, advance reading to our next lesson.
Pinasadahan ko ng tingin ang lalaking kaklase, actually I don't know what his name is. Hindi ko naman kasi naalala pag hindi naman importanteng tao.
"Sav, tingnan mo kung tama ang pagkakasulat ko ng essay. Baka kasi mali ang grammar ko eh." Kamot batok na usal niya at tyaka mas lumapit sa upuan ko
Sinandal ko ang likuran sa upuan. "Hindi kaba nagpaplantsa ng uniform mo?"
Damn, I knew it. Hindi ko talaga mapipigilan ang bibig ko, gusto kong panatilihin ang pagiging mabait ko ngunit ang bibig ko walang preno.
Medyo napalakas pa ang pagkakatanong ko kaya't napabaling ang ilang kaklase namin sa pwesto namin. Dahil do'n namula ng todo ang mukha niya sa hiya, bahagyang napayuko.
"Nasira kasi 'yung plantsa namin eh, kaya h-hindi ko na plantsa."
"Wala kayong extrang plantsa?" Tanong ko pa
Marahan siyang umiling. "W-Wala..." halos pabulong na sagot niya
Nagtawanan ang ilang kaklase namin sa sagot niya. I sighed and didn't hesitate to pick 500 pesos on my wallet and handed it to him.
Bumakas ang kaguluhan sa mukha niya. "A-Anong--"
I licked my lower lip. "Buy plantsa, huwag mo na ako bayaran." Binuklat ko ulit ang librong binabasa at tinapik sa mukha ko para maiwasan na ang titig niya
"Salamat dito, Sav! Pero, tingnan mo 'yung essay ko kung--"
"Ayaw. Alis na!" Inis na taboy ko
Mataasan mo pa ako sa activity, ayokong mangyari 'yon. Dapat ako lang ang makakuha ng mataas na grado sa klase, ako lang dapat.
...
"Congrats, Sav!"
"Galing mo talaga Savannah!"
"Paturo idol Sav!"
'Yan ang ilang papuri na natanggap ko pagkatapos kong makaperfect sa biglang 50 items quiz ng major subj namin.
A victory smile marked on my lips. I didn't say anything and just walked out. I'm sanay na sa mga papuri nila, hindi nauubos ang mga taong humahanga sa taglay kong katalinuhan.
It's our lunch time na, kaya dumiretso na ako sa cafeteria. I have a friend, but not really, she's my dad's friend daughter. Minsan lang kami magkasama at tuwing may bakanteng oras lamang dahil mas ahead siya sakin ng isang taon.
Grade 11 na ako at siya grade 12. I'm taking STEM while her is COOKERY.
Pagkapasok ko palang sa cafeteria ay namataan ko na ang kaibigan ko pero hindi lang 'to nagiisa sa lamesa namin, may kaharap itong lalaki na may ubod na kapal ng salamin at may pagkagulo ng buhok. Napangiwi ako nung nagtatawanan ang dalawa, may pahampas hampas pa ng braso si Ally sa lalaking kaharap niya.
Sino ba 'yon? Ngayon ko lang siya nakitang kasama ni Ally.
Napagdesisyunan kong lumapit sa kanila at alamin kung sino ang lalaking kasama niya.
Tumikhim ako para makuha ang atensyon ng dalawa. Natigil sila sa pagtawa pero may ngiting naiwan sa kapwa labi nila.
"Sav, nandyan kana pala." Mahinhin na utas ni Ally. Tinaasan ko siya ng kilay at pasimpleng binalingan ang lalaki, nakuha naman niya agad ang punto ko. "Ah, nga pala. Sav eto nga pala 'yung kababata ko na si Lawson." Pagpapakilala niya
YOU ARE READING
Psycho Series #1: Chasing His Obsession
Storie d'amoreON-GOING | R 18+ | PSYCHO SERIES 1 Lawson Thane Veranda is an indeed weird nerd guy for Savannah. At first, she's been both irritate and annoyed on him for being feeling close to her but inside her, she liking it. Savannah Escobar is a top student...